Chapter 19

2.9K 49 0
                                    

Chapter 19: Nurse

Kaito's POV
"Kid, okey ka lang?" Tanong ni Yato.

"Yeah, maliit na sugat."

Pumunta na ako sa container na may lamang mga baril. Binuksan ko ang isang kahon at nakita ko ang mga baril na binangit ni Kai kanina.

"Ayos, parang nanalo lang tayo sa lotto. Ang daming baril." May halong saya'ng wika ni Nelson.

"So boss, atin na ang mga to?" Tanong ni Dave.

"Malamang, tayo ang nanalo." 

"Yes!" Sigaw ni Dave sabay kuha ng baril at hinalikan ito. "I miss this gun."

"Alam mo Kaito, nanalo nga tayo. Ang tanong, kaya mo bang mananalo sa mga sermon ng asawa mo kung nakita niya ang mga sugat mo?" Nakangiting wika ni Gilbert. Kahit kailan hindi talaga mawawala si Athenna sa aming usapan.

"Ano ba yan, kaya yan ni Boss." Wika ni Dave sabay akbay sa akin at tinaas-baba ang kaniyang mga kilay.

"Kunin na natin ang mga to, at dalhil sa base." 

"Ikaw?" Tanong ni Kairo.

"Uuwi muna."

"Good luck nalang boss!" Sigaw ni Dave at Gilbert.

Athenna's POV [Sa bahay]
Pababa ako ngayon sa hagdan. Bakit kaya wala pa si Kaito? Gabi na. Baka hindi niya pa ako napatawad sa sinabi ko. Nagulat nalang ako sa nakita ko sa living room. Halos malapit na ako matumba sa hagdan. Bakit ang daming sugat ni Kaito? Anong nangyari?

"Kaito! Anong nangyari sayo!? Bakit may mga sugat ka!? Bakit may mga pasa ka!?" Nag-aalalang tanong ko at agad ko siyang nilapitan.

"Ah. Nothing. Konteng aksidente sa training room." Sagot ni Kaito sa mga tanong ko. Anong konteng?!

"Anong konte? Tignan mo yung mga pasa mo. Ang sugat mo sa balikat at likoran mo. Sa tingin mo aksidente lang. Parang galing ka sa gera!" Sermon ko. Kalma lang Athenna. Kinuha ko ang first aid kit sa taas at ginamot ko ang mga sugat at pasa niya.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Muling tanong ko.

"Athenna, wala lang to. Ang liit nang sugat."

"Nakakainis ka. Ang haba nga ng sugat mo sa likoran mo oh!" Sigaw ko sabay hampas sa balikat niya. Ops!

"Gamutin mo nalang nga ang sugat ko. Ang sakit ng hampas mo ah."

Ginamot ko na ang mga sugat niya. Natagalan lang ako sa likoran niya dahil mahaba ang sugat niya tapos nagdudugo pa. Parang gusto kong masuka. Bakit hindi nalang siya dumiretso sa hospital?

"Hoy! Okey ka lang?" Pagpuputol ni Kaito sa aming katahimikan.

"Okey lang. Ang sugat mo lang ang hindi okey." 

Halata na tumawa siya ng konte kaya nilagyan ko ng konteng alcohol ang sugat niya para matauhan siya. May tawa pa siyang nalalaman!

"ARAY!" Sigaw niya.

"Tawa-tawa ka lang diyan, habang ako parang masuka na sa sugat mo. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, saan mo to nakuha? Imposible na aksidedte." Wika ko.

Napatahimik siya sa sinabi ko. So, nagsisinungaling siya. Baka may kaaway siya? May gustong pumatay sa kanya?

"Athenna, kahit anong mangyari wag mo kong iiwan." Seryoso niyang wika.

Anong nangyari?

"May tumatangka ba nang buhay mo?" Tanong ko.

"No. Just forget what I say. Tapusin mo nalang sa pag-gamot ng sugat ko at matulog na tayo."

Binalik ko nalang ang atensiyon ko sa sugat ni Kaito. Parang may ibang nangyayari. Nung isang gabi, nakita ko siya na may hawak na samurai sword, tapos ngayon may mga pasa at sugat siya sa katawan. Pagkatapos kong gamotin ang mga sugat niya ay dumiretso na kami sa kwarto.

"Sabihan mo lang ako kung dumugo ulit ang sugat mo."

[2:30 am]
Nagising nalang ako sa ilaw sa loob ng c.r. Tuminin ako sa kaliwa ko at wala si Kaito sa tabi ko. Siguro siya ang nasa comfort room. Bumagon at lumakad ako papunta sa comfort room at nakita ko siya na ginagamot ang sugat niya sa balikat niya habang ang sugat niya sa likoran niya ay dumudugo.

"Ang sabi ko sayo kanina na sabihan mo ako kung dumudugo yang sugat mo." 

"Kaya ko pa naman ito." Wika ni Kaito habang ginagamot ang sugat sa balikat.

"Kahit na, dumudugo na ang sugat mo sa likoran mo." Wika ko sabay lapit sa kanya at kuha ng kit. Sinimulan ko nang gamutin ang sugat niya sa balikat bago sa likoran niya. Pagkatapos kong gamutin ang dalawang sugat niyang dumugo ay pinagpalit ko na siya ng damit.

"Magpalit kana ng damit."

"Wag na. Magdudugo pa mayamaya ang sugat ko."

"Paano mo nalaman na dudugo yan mayamaya? Magsuot kana ng damit, baka sumakit pa ang tiyan mo."

Pumunta ako sa closet niya at kinuha ang t-shirt na susuotin niya. Pinalitan ko ang beadings dahil may bahid itong dugo. Pagkatapos kong palitan ang beadings ay natulog na kami. Niyakap niya ako habang naka-talikod ako at ilang saglit lang ay mahimbing na siya naka-tulog.

[In the morning]
"Hindi ka papasok?" Tanong ni Kaito.

"Hindi muna. Lalabhan ko muna ang beadings dahil may bahid ng dugo tapos paano kung dudugo ang sugat mo? Sino ang gagamot?" Tanong ko habang hawak hawak ang beadings. Lumakad na ako papunta kung nasan ang washing machine at nilagay dun ang beadins.

"Mag-bake ka muna ng cake. Gutom na ang alaga mo." Nakasimangot na wika ni Kaito. Ang bilis niyang magpalit ng emosiyon ngayon.

Alaga? Seryoso ka?

"Akala ko nakakain kana?" Tanong ko.

"Basta mag-bake kana ng cake dahil gutom na ang alaga mo." Pagkukumbinsi ni Kaito sabay hila ng aking kamay papunta sa kusina. Sinimulan ko nalang ang pag-bake ng cake. Si Kaito naman nanonood ng tv sa living room. Pagkatapos kong mag-bake ay nilagyan ko na ito ng icing at binigay sa kanya.

"Oh. Eto na yung pinapaluto mo." Wika ko sabay lapag ng cake sa table. Aalis na sana ako ng hinila niya ang kanang kamay ko at napaupo sa gilid niya. Nagkuha siya ng maliit na parte ng cake at pina-subo sa akin.

"Kumain kana."

"Ha!? Ayaw ko. Ikaw ang kumain." Pagtanggi ko. Akmang tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Kainin mo muna ang cake."

Kinain ko ang cake na pina-subo niya sa akin at sinubu-an ko rin siya.

"Kaito, wag mo nang ulitin yung nangyari sayo." May halong pag-aalala kong wika sabay sandal ng ulo sa bakikat niya.

"I'll promise."

Author's POV [Yoshida Base]
"Namatay si Fritz!?" Gulat na tanong ng leader ng Yoshida sabay hagis ng baso.

"Opo boss. Si Kaito Shin ang pumatay kay Fritz Yoshida." Sabi ng isang kasamahan nila.

"Boss. Ang kay Kristel. Patay na po siya boss," saad ng isang kasamahan nila. "Eto po ang video na pinadala nila." Sabay bigay ng USB na may lamang video na kung paano namatay si Kristel.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon