Chapter 6

15.7K 158 1
                                    

...SABIK...

BY...EMMZ

CHAPTER 6

Matapos makipag usap ni Elvira sa kapatid ni Yvette na si Ynah ay agad din siyang lumipat nong araw ng sabado para hindi na siya gaanong abala kinabukasan ng Linggo dahil naoag usapan nila ni Celia na magsisimba sila sa Quiapo at mamamasyal pagkatapos...

Matapos makapagsimba ay agad na namasyal ang dalawang magkaibigan sa mall para naman masulit nila ang buong araw dahil hindi na sila magkakasama sa bahay at mapapalayo na si Elvira kay Celia at saka bumuli narin ng iba pang kakailanganin para sa personal na bagay itong Elvira at ng makapamili ay nagyaya muna si Elvira na kumain sa isang restaurant tatanggi sana si Celia dahil nahihiya siya kay Elvira ngunit hinila na siya ni Elvira at wala na siyang nagawa pa...

"Hoy friend kahit na lumayo ka ng tirahan eh meet din naman tayo paminsan minsan para naman kita kits parin naman tayo!... naglalambing na wika ni Celia kay Elvira na simula noong bata pa lang sila ay magkaibigan na sila...

"Syempre nama ano ka ba!.. Alangan namang porke nag asawa na ako ay kakalimutan na kita!.. hindi noh at kahit na tumaba ka pa ng tumaba eh ikaw parin ang kaibigan kung tabaching ching na si Celia....tumatawang biro ni Elvira kaya pinagkukurot siya ni Celia hanggang sa pinagtitinginan sila ng mga tao sa restaurant at ng dumating ang kanilang order ay saka sila nagsimulang kumain...

"Sana friend ay mababait at makasundo mo ang mga bago mong housemate para hindi ka naman maging malungkot doon!...ani Celia habang sila ay kumakain...

"Mabait naman si Ynah pero yung asawa nito ay hindi ko pa na meet kasi nasa Batangas daw ito sa bahay ng mga magulang noong lalaki dahil may okadyon ata sila!...saad ni Elvira ng maikwento sa kanya ni Ynah kung bakit wala ang kanyang asawa..

"Ah ganon ba!..eh bakit hindi sumama yung si Ynah eh may okasyon pala sa partes ng asawa niya?!...usisa ni Celia kay Elvira..

"Kasi may trabaho si Ynah sales manager siya ng isang perfume product at sabi nga niya ay madalas siyang nasa biyahe around the Pinas para ipromote ang kanilang product....kwento ni Elvira kay Celia na ikinatango nalang ng kaibigan...

"Kaya siguro wala pa rin silang anak na gaya ninyo ni Alvin dahil pareho ninyo sila na sobrang busy!... kibit balikat na turan ni Celia kay Elvira na ikinalungkot naman nito..

"Oh bakit ba natahimik kana naman diyan?...wag mong sabihing namimiss mo na ang fafa dear mo!.... sita ni Celia ng makitang lumungkot ang mukha ni Elvira pagkabanggit nito ng panganlan ng asawa nito...

"Syempre natural na mamiss ko siya dahil asawa ko si Alvin at mahal na mahal ko ang asawa ko!... maluha luhang sagot ni Elvira kay Celia...

"Ok sorry na alam ko naman iyon eh!..pero wag ka ng malulungkot dahil para sa inyo naman iyong ginagawa niya eh at nag iipon lang ng para sa inyo dahil pag nagkaanak na kayo eh di hindi na kayo kakapusin sa pangangailangan ninyo at may nakahanda na kayo para sa kinabukasan ng inyong magiging mga anak!...maya maya'y wika ni Celia at medyo lumiwanag ang mukha ni Elvira..

"Sabagay tama ka Celia dapat nga muna naming paghandaan ang magiging kinabukasan ng aming magiging anak at wag muna kaming magmadali na magkaroon ng anak dahil panahon lang ang makakapagsabi kong kailan ito darating sa amin ni Alvin at kahit gustong gusto ko ng magkaanak kung hindi pa panahon para dito ay wala akong magagawa kundi hintayin ang tamang oras at panahon na ipagkaloob ni Lord ang anak na hinihintay namin ni Alvin....pahayag ni Elvira na nag thumbs up naman si Celia para ipahayag na sang ayon siya sa sinabi ng kanyang kaibigan....
........
Matapos ang maghapong pamamasyal ni Elvira at Celia ay nagpaalaman na ang dalawa saka dumeritso na rin si Elvira sa kanyang bagong tinutuluyang bahay sa may Pasay at nakahinga na siya ng maluwag dahil makakapagpahinga na siya at hindi na siya gagahulin sa oras at hindi narin siya parating nagmamadali at gigising ng madaling araw para gumayak sa kanyang pagpasok sa opisina...

......SABIK...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon