Chapter8

19.5K 135 2
                                    

....SABIK....

BY...EMMZ

CHAPTER 8...

Lunes ng gabi ng umalis papuntang Cebu si Ynah at hinatid ni Joey ito sa airport samatalang si Elvira ay matapos na makapagpaalam sa kanya si Ynah ay nagkulong na siya sa kanyang kwarto hanggang sa dalawin siya ng antok at ng magising kinaumagahan ay nagsangag nalang siya ng kanin at nagprito ng itlog at longganisa saka kumain at tinakpan nalang niya ang natirang pagkAin na para kay Joey saka pumasok na ng opisina at nadatnan niya si Yvette na papasok sa may Lift at ng makita ay hinintay siya nito saka pinindot ang lift para magsara..

"Kumusta naman ang buhay siguro excited kana dahil malapit ng umuwi si mister!...tudyo ni Yvette kay Elvira na ikinakislap ng mga mata nito...

"Syempre naman sino ba naman ang hindi matutuwa kung malapit ng umuwi ang mahal mo!...sana ay mamaya o bukas na siya umuwi dahil miss na miss ko na talaga ang mahal ko!....nakangiting sagot ni Elvira kay Yvette...

"Hay naku im sure na makakabuo na kayo niyan kasi sabik kayo sa isa't isa eh hi hi hi!...kinikilig na turan ni Yvette kay Elvira kaya pati si Elvira ay natatawa sa hitsura ng kaibigan..

"Sana nga at makabuo na kami para naman maging mas masaya pa ang pagsasama namin ng aking asawa"...nakangiting sabi ni Elvira at ng bumukas ang lift ay naghiwalay ang dalawa dahil magkalayo ang kanilang departamento ngunit iisang palapag ang kinaroroonan nila...

Dahil sa dami ng mga files na tinapos ni Elvira ay late na siya nakauwi at ng pagdating niya ng bahay ay tahimik at tanging nakasindi lang ay ang ilaw sa sala kaya tuloy tuloy siya sa kanyang kwarto at dahil sa mainit ang panahon ay naligo muna siya saka nagpunta ng kusina para kumain at andon ang pagkain na natakpan ng pinggan at ng buksan niya'y adobong manok at pritong tilapia ang naroroon....

"Ok lang ba sayo ang ulam?....biglang sabi ni Joey na noon ay nasa likod na niya kaya gulat na gulat si Elvira...

"Huh ah eh ok lang naman!...salamat at bakit andami naman ng ulam kumain kana ba?...ani Elvira na kahit nagilat sa biglaang pagsulpot ni Joey ay nagpasalamat parin ito dahil nakapagluto ito at hindi na siya maghihintay ng ilang sandali para makakain dahil gutom na siya ng mga oras na iyon...

"Walang anuman!...,saka kaya madami yang pagkain dahil hindi pa ako kumain hinintay talaga kita para may kasabay akong kakain dahil nakakalungkot kumain ng mag isa....saad ni Joey saka kumuha ng dalawang plato at ibinigay kay Elvira ang isa na halos hindi makatingin kay Joey ng deritso dahil tanging boxer short ang suot nito at nakadisplay ang mga matitipuno niyang muscles....

Tahimik na kumain ang dalawa hanggang sa matapos ito at maya maya lang ay niligpit ni Elvira ang mga pinggan at saka pinunsan ang mesa pagkatapos ay paghuhugas naman ng pinggan ang kanyang ginagawa at ng malapit na siyang matapos ay saka dumating sa kusina si Joey.....

"Hmm ako nalang ang magtatapos ng hugasan mo para makapagpahinga kana alam ko pagod ka dahil kadarating mo lang ng trabaho...ani Joey saka lumapit ito sa tabi ni Elvira...

"Naku ok lang kunti nalang naman itong hugasan at saka ikaw naman ang nagluto eh kaya ako nalang ang magtatapos nito saka ako magpapahinga...sagot ni Elvira habang hinuhugasan nito ang iba pang natirang pinggan at mga baso...

"Ok kung ganon tutulungan nalang kita!...wika ni Joey na inabot nito ang plato na nasa medyo malayo sa kanya kaya't napadikit ang katawan nito kay Elvira na ikinailang ni Elvira kaya't nagmamadali niyang iniabot ang plato kay Joey at kinuha naman nito ngunit hindi naman ito lumayo sa kanyang tabi...

Natapos na ang hugasan ni Elvira at nandoon parin si Joey sa harap ng lababo at ng pinupunasan na ni Elvira ang lababo para tuyuin ang mga tubig ay nabitawan niya ang pamunas nito sa pagmamadali kaya't agad niyang pinulot ngunit ng kunin niya ang pamunas ay siya ring kuha ni Joey kaya naman magkadaop ang kanilang mga kamay at ng alisin ni Elvira ang kanyang ay mahigpit na hinawakan ito ni Joey saka tinitigan niya ito....

......SABIK...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon