Chapter 9

18.1K 138 10
                                    

.....SABIK...

BY...EMMZ

CHAPTER 9...

SINGAPORE...

LINGGO....

Alas otso y media ang alis ni Alvin pabalik ng Pilipinas kaya ng saktong alas sais ay nasa airport na siya at nagte check in ng kanyang bagahe at habang nasa airport ay hindi niya maiwasan ang mapangiti sa isiping masusorpresa niya ang kanyang pinakamamahal na asawa sa kanyang pagdating...

"Oh Elvira mahal ko miss na miss na kita!...wika ni Alvin sa sarili at napatigil siya sa pagmumuni muni ng tawagin siya ng crew para i check in ang kanyang mga bagahe at ilang sandali lang ay pumasok na siya sa loob para sa kanyang pag bo board...

Nang nasa waiting area na si Alvin ay halos hindi na siya mapakali dahil ilang minuto nalang ay darating na ang eroplanong kanyang sasakyan at maya maya nga ay nakita na niyang papalapit na ang eroplano kaya naman napangiti tuloy siya...

"Elvira mahal ko im coming home so soon!...bulong ni Alvin sa sarili at ilang sandali ay naglalakad na siya g papasok sa loob ng eroplano na mag nakapaskil na ngiti sa kanyang labi...

MANILA....

Tinatamad na bumangon si Elvira dahil linggo at walang pasok kaya naman nagkulong na muna siya sa kanyang kwarto ngunit maya maya ay may kumatok at ng pagbuksan niya ay si Ynah ito...

"Oh hi Ynah may kailangan ka?....tanong ni Elvira saka niluwangan ang pagkakabukas ng pinto ng kanyang kwarto...

"Itatanong ko lang kung sasama ka sa amin ni ate Yvette dahil pupunta kami ng Bulacan at uuwi rin kami mamayang gabi mga alas siyete siguro ay naririto na kami....saad ni Ynah kay Elvira..

"Hah ah eh pasensiya kana Ynah kasi magkikita kami ni Celia ngayon eh!...alibay ni Elvira para hindi makasama dahil gusto niyang magpahinga at nahihiya naman siyang hindian ito...

"Ah ganon ba!..ok sige at aalis na kami ni ate kasi baka matrapik pa kami!...saad ni Ynah kay Elvira..

"Sige ingat nalang kayo sa biyahe sa susunod nalang ako sasama sa inyo kasi nakakahiya na,an kay Celia dahil minsan lang kami magkita.....pagsisinungaling ni Elvira saka pumasok sa kanyang kwarto ng umalis na si Ynah...
.....
Samantala ay may nakikinig sa usapan ni Ynah at Elvira at ng malamang hindi sasama si Elvira sa lakad ni Ynah at Yvette ay napangiti ito ng maluwang saka sumulyap sa nakasarang kwarto ni Elvira...

Nakitang kasama ni Ynah ang asawa nitong si Joey paalis ng bahay kaya naman minabuti ni Elvira na maglinis sa kusina at sa sala at ng matapos ay nilinis niyang huli ang kanyang kwarto at ng matapos siya ay sandaling namahinga at ng makita alas onse na ng umaga ay agad niyang kinuha ang tuwalya saka tinungo ang banyo para maligo at dahil sa mag isa naman siya sa bahay ay hindi na niya ito ini lock dahil nagmamadali siyang maligo dahil magluluto pa siya...

Nang maihatid ni Joey sa bahay ni Yvette si Ynah ay nagpaalam na ito at sinabing may kakatagpuin daw siyang kaibigan niya at nagyayayang mag inuman kaya naman pumayag itong si Ynah...

"Hmm darling wag kang masyadong magpapakalasing ah uwi ka ng maaga sa bahay para pagdating ko ay naroroon kana!...malambing na wika nito sa asawa saka yumakap at hinagkan nito ang asawang si Joey...

"Syempre naman darling ako pa ang liliban alam mo naman na hindi ko pwedeng ipagpaliban ang trabaho ko sayo eh!....nakangiting turan ni Joey sa asawa saka nanggigigil na inangkin nito ang labi ng asawa..

"Bye darling i love you!...ani Ynah kay Joey..

"Ingat sa biyahe darling i love you too!...sagot ni Joey saka pinara ang taxi na dumaan sa harap ng bahay ni Yvette at dali dali namang pumasok sa loob ng bahay si Ynah para tawagin ang ate nito para sa pagpunta nila ng Bulacan...

......SABIK...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon