Chapter Two
It’s been a month since she started going to BC. It’s also been a while since she became friends with the overly handsome owner, Brandon. Sinong mag-aakala na magkakaroon siya ng guwapong kaibigan? Sinong mag-aakala na papansinin siya ng gan'ung klaseng nilalang? Wala. Kaya hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na in just a short period of time ay nagkaroon siya ng guy friend. Poging guy friend. At sa bookstore slash coffee shop pa, of all places. What an unusual thing to happen, right?
Akala niya ay sa mga libro at movies lang nangyayari iyon, na makakakilala ka ng taong makalaglag-panga ang kaguwapuhan sa isang bookstore, pero not in her case. Kaya ngayon ay naniniwala na siya na may posibilidad sa lahat ng bagay. Hindi totoo ang sinasabi ng karamihan na may mga bagay na sa napapanood at nababasa lang nangyayari. There’s at least 0.00001% chance of possibility in everything. Kung hindi ay walang eroplano ngayon na nagpapalipad-lipad sa himpapawid. Walang mga taong nakatapak sa buwan. Walang mga sasakyan ngayon na maghahatid sa mga tao sa malalayong lugar. Those airplanes, trains and cars came from a human’s imagination. Those stories and movies that people read and watch came from imaginations as well. So she’ll hold on to that little chance of Brandon liking her as a woman.
Napaubo siya sa naisip. Grabe, from books and movies to trains, cars and the likes, ay napunta sa tsansa ng pagkakagusto ni Brandon sa kanya ang daloy ng isip niya. True, indeed. Imagination is powerful. May 0.00001% nga siguro na magugustuhan siya nito bilang babae, pero may 99.99999% na hindi mangyayari iyon dahil nga hindi sila bagay. Hindi lang ang panlabas nitong hitsura, maging ang kalooban ng binata ay nagsusumigaw ng kagandahan. Habang siya ay ordinary lang ang hitsura, ‘tapos wala pang trabaho at umaasa lang sa magulang. Masaklap, pero totoo. Kaya mas okay na rin sigurong hindi na siya maghangad pa ng higit sa pagiging magkaibigan nila.
Sinimulan niyang kagatin ang sandwich na inorder niya. Ang lalaki ang nag-suggest na iyon ang orderin niya dahil masama raw na puro cakes ang binibili niya roon. Isn’t he sweet? He’s just being nice to her but here she is, slowly falling for that guy. She smirked at herself. Hindi na maghangad pa ng higit sa pagiging magkaibigan? Paano niya kaya gagawin ‘yon kung napaka-sweet ng lalaki sa kanya? Heto nga at nakaupo siya sa favorite spot niya na exclusively for her.
“I’ll tell my staff to reserve this seat for you. Para tuwing pupunta ka dito hindi mo na kailangan maghanap ng mauupuan.”
Hindi niya mapigilan ang pagngiti sa pagkakaalala niya sa sinabi ng binata kahapon. Naalala rin niyang kinilig siya ng husto roon dahil ang interpretation niya sa sinabi ng lalaki ay, “You’re special to me Eclair. Will you please stay with me forever?”
Gusto niyang tawanan ang naisip. Surely, her brain works really fast. Kapag nalaman siguro ni Brandon ang kalokohang nasa isip niya ay baka magtatatakbo ito palayo sa kanya. Now, paano niya paninindigan ang hindi paghangad ng higit pa sa pagiging magkaibigan?
Uminom siya ng pineapple juice. Again, ang lalaking nagpapagulo sa isip niya ang nagsabing iyon ang bilhin niya imbes na kape. Lagi na lang daw kasing iyon ang iniinom niya and he thought that it isn’t healthy. He was acting like a concerned boyfriend she wasn’t able to say no to him.
“I see you’re not eating my cakes today, Eclair.”
Bahagya siyang nagulat sa nagsalita. Nang tingnan niya kung sino ay nakita niya si Tita Eloisa, Brandon’s mother, na nakatayo malapit sa kanya. Unang beses pa lang sila nitong nagusap noon ay sinabi na nitong tawagin niyang Tita ang ginang imbes na Ma’am. Just like Brandon, his mother is beautiful too, inside and out.
Nginitian niya ang ginang at tumawa nang mahina. “Sorry, Tita. Si Brandon po kasi, pinilit akong kumain ng sandwich at juice. Too much sugar and coffee intake is bad for my health daw po.”
BINABASA MO ANG
Books and Coffee and Love
RomanceThere are lots of people saying that it is impossible to find true love in a bookstore. But I want to make it happen. At least in my imagination. :)) So, here's the story of Eclair and Brandon. <3