Chapter Five
Masaya niyang pinagmamasdan ang mga batang nagsisipaglabasan sa loob ng BC. Tagumpay ang unang weekly free writing and reading lessons para sa mga street children. Dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas nang mabanggit niya ito kay Brandon, pero heto nga, successful ang unang araw nila.
When the customers of BC heard about their project, mabilis pa sa alas kuwatro ang mga itong nagbigay ng donations, mapa-pera man, o school supplies. They didn't have a hard time getting funds and materials. Kaya laking pasasalamat niya sa mga taong tumulong. Hindi rin niya makakalimutan ang kaibigan ni Olivia na isang elementary teacher sa isang paaralan na malapit sa kanila. Despite her hectic schedule, Miss Lara, the volunteer teacher, decided to help them.
Akala niya pagkatapos niyon ay magiging madali na ang lahat, pero nagkamali siya. The hardest part was talking and convincing the parents to let their children go to the store for the free schooling. Maraming natuwa sa proyekto nila kaya agad na napapayag, pero meron ding mariing tumanggi. They said that it's just a waste of time. Mas hahayaan na lang daw ng mga ito na tulungan sila ng mga anak sa pangangalakal ng bote't plastik kaysa hayaan ang mga anak nilang matuto.
It was really heart-breaking for her. How could a parent take away the opportunity of those children to learn? Mabuti na lamang at kasama niya si Olivia sa pakikipagusap sa mga ito dahil mahina siya sa ganitong klase ng usapin. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas na makumbinsi ang mga ito. But then, with Olivia's help, she was able to enlighten the parents about the importance of education to the children. In the end, they were able to convince the parents.
“What do you think? It was a huge success, right?” untag sa kanya ni Olivia.
Masaya siyang ngumiti sa dalaga. “Yes, it is. Salamat sa pagtulong mo sa akin. Kung hindi ka siguro sumama sa pagkumbinsi ko sa mga bata at magulang nila, hindi mangyayari ang lahat ng ito.”
Bumungisngis si Olivia at napahawak sa ginto nitong kuwintas na may hugis pusong palawit. Kumikinang ang maliit na diyamante nito sa gitna sa ilalim ng sikat ng araw. The necklace looked simple yet beautiful, just like the owner.
“Kung alam mo lang, may kapalit ang tulong ko sa'yo. Saka sa'yo naman talaga 'tong idea na ito. So girl, congratulate yourself. Isa pa, this is for a good cause. I really enjoyed doing this. Akalain mong mabait din pala akong tao.”
“You are nice, Olivia,” sinsero niyang hayag sa kausap. “You're beautiful. Inside and out.”
Malawak itong ngumiti sa kanya. “Thank you, Eclair. Ikaw din naman, maganda at mabait. Sexy pa.”
Natatawang umiling-iling siya dito. “Oo na lang. By the way, that necklace looks really nice. Bagay sa'yo.”
Nagningning ang mga mata nito at matamis na ngumiti. “Talaga? I should really thank Brandon for this. Hindi ako magkakaroon nito kung hindi dahil sa kanya.”
Napalis ang kaninang malawak na ngiti niya at nanikip ang kanyang lalamunan. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Pilit niyang iniisip ang mga dahilan kung bakit magbibigay ang isang lalaki ng kuwintas na may heart-shaped na pendant sa isang babae. Well, maraming rason, maraming puwedeng maging dahilan. Pero may isang pinakatumatak sa isipan niya. A man would give a precious present like that to a woman if he likes that person. Meaning... Brandon really likes Olivia.
There you have it, heart. My poor, poor heart.
KATATAPOS LANG niyang mag-story reading sa mga bata. It was the third time she did that and probably the last. The thought of leaving the children kills her pero kailangan na niyang umalis. She didn't want to torture herself even more. She wanted to put a distance between her and Brandon so that she could already start mending her broken heart. Ni hindi na nga siya napapadpad sa BC nitong nakaraang mga linggo, tuwing araw na lang siya ng Sabado nagpupunta r'un para sa story reading niya sa mga bata.
BINABASA MO ANG
Books and Coffee and Love
RomanceThere are lots of people saying that it is impossible to find true love in a bookstore. But I want to make it happen. At least in my imagination. :)) So, here's the story of Eclair and Brandon. <3