BCL - Chapter 3

38 0 0
                                    

Chapter Three

Isang linggo rin siyang hindi nakapunta sa BC dahil nagtungo sila ng pamilya niya sa isang reunion sa Bulacan. Her favorite auntie and her cousin, Mike, came back from America so they had a sudden reunion. The person who introduced her to the magical world of books is her Aunt Rose. Bata pa lang siya ay binibilhan na siya nito ng sangkaterbang libro. Nang magtungo naman ang kanyang tiya sa ibang bansa ay hindi ito nakakalimot na magpadala sa kanya ng package na pulos aklat ang laman. No wonder, her Aunt Rose is her favorite auntie. Dahil katulad niya ay hilig din nito ang pagbabasa ng libro.

Pumasok siya sa loob ng BC. Tulad ng inaasahan, ay maraming tao sa café area at may mangilan-ngilan naman sa bookstore area. Hapon na kasi at iyon ang kadalasang oras na dagsa ang mga tao sa shop. People were out to have their daily dose of caffeine and sweets, while the others are just after the books. Pero hula niya ay gusto lang din makasilip ng mga ito sa guwapong may-ari ng tindahan. Lalo na’t eighty percent ng customers ay puro babae.

Naalala niya ang dalagang aksidenteng nakabangga ng binata. Ang babaeng sinundan ng tingin ni Brandon. Hanggang ngayon masakit pa rin sa kanya ang eksenang iyon. It only showed that Brandon isn’t meant for a girl like her. Mas babagay ang lalaki sa magandang dilag na ‘yon.

But still, she couldn’t help herself from falling to that guy. Since that night, text ito nang text sa kanya. Asking her if she’s okay, asking her why she isn’t going to the store, asking her when she is coming back. Ayaw naman niyang mag-alala ito kaya sinagot din niya ang mensahe ng lalaki. Telling him that she’s in a reunion somewhere in Bulacan, and that she’ll be back after a week.

So here she is, ready to dominate the world. One heartache at a time.

Dumiretso siya sa counter para umorder ng maiinom at makakain. Hindi na siya nag-abala pang tingnan kung may mauupuan siya dahil alam niyang may reserved seat siya. Masarap din talaga sa pakiramdam kapag close ka sa may-ari. Napangiti siya sa naisip.

“Good afternoon, Ma’am,” the counter girl greeted her. She hasn’t seen this girl before. ‘Must be newly hired.

“Good afternoon, too,” she greeted back with a smile. “I would like to have a Caramel Americano and a slice of Choco-Caramel cake.”

Pagkatapos ibigay ang order ay inabot na niya ang bayad sa babae. She waited for her order on the other side of the counter. Mga ilang minuto pa at hawak na niya ang tray na naglalaman ng inumin at pagkain niya.

Maingat siyang naglakad papunta sa lamesa niya dahil may kabigatan ang tray na bitbit niya. Mas mabigat pa nga ata iyon kaysa sa mismong order niya. Siguro sasabihin niya ang tungkol sa tray kay Brandon mamaya kapag nakita niya ito. At least may dahilan na siya para kausapin ang binata.

Palapit na siya sa lamesa niya nang mas lalong napahigpit ang hawak niya sa tray. At hindi iyon dahil sa takot na baka mahulog niya ang bitbit na pagkain, kundi dahil sa dalawang taong nakaupo sa reserved seat niya. Nakaharap sa kanya ang maganda at maamong mukha ni Olivia. And even if she can only see his back, alam niyang si Brandon ang kausap ng magandang dalaga. For the first time in her life, she felt betrayed. Kahit hindi naman dapat gan’on ang maramdaman niya ay hindi niya mapigilan.

Nag-uusap at nagtatawanan ang dalawa. They surely are having fun na malayung-malayo sa nararamdaman niya. The girl was smiling beautifully while Brandon is laughing. Rinig niya ang magandang tunog ng pagtawa nito. Usually, natutuwa siyang marinig iyon. Pero ngayon, parang iyon pa ang dahilan ng pagkakadurog ng puso niya.

Agad siyang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Fortunately, may isang lamesang malayo sa puwesto ng dalawa ang nabakante.

“Ma’am,” tawag sa kaniya ng isa sa mga crew ng café. “Ako na po ang magdadala niyan.”

Books and Coffee and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon