Chapter One
Masayang inililibot ni Eclair ang tingin sa mga nagtataasang bookshelves sa loob ng BC. Samu’t-saring mga libro ang nakapalibot sa kaniya. Sa dami ng mga iyon ay hindi niya alam ang uunahing basahin. For her, this place is her very own paradise. BC is her paradise. Sa lugar kasi na ito ay pinagsama ang dalawa sa paborito niya sa mundo. Kape at mga libro.
Sa loob ng store ay hindi lang bookstore ang meron, mayroon ding area para sa coffee shop. Inilagay iyon para sa mga gustong kumain ng cakes o uminom ng kape habang nagbabasa ng mga libro. Isang malaking dahilan para magpabalik-balik siya roon nitong nakaraan mga araw. Aside from that, isa sa mga nagustuhan niya sa lugar na ito ay puwede kang magbasa ng libre sa loob ng store. ‘Yong mga lumang libro nga lang. At kung naabutan naman ng pagsasara ng naturang shop, eh puwede namang balikan iyong libro sa susunod na araw o ‘di kaya’y bilhin na lang. At dahil luma nga, mas mababa na ang presyo. Oo, alam niya, dahil sampung second hand na libro na ang nabili niya rito.
She inhaled the smell of the old and new books. She can also smell the aroma of the coffee inside the place. She sighed. Kung ganito siguro sa langit, hindi na rin masama kung mamamatay siya ngayon. Iyon ay kung sa langit nga siya mapupunta. Kumunot ang noo niya sa naisip.
Lumapit siya sa isa sa mga bookshelves na naroon. The knot on her forehead smoothened when she saw the shelf that contains the pocketbooks. Well, kahit anong klase naman ng libro ay binabasa niya. Be it sci-fi, thriller, horror, history, about the cultures of different countries o maging ‘yong mga tungkol sa crime scene investigations ay pinapatos niya. Pero pagdating kasi sa romance books… may nararamdaman siyang hindi pa niya nararamdaman kahit kailan. Ang ma-in love.
Dumako ang tingin niya sa librong nasa pinakatuktok ng estante. Tumingkayad siya at itinaas ang kamay para abutin ang libro pero sa tangkad niyang five flat ay hindi niya makuha iyon. Tumalun-talon din siya pero maging iyon ay walang naitulong para maabot ang libro. Nagpalingun-lingon siya sa pagbabakasakaling may puwede siyang matungtungan but unfortunately, wala siyang nakita.
Tiningnan niya nang masama ang libro. “Salbahe. Ayaw mo i-share sa cute na midget na gaya ko ang nilalaman mo. Tsk! Nasaan na ba ang mga bantay di—”
A hand reached for the book she was busy looking at. Judging those arms— judging those strong and masculine arms, alam niyang lalaki ito. She can feel his big and warm body behind her. Amoy na amoy din niya ang panlalaking pabango nito. Kadalasan ay sumasakit ang ilong niya kapag may nalalanghap na pabango ng lalaki dahil para sa kaniya ay masyadong matapang ang mga iyon. But this one is different. It’s so earthy and intoxicating.
“Were you trying to reach for this?” she heard the guy asked. His voice was low and husky. It sounded sexy to her ears.
Nilingon niya ito at pakiramdam niya ay may kung anong sumapol sa puso niya nang masilayan ang mukha ng lalaki. The guy looked sexy just like how his voice sounded sexy. He has very strong features. Matangos ang ilong nito at may mga matang kasing dilim ng gabi ang kulay. His jawline and cheekbones were perfectly sculpted which made him look dominating. Pakiramdam niya ay lumabas ito sa mga pocketbook na naroon.
Tumikhim siya bago nagsalita at nahihiyang ngumiti rito. “Ah, y-yes. Hindi ko kasi maabot. Kinulang kasi ako sa height.”
Pakiramdam niya ay mas lalong lumiwanag sa parteng iyon ng BC nang sumilay ang isang ngiti sa mukha ng lalaki. His aura and looks are intimidating but his smile that he’s giving her was so warm and genuine na para bang magkakilala na sila nito at close sila sa isa’t-isa. Gusto niyang hawakan ang garter ng underwear niya sa takot na baka malaglag iyon o ‘di kaya ay dampian ng panyo ang labi niya dahil baka may laway nang tumutulo roon. Heck! This guy is sinfully beautiful!
BINABASA MO ANG
Books and Coffee and Love
Roman d'amourThere are lots of people saying that it is impossible to find true love in a bookstore. But I want to make it happen. At least in my imagination. :)) So, here's the story of Eclair and Brandon. <3