PART 1 - GUIDANCE CALL

473 25 6
                                    

( Crystal's POV )

One... two... three... four... five...

Aaaah! Sarap sa pakiramdam mag push-up.

Matagal na rin akong di nakapag-gym.

"Grabe ka Crystal!"

Napatigil ako sa push ups ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki.

"Di ka man lang nagsabi na aabsent ka sa mga sessions natin." Shems! Si Herman lang pala.

Balik warm up ulit ako.

"Uy.. Crystal naman. Pansinin mo naman ako please. Bakit ba antagal mong absent?"

Ang kulit talaga  nitong isang unggoy na to.

E ano kung aabsent ako nang walang paalam?

Sapakin ko na kaya to.. para makapag warm up naman ako ng boxing.

Yan si Herman na yan... ex-boyfriend ko yan.

Nang malaman raw niyang dito ako nag-ggym, lumipat na daw siya rito.

As if naman na gusto ko siyang makita dito.

Paano ako lalandi kung laging nakabuntot tong unggoy na ex ko.

Sa akin kasi "Pag ex.. ex na! burado na. Wala nang balikan"

"Wala akong obligasyong magpaalam sayo Herman! Kaya pwede ba, alis ka muna sa harap ko." Pagtataray ko sa kanya.

Tinginan tuloy yung mga babaeng nagwawarm up sakin dito sa Holland Gym.

Shiz.

Huwag kayong mainggit girls.

Kung gusto niyo sa inyo na si Herman.

"Hermano!!!!" sino naman ang isang yun?

Woaaah!

Babaeng bumubuga ng apoy ang bumungad sa pinto ng gym.

Ang lakas naman ng loob ng babaitang to na sumigaw dito sa loob ng gym.

Nadistract tuloy ako.

"B-babe? What are you doing here?" gulat ang expression ni Herman.

Huli ka Herman.

May girlfriend  ka na pala  aaligid aligid pa sa sakin.

Ang mga lalaki talaga hindi kuntento sa isa kapag nasisilayan ang ganda ko.

"Ouch! Stop it babe!" sigaw ni Herman.

Sige pingutin mo pa!

Pingutin mo pa yang juwa mong yan.

"Enough Jenny! Let's go home!"

Jenny pala ang pangalan nung babae.

Okay. -__-

Salamat naman at wala na ang asungot na yun.

It's time to mingle baby..

Napansin ko ang isang classmate ko dito sa Holland na nakatitig sa akin habang nagbubuhat.

"Hi." bati ko sa kanya.

Kung tama ang pagkakatanda ko Greg ang pangalan niya.

Pansin ko talaga crush ako niyan noon pa.

Digital na ang KARMA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon