PART 18 - INSANITY

175 17 7
                                    

*Crystal's POV

Nasaan na ba yun. Agh! Kanina ko pa hinahanap yun ah! Ang gulo gulo na tuloy ng bag ko.

"Ahm. Miss Precious, ano pong hinahanap niyo?"

"Yung necklace ko."

napatingin naman ako dun sa lalaking nagtanong. Yung driver ko pala.

"Ano pong necklace ma'am?" aba! chismosong driver to ah. Sumagot lang ako ng isang beses akala niya close na kami.

"Wala!" sabi ko nalang. "Let's go. malelate na ako!" Nag-aaral ako sa Kingdom Academy where I am taking a course of fashion design apparel and fabric styling. Bakit fashion ang course na kinuha ko? Wala lang. Gusto din naman ni daddy yun na fashion industry ang pasukin ko.

Sorry Crystal! Biglang nagpop up sa utak ko ang boses ng isang lalaki. Sorry Crystal pero mahal ko pa si Andrea. Onti-onting pumapasok sa isip ko ang nangyari.

Yun palang kuwentas na hinahanap ko ay wala na talaga. Binawi niya na. Binawi na ni Ivan.

OH MY GHAAAD!!!!! Bakit andaming estudyante sa labas ng building?

"Miss Precious.. bababa na po ba kayo? Nandito na po tayo sa school niyo."

"BABABA AKO? EDI NABALI NA ANG MGA BUTO KO! BAKA PATI MUKHA KO SIRAIN NG MGA TAONG YAN SA LABAS!" Sigaw ko sa driver. Patanga-tanga e. Hindi ba niya nakikita yung mga nakasulat na hawak nung mga panget na yun!

TRAYDOR KA CRYSTAL!! isa sa mga nakasulat

SINIRA MO YUNG BUHOK KO! KAKALBUHIN KITA! OH EM GI! Siya yung ginupit gupit ko yung buhok nung gumagawa kami ng fabric design. Akala ko kasi tela yung buhok niya.

INAGAW MO ANG BOYFRIEND KO! Owww! hindi ko inaagaw ang mga boyfriends niyo. Sila ang lumalapit sa akin.

BITCH!!!!

SLUT!!!

MALANDI!!!!

GANGSTER!!!

SIRAULO!!!

BALIW!!!

PANGIT!!!!

WOW HA! Ako na lahat. Nasa akin na ang lahat.

Ako na masama! Alam ko yun! Aminado naman ako!

Pero ang nakapagpabagal at nakapagpahina ng loob ko ay ang mga salitang yun na nabasa ko...

MANINIRA NG RELASYON!

BOYFRIEND NG KAIBIGAN INAGAW!

KAWAWA KA NAMAN! WALANG KAIBIGAN!

TRAYDOR SA KAIBIGAN!

Ako ba talaga yun? Ako ba talaga ang taong yun? No! Hindi ako yun!

"Aah.. Kuya! Ibalik mo na sa bahay." sabi ko sa driver ko.

Hindi ko na talaga kinakaya. Ayoko na! Sumusuko na ako!

Pagdating ko sa bahay.. hinanap ko kaagad si Kuya.. pero parang Wala siya. Wala rin siya sa kwarto niya.

"Miss Precious.. hinahanap niyo po ba si Sir Rence? Wala na po siya, bumalik na ng Italy." Umalis na siya agad! Bakit ngayon pa siya umalis ngayong kailangan ko siya!

"May dumaan din pong isang lalaki dito. Mukhang galing ibang bansa po." sino naman yun. Si enzo kaya yun? Hindi naman mukhang galing ibang bansa ang tsonggong yun e.

Umakyat na ako ng kuwarto ko. Tinawagan ko si Enzo.

"Hi Enzonggki.. Busy?"

Nope. Why? Wanna go here?

"Maybe. Sinong nandiyan?"

All the gang... with Andrea and Ivan at nandi----

"Wag mo nang ituloy. Ibaba ko na. Bye."

Crys-----

Magkasama na sila... magkasama na sila...

Humiga ako sa kama ko at nagkumot. Nanlalamig ako.. nanlulumo.. naiiyak.. at nakararamdam ng takot, kahihiyan at awa sa sarili.

Kinakarma ka naaaaa..  karma mo yan.... Masama kaaaaa

HINDI!"! HINDI WALA AKONG NARIRINIG!!! HINDI TOTOO YAN!

"HINDI!!! HINDI TOTOO YAN!!"

Sumiksik na ako sa gilid ng kama ko. Natatakot ako.. madami akong naririnig na Boses..

ayoko sayo Crystal... Sorry Crystal...

No!!! Madami akong naririnig na taong nagsasalita.

Inaaway nila ako! Sinisigawan nila ako at Tinatawanan!

"Crystal!!! Buksan mo ang pinto!!! Si Enzo to!!"

"Crystal!!! Buksan mo!!!". hindi! hindi ko bubuksan! si Andrea yun! naririnig ko siya! hindi ko siya pagbubuksan ng pinto! hindi!!

"CRYSTAL!!!!!"

Digital na ang KARMA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon