PART 29 - GANG BRIAN

145 10 6
                                    

*Crystal's POV:

Good to be back in my big beautiful cold room. I miss this place. My bed, my bathroom, my walk-in closet and most of all, my door.

Haay. Pano ba naman, duon sa hospital kung sino sinong nurse ang nakakapasok sa kuwarto ko nung nagpapahinga ako.

Anyway, I'm here just to take a shower and to change my clothes. Naiirita na ako sa suot kong T-shirt at pantalon.

Nagshower ako mga 10 minutes. Haha bilis ano? May naghihintay kasi sa baba yung boyfriend ko. Mwahahaha!

De joke lang. Si Brian yung naghihintay sakin. Kasama sa gang.

Namili na ako ng susuotin ko sa malaki kong closet na halos kalahati ng laman nito ay puro skirts at crop top. Halos lahat Forever 21 na galing sa mga secret admirers at fans ko. 

Gotcha!

I miss my crop tops. I should wear back my style.

Black sando crop top and a high waist three fourths jeans. Very nice!

Nagtoothbrush, pabango, lotion, powder and lipstick on.

Okay. Bababa na ako. Pupunta pa kami ni Brian sa quarters para kumuha ng damit ni Kuya Enzo.

You heard it right. Kuya Enzo. Tanggap ko nang Kuya ko siya. Wala naman akong magagawa kung totoo yun. Diba?

"Brian, sorry natagalan. I miss my room, so I did my best drama pa." sabi ko habang pababa ako ng hagdan.

Tumayo na siya agad. Excited umalis?

Kinuha naman niya yung shoulder bag na dala dala ko. Hindi naman mabigat yun ah. Infairness, gentleman tong si Brian. Tahimik nga lang. Nakakabored kasama. Dapat si Fabio nalang sinama ko e, o kaya si Pen at Yuriz. Hay. Hanmunanga.

"YUCK!!! ANLAKI!!" Sigaw ko. Nakapikit ako niyan ah. Hawak hawak ko tong brief na sobrang laki. Mga XXXL siguro size neto. Kasya tatlong macho!

Mabilis namang lumapit sa akin si Brian na tawang tawa.

"Hoy! What's funny monkey?" Wala namang nakakatawa. Tawa ng tawa. Baliw.

Tumaas yung isang kilay niya. "Nothing!" wow back to serious mode si Brian. "Ngayon ka lang ba nakakita ng brief?"

-_-

Siyempre hindi! Nasa fashion industry ang family ko kaya hindi na iba sa akin ang makakita ng brief.

Nagulat lang ako sa sobrang laki ng isang to.

Seryoso? Kay Enzo to? Ang laki ahh.

"Hindi Kay boss Enzo yan. Si Damulag ang may ari niyan."

Si Damulag? Nge. e bat nandito sa kuwarto ni Kuya?

Hala... nagsasama na silang dalawa? Live in sila? Oh no! My Kuya!

Si Damulag pala kasama rin sa gang. Ang pinakamalaki at mataba sa grupo. Dapat pala dun siya sumali sa gang ni Naomi.

Speaking of Naomi. Nasaan na pala ang bruhildang yun? Hays. Buset yun si Enzo! Hindi man lang nagsamapa ng kaso sa bruhang yun! Palibhasa mahal pa niya.

Digital na ang KARMA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon