PART 25 - IN JAIL

166 15 7
                                    

*Naomi's POV

What the hell!! I'm in prison. Kasama ang mababaho at mga panget na kriminal sa loob ng seldang ito.

Humanda sa akin ang mga gangster na yun. Tama bang dalhin ako sa presinto at ipakulong. MGA WALANG AWA!

Halos tatlong oras na akong nakakulong rito at nabuburyo na ako.

Wala akong ginawa kundi maupo lang. Tinitignan ang mga kilos ng nasa loob. May nagtetempt na i- interrogate ako pero hindi ko sila pinapansin.

Sa titig ko pa lang sa kanila, matatakot na sila. Subukan lang nila akong hawakan at pakialaman.. babarilin ko din sila.

Hays! Wala na pala akong baril. Pisti!

"Hoy. Mukang hindi ka na papyansahan ng mga magulang mo ah. Muka ka pa namang mayaman." tinignan ko kung sino yung nagsalita. Siya yung minamasahe nung ibang preso kanina. Siya siguro ang leader leaderan sa seldang to.

It's fine na dito ako pinasok sa selda ng babae at hindi ako sinama sa mga chimneys ko. Kayang kaya ko namang patulan mga to e.

HA! hindi ko nalang pinansin ang siga na yun. E ano kung hindi nila ako pyansahan. Makakalabas naman ako dito nang wala ang tulong ng mga magulang ko.

Kinuha ko yung phone na nasa bulsa ng pants ko. Tatawagan ko ang Kuya ko. Kung hindi man ako tulungan ng mga magulang ko. Sure ako na tutulungan ako ni Kuya.

"Kuya!!! help me... I nee---" hindi natapos yung sinasabi ko. Binabaan niya ako ng telepono.

No. Baka low bat lang si Kuya kaya namatay. Tatawagan ko na lang ulit.

**tooot tooot**

Hindi niya sinagot. Galit din ba siya sakin? Siya nalang ang inaasahan ko.

"Miss Naomi. Laya na po kayo." narinig ko mula sa labas ng selda.

Makakalabas na ako. Ansaya ko. Ansaya saya.

Dire-diretso ako sa waiting area. Nanduon daw yung mga nagpyansa sa akin.

Kinakabahan na natutuwa akong makita kung sino sila.

Lumapad yung ngiti ko nang makita ko si Mommy at Daddy pati si Kuya.

Lumapit ako sa kanila para yakapin. Pero hindi ang yakap na inaasahan ko ang natanggap ko mula sa kanila.

Isang malakas na sampal ang inabot ko mula kay Daddy.

"ANO KA BA NAMAN NAOMI!" and now he's starting to shout. "Wala ka ng binigay sa amin puro kahihiyan nalang! Kababae mong tao nakulong ka!" Daddy.. tama na. Puro nalang hatred ang natatamasa ko. Wala na ba talaga akong kwenta sa mundong to?

"Honey enough. Sa bahay nalang. Nakakahiya na." pinipigilan na siya ni mommy. Okay na eh.. nararamdaman ko na ang worried ni mommy pero yun pala hindi naman talaga.

Pinipigilan niya si Daddy dahil ayaw na nilang mapahiya.

Huh! Dapat hindi nalang nila ako pinalabas sa kulungan na yan. Dapat hindi na nila ako pinuntahan. Dapat hindi nalang sila nagpakita kung gaganituhin lang din nila ako.

"Naomi! Give Respect!" tinalikuran ko sila at lalayo na ako. Pinigilan naman ako ni Kuya para sabihan ng give respect? Ako ba nirerespeto nila bilang anak nila? Sige lang! Magkampihan lang sila.

Ano ba! Hindi pa rin ako binibitawan ni Kuya. Ano pa bang gusto nila? Sa kinikilos nila.. halata namang hindi na nila ako tatanggapin sa buhay nila.

"Respect? All of you doesn't deserve a better respect." hinablot ko yung kamay kong hawak hawak ni Kuya.

"Ang tanga ko. Pero mas tanga pala kayo sakin!..

Pinakawalan niyo pa ang isang tulad ko. Kung hindi niyo naman na pala ako tatangapin as a part of your damn family!

Sana hindi niyo nalang ako pinalabas sa kulungan na yan kung sa tingin niyo diyan ako nababagay.

Pero huli na ang lahat. Pinalaya niyo na ang isang tulad ko."

Kuya slapped me once and I won't let him to have it twice. Sinampal ko rin siya. Walang kwentang kapatid!

Tinignan ko silang lahat ng puno ng galit atsaka tumalikod.

Hahabulin pa sana ako ni kuya. "Don't follow her. Hayaan niyo na ang babaeng yan." So.. I heard it clear. Wala na ngang balak si daddy na amuin at pabalikin ako sa bahay.

Well.. sanay na ako at tinakwil na nila ako nuon kaya hindi ko na inaasahan na tatanggapin pa nila ako ngayon.

Saan ako pupunta ngayon? Ayoko pang umuwi sa condo. Wala naman akong kasama dun. For sure! Magmumukmok lang ako dun.

Shit! Yung apat kong asungot. Argh! Babalikan ko pa pala sila.

Pinaalis ko na muna sila Dadd-- este! Ang pamilyang yun bago ako pumasok ulit ng presinto para ilabas ang mga kasamahan ko.. dahil silang Apat ang nagaasikaso sa akin simula nang itakwil ako ng sarili kong pamilya.

Digital na ang KARMA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon