the call

4 0 0
                                    

Calling...

Naramdaman ko ang biglang pagvibrate ng cellphone sa bulsa ko at sa hindi ko mawari ay agad agad koi tong sinagot.

Hello Hanah...

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang boses ni Chris.

Bakit?

S-si Andrew....pumunta ka ngayon sa ospital

Agad kong binababa ang tawag at agad agad pumunta sa ospital na sinabi ni Chris. Tumatakbo akong pumunta sa information desk.

Miss san po si Andrew Manzano? Tanong ko sa nurse pero bago pa man ako nasagot ng nurse ay nakita ako ni Chris kaya tinawag nya ako. Madami dami din kaming rooms na nadaan pero hindi ako kinikibo ni Chris. Hindi ko alam kung saan kami papunta ng bigla nalang kami napahinto ng nasa tapat na kami ng malaking pinto. Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko dahil sa kitang kita ko ang nakalagay sa pinto "Morgue". Hindi ako makahinga sa sobrang kaba.

C-Chris a-anong ginagawa natin dito? T-tara n-na...pagmamadali kong hinila yung kamay nya para umalis pero hindi parin sya gumagalaw. Hinila nya ang kamay ko papasok ng morgue at doon ko nakita ang mga magulang ni Andrew na umiiyak. Agad akong tinignan ng mommy nya at niyaka.

Hija, W-wala na si Andrew...*sobbing*

Hindi ako makagalaw dahil gulat na gulat ako sa mga pangyayari. Hindi din ako makapagsalita dahil parang nalunok ko ang dila ko at parang natuyuan ako ng laway. Nilapitan ko ang katawan na nababalutan ng tela pero hindi ko ito binuksan. Tumawa pa ako dahil sa pagaakalang nagbibirolang si Andrew. Mahilig pa man di yun sa mga pranks.

Hahaha. H-hindi totoo yan di ba. N-nagbibiro lang kayo dba? A-andrew lumabas ka na. alam kong nagtatago ka lang. pero walang lumabas at nagtinginan lang ang lahat sakin.

A-andrew...hindi na nakakatawa ito.

Tinignan lang ako ni tita at tito at hindi ko na namalayan nanapaupo na ako at humagulol ako ng humagulgol.

Niyakap ako ni Chris at ramdam na ramdam ko ang sakit hanggang sa bigla akong nawaln ng malay.

Hanna...Hanna... Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Chris na nakaupo sa tabi ko. Nasa isang kwarto na ako.

A-anong nangyari? N-nasan si Andrew?

Hindi mo ba naalala? H-hanah wala na si Andrew. Hindi man natin gustuhin pero wala na sya.

D-dalhin mo ako sakanya please...*magsisimula nanamang tumulo ang luha ko*

ako na mismo ang lumapit sa kinalalagyan ni Andrew. Ayokong tanggalin ang takip na tela sa katawan nya dahil ayokong malaman ang katotohanan. ayoko kong Makita na sya nga iyon dahil madudurog ang puso pero kailangan kong makasigurado kaya unti- unti kong tinanggal ang nakatakip sakanya. bumungad saakin ang mukha nya. Isa na syang malamig na bangkay at ito nanaman ako tumutulo nanaman ang luha sa mga mata ko. Wala akong ibang ginawa kundi yakapin ang kanyang malamig na katawan. Sa mga panahong ito hindi ko lubos maisip na wala na...wala na ang taong pinakamamahal ko. Wala na si Andrew.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon