Chapter 6
Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa harapan ng salamin. Unti unti kong tinignan ang aking sarili mula ulo hanggang paa. Namumugto na pala ang aking mga mata, siguro dahil sa araw araw na pagiyak ko. Nangangayayat na rin ako dahil nakikita ko na ang mga buto sa aking leeg. Magulo din ang aking buhok dahil hindi ko man lang magawang ayusin ito. Hindi ko na halos makilala ang taong nakaharap sakin. Parang nakalimutan ko na kung paano ngumiti. Sinubukan ko pero nagmumuka lang itong peke. Ang pangit ko na at alam kong hindi ito magugustuhan ni Andrew.
Pumikit ako at huminga ng malalim at nagumpisang magayos. Nagpunta ako sa banyo at naligo, nabihis na rin ako. Kinuha ko ang pinakamagarang damit sa aking aparador. Isang kulay itim na silk dress,ito ay may belt na silver at see through ang likod. isinuot ko na ito at tinernohan ng high heels na silver. Ngayong gabing ito ay lalabas ako at magpapakasaya dahil ayaw ko nang magmukmok sa kwarto ko. Tinawagan ko si Anne.
*ring ring
Hello Hanah…bati sakin ni Anne na parang gulat na gulat sa aking pagtawag
Labas tayo...papunta ana ako dyan kaya magbihis kana
*end of call
Nandito kami ngayon ni Anne sa isang club. Ang lakas ng tugtog halos wala na akong marinig sa mga sinasabi ng mga tao. Madami ang nagiinuman at nagsasayaw sa dance floor. Ang wild! Kaya lumapit nalang ako sa counter at nagorder ng inumin.
One scotch please…sabi ko
Here is your scotch miss…sabay abot sa akin
Agad ko naman itong ininom na parang uhaw lang ako sa tubig. Nakailang order din ako nito hanggang sa hindi ko na namalayan ang ginagawa. Nasa gitna na ako ng dance floor at nakikipagsayaw sa kung sino sinong lalaki.
POV of Someone
Hey men is that Hanah?
Huh? Saan?
There à sabay turo sa may dancefloor
Nagulat nalang ako ng may biglang humila sa kamay ko at natumba naman ako sa dibdib nya.
Hey! Who the fuck are you?
Her boyfriend!
*booogsh
Nagising ako, babangon na asana ako kaso sa sobrang sakit ng aking ulo ay napahiga ulit ako. Napatingin ako sa paligid ko at nasa isang di familiar na kwarto na ako. O_O tinignan ko ang damit ko para makasiguradong walang nangyari sakin. Nagpapanick na ako ng bigla kong marinig na may mga yabog ng paa papalapit sa pinto. Napapikit ako at nagkunwaring natutulog pa. naramdaman ko na may humawak sa pisngi ko at hinawi pa ang buhok mula sa mukha ko.
Sana Okay ka lang…Maging okay ka na Hanah….I love you..
Pamilyar yung boses na narinig ko kaya napamulat ako.
A-Andrew? P-pa-pano?
Nginitian lang nya ako. Yung ngiting sobrang tamis at nakakainlove.Yung ngiting miss na miss ko na.
Para akong namamalikmata. Kinusot kusot ko ang aking mga mata pero nagulat ako ng bigla syang nawala.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chris.
Ch-ris?
Okay ka lang ba Hanah? Nakita kasi kita sa club kagabi na lasing na lasing.
Pe-pe-ro. Nauutal kong sabi sakanya dahil hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nakita ko si Andrew. Napahawak ako sa aking ulo at napailing iling.
Bakit?...o ito kape may hang over ka pa ata.
Oo sigurado akong si Andrew yoon pero pano? Namamalikmata lang ba ako o sya ba talaga yun?
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
RomanceWhen a person breaks her heart and her world is about to crumble will she manage to cope and be happy again?