Chapter 8
Nakapasok na ako sa loob ng bahay. Iniwan ko si Chris na nakatulala sa labas ng gate. Napasandal ako sa may pinto at napaisip kung bakit ko ba sya niyakap. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng paghinga ko. sobrang bilis ng mga pangyayari. Unti-unti nalang akong napangiti sa di malamang dahilan.
*tok tok tok
Napalundag ako sa gulat ng may kumatok sa pintuang kinasasandalan ko.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Chris.
O bakit Chris? May sasabihin ka pa ba?
Iniabot nya sakin ang bag ko. nakalimutan ko pala ito sa loob ng sasakyan nya.
S-salamat! Sambit ko sakanya habang nakangiti. Ganun din sya sakin at tuluyan ng nagpaalam.
At dahil inumaga na ako sa paguwi ay nagpangabot kami ni mommy sa bahay.
Oh anak san ka galing ?
Po? Nagulat naman ako sa pagkarinig ko sa boses ni mommy.
At sino yung naghatid sayo?
Si Chris po yun.
Sinong Chris?
Kaibigan po ni And…nalungkot nanaman ako sa muntikan kong pagbanggit sa pangalan niya.
Naramdaman ata ni mommy ang biglang paglungkot ng boses ko kaya iniba nalang nya ang topic.
Anak gusto mo bang magbakasyon muna? Naghintay sya ng sagot ko pero hindi ako kumikibo.
Dumaan kasi dito kanina si Diana magbubukas sya ng resort sa Palawan at inimbitahan nya tayo sa opening nito…gusto mo bang pumunta? Para naman makapagrelax ka naman anak.
Pagiisipan ko po…tumalikod na ako at umakyat sa aking silid.
Nahiga ako sa kama at bumuntong hininga. Niyakap ko ang teddy bear na bigay ni Andrew at nagsimula nanamang bumalik ang mga alaala naming ni Andrew.
**
Hanah… tawag nya sakin habang kumakaway patungo sa direksyon ko. nang makarating siya sa kinaroroonan ko ay bigla nya akong inakbayan at hinalikan sa pisngi.
WHAT THE HECK WAS THAT FOR?!!!!!sabay ng paghampas ko sanya ng librong hawak ko.
Ahhhhhh-RAY! Hanah naman I was just joking naman e
Joking? If you don’t have anything nice to say or do…PLEASE get out of my way.
Ooooooh meeaan. Pangaasar ni Anne sakin
Akmang aalis na ako ng bigla nyang sabi--
Hanah naman e…may sasabihin naman talaga ako and it’s a matter of life and death.
Kaya huminto ako at napalingon sakanya
WELL??? Amuse me with what you want to say…pasusungit ko sakanya.
AH- EH?!
I-O-U?! pagtutuloy ko sa sinasabi nya.
Yun lang ba ang sasabihin mo? I am a busy person so get loss. Tumalikod na ako umalis.
I LOVE YOU HANAH!!!!!!! WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?
O____________________O Napahinto ako. Para akong naglue sa lupang kinatatayuan ko nang bigla niya iyong isinigaw.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang aking mukha at binigyan nya ako ng pulang rosas. Parang may sa kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan.
Ano Hanah tayo na ba?
Napangiti ako dahil sa first time na may magsabi sakin ng ganun.
Tumungo nalang ako dahil hindi ako makapagsalita. Niyakap nya ako at hinalikan ulit sa pisngi. Nakangiti sya at pinisil ang aking ilong.
Ang cute mo talaga J
Ka-kami na ni Andrew…boyfriend ko na siya.
**
3:00 pm
Nakatulog pala ako at di namalayan ang takbo ng oras.
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
RomanceWhen a person breaks her heart and her world is about to crumble will she manage to cope and be happy again?