first meeting

1 0 0
                                    

Chapter4

 

Hanah!!! Look out!

 

Tumingin ako sa aking likuran ng may narinig akong sumigaw sa aking pangalan at sa hindi inaasahang pangyayari nabato ako ng bola ng basketball sa mukha. Tangina this! pinulot ko ang bola at lumapit sa mga naglalaro ng BB ( Basketball for long).

 

Asdfghjkl! Sinong g*go ang bumato sa akin ng bolang ito?

 

At aba walang sumasagot ha.

 

Isa! Sinong bumato sakin? lalo kong nilakasan ang paghiyaw ko.

 

Ako! Bakit? Isang maangas na boses ang narinig mula sa likuran ng isang pang player. Nakakairita yung boses na yun at parang ang yabang yabang pa. urrrg! Boses palang yun ha pero kung anong kulo na ng dugo ko sa kung sino mang gagong yun.

 

Hoy ipakita mo yang mukha mo ng magkaalaman tayo. Ang yabang mo ha! mula sa likuran ni player 9 ay lumabas ang isang lalaki na nasa 6" siguro ang height, malaki ang katawan pero hindi mataba at Moreno na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. WAAAAH kakainin ata ako neto ng buhay jusko wag muna bata pa po ako. Pero matapang ata ako chos! Kaya di naman ako nagpatinag. Hahahuhu Lord tulungan mo ako!

 

Bakit ka nambabato ng bola? Sabay hagis ko sa kanya nito at natamaan ko sya sa may dibdib ha!akala mo ikaw lang marunong bumato. Ako di kaya! :P

 

Hindi ko naman sinasadya ha tsaka malay ko bang matatamaan ka pala.hindi ka naman kasi tanga na sa court ka dumadaan. Aba aba sumasagot pa tong mokong na to.

 

Okay! Apologize!  Nagtinginan lahat ng team mates nya sakin. Wait! Masama ba sinabi ko?

Heto ako ngayon at gumagawa ng eskandalo dahil sa mokong na to. Gusto ko lang namang magsorry sya sakin e kaso bago pa ako makarinig ng SORRY ay bigla akong hinila ni Anne ng makita nya ako sa gitna ng basketball court. Hinila nya ako papunta sa gilid ng bleachers.

 

Wait bakit mo ako hinila? Di pa kami tapos nung lalaking yun kung sino man sya.

 

What the heck were you doing there miss monteclaro? Hindi mo ba alam na nasa gitna ka ng court e on-going ang basketball tournament? Huh? Ano daw? On-going a-ang BB tournament? Napatingin ako sa court at oo nga totoong on goin at bukod pa doon ay lahat ng tao nakatingin sakin. Nakakapanlumo naman po sa kahihiyan tong araw na ito. Lupa bumuka ka at lamunin mo ako ng buhay please.now na!

 

Matapos ang kahihiyan sa may BB court ay papunta na ako sa class ko room 217 ang nakalagay sa sched ko. transferee pala ako kaya di ako aware sa mga bagay bagay. Akala ko tapos na ang kahihiyan ko kaso alam mo na- ayun hindi pa dahil sa bawat sulok na madaan ko pinagtatawanan ako at pinaguusapan bilang “Ang babaeng palengkera” OMFG! Ako palengkera kalian pa? huhuhu author tapusin mo na tong scene na to please I cant take it anymore. T_T

 

Haist salamat at nakarating na ako sa room ko after ko dumaan sa pagkalayo layong hallway of shame.

Binukasan ko ang pintuan ng classroom dahil nakasara ito. Pagkabukas ko ng door ay tumambad sakin ang sobrang ingay na mga kaklase. Alam mo yun parang nasa safari ka sa sobrang wild ng mga tao. May mga nagbabatuhan ng paper, may mga nagkukwentuhan sa gilid , naghahalikan ba yun? meron din mga nagtatakbuhan at naghihiyawan din sila. Nakakatakot pumasok kasi parang anytime pwede kang mamatay sa disgrasya. imaginin mo na para kang sasabak sa gyera anytime,ganun ka-wild dito.

 

Gusto ko sanang lumabas at pumunta sa registrar para magpalipat ng klase kaso di na pwede kaya ako ito nasa pinakahuling row sa tabi ng isang bakanteng silya.

 

8:00 na meaning time na at pumasok na ang prof namin

 

Roll call class…

 

Abaya? Present!

 

Bricenio? Here!

 

……….. (and many more)

 

Mendoza? Mendoza?

 

Here ma’am!

 

Mendoza why are you late?

 

Hahaha ma’am player po. Sorry po.

 

Okay take your seat at that vacant seat at the back

 

WTF! Kaklase ko tong mayabang nato? For Pete sake why? Papunta sya palapit sa tabi ko kaya bigla akong nagtakip ng mukha dahil baka makilala niya ako. Umupo sya sa tabi ko at patuloy padin ako sa pagtakip ng mukha.Ang malas ko! Ang malas malas ko!

 

Monteclaro? Monteclaro? Monteclaro?Is miss montelaro here?

 

Bumalik ako sa earth ng marinig ko ang pangalan ko sabay tayo at sabi ng PRESENT MA’AM! Wadapak naman po dagdagan ba naman ang kahihiyan oh.

 

Miss Hanah Monteclaro stop daydreaming! kabagobago mo dito. Sigaw ng prof namin sakin.Nagtawanan ang buong klase sa ginawa ko kahit si Mendoza na iniiwasan ko napatingi din.

 

O_O

 

Hanah Monteclaro, ikaw yung palengkera BB game kanina *smirk* small world aye. By the way Im ANDREW MENDOZA.

 

…and that was our first ever meeting.

 

Two weeks na mula ng ilibing sya pero ako hindi parin makaget over sa sakit na nararamdaman ko kada maiisip ko na wala na sya…at never ng babalik pa. nanlalabo nanaman ang mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo. Mahal, I miss you.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon