memory lane

5 0 0
                                    

Chapter2

Magiisang lingo nadin akong nagluluksa sa pagkamatay ni Andrew. Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Habang nagbabantay ako sa tabi ng kabaong ni Andrew ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha nya. Ang gwapo parin nya k-k-kahit na wala na syang buhay. Hindi ko talaga mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakakainis. Bakit ang sakit sakit.

Mahal, bakit mo naman ako iniwan agad agad? Ang daya daya mo paano na ang mga pangarap natin p-paano na ang pangako mo sakin? P-pano na ang forever?

hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga masasayang alaala naming sa isa't isa.

(flashback)

Nakaupo ako sa isang bench sa park ng may biglang tumakip sa mga mata ko

S-sino to?

Ang taong nagpapatibok ng puso mo...

Lance? tinanggal nya ang pagkakatakip sa mga mata ko at padabog naumupo sa tabi ko. Galit ata sya...ang cute nya

SINONG LANCE YUN? PINAGPAPALIT MO NA BA AKO? SABIHIN MO LANG. pinisil ko pisngi nya dahil ang cute talag nya magalit nagrered na sya at medyo naluluha pa sya.

Ikaw naman di ka na mabiro mahal.

Ikaw kasi. Sino ba kasi yung lance?

Edi ikaw! Ikaw LANCE ang nagpapatibok ng puso ko. Ayieee (corny)

Ngumiti sya at sabay na pinisil ang ilong ko.

Mahal, ako lang ha. Sabi ko sakanya at ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

OO, ikaw lang. Tayo lang. at niyakap niya ako.

**

Condolence, hija.

Bigla akong nahimasmasan sa sinabi ng isang matandang babae na lumapit sakin at nagsabi ng mga katagang iyon.

Salamat po.

Salamat po? Bakit nga ba salamat ang sinabi ko? Bakit nga ba ako nagpapasalamat? Namatay ang taong mahal ko tapos salamat? Parang ang sakit sabihin ang mga katagang iyan pero ano nga ba ang dapat kong isagot. Wala naman silang kasalanan sa pagkamatay ni Andrew at nandito sila para ipaabot ang pakikiramay nila.

Hindi ko nanaman mapigilan ang luha ko. Umiiyak nanaman ako nang may biglang humawak sa balikat ko-si Chris, bestfriend ni Andrew.

Hanah...Okay ka lang ba?

O-okay? Seryoso k aba Chris. Wala na si Andrew. Wala na ang pinakamamahal ko, wala na sya. Malamang hindi ako okay parang gumuho ang mundo ko ng malaman kong wala na sya tapos tatanungin mo ako kung okay ako? Pakshet naman oh.

Tumungo nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sakanya dahil hanggang ngayon nasasaktan parin ako.

Ilang araw ka nang nagbabantay...kailangan mo munang magpahinga. Ako na ang bahala dito.

Okay lang Chris, kaya ko pa.

Kaya ko pa ba talaga?

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon