BRANDY’s POV
“MJ! Joe Jee!?” tawag ko sa mga kaibigan ko na kasa-kasama ko lang kanina . . . nakahawak ako sa ulo ko na sa tantiya ko ay nauntog nang bumagsak ang katawan ko kanina noong nalanghap ko ang usok na nanggagaling sa gilid nang train . . .
Naglalakad ako ngayon sa medyo madilim na bahagi nang lintek na train na sinakyan namin!
Patay, sindi ang mga ilaw na nadadaanan ko, hindi ko alam kung automatic ba ito o talagang pundido . . .
Kung alam ko lang na ganito mangyayari hindi na sana ako sumama, hindi n asana ako humiram ng pera . . . pero ano pa ba ang magagawa ko? Andito na ako eh . . .
Kinakabahan ako na baka wala akong makitang kasama ko kanina, sana naman hindi ako makakita nang multo . . .
Nanlaki ang mata ko nang my nakita akong pintuan, palabas nang train . . . patakbo akong lumapit doon . . .
“hay salamat!” sabi ko saka ko hinawakan ang hawakan ng pintuan . . .pinilit ko itong binuksan pero ayaw . . .
isa . . .dalawa . . .tatlo . . .
nakailang beses kong sinubukan na buksan ito pero hindi ko magawa . . .
sinubukan ko din basagin ang salamin nito, pero hindi mabasag . . .
Nanghihina akong napaupo sa sahig . . . Ano na gagawin ko?
Itinaas ko ang tuhod ko saka ko ipinatong doon ang noo ko, hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako . . .
nasa ganoon akong ayos nang bigla na lang my kumalabit sakin sa kanang balikat. . .
Tinaas ko agad ang ulo ko, luminga linga ako, wala naman ibang tao . . . kinabahan ako . . . mas lalo na nang bigla na lang umihip ang malakas na hangin . . .
“huh?” My kumalabit nanaman sakin mula naman sa kaliwang balikat . . . pinagpapawisan na ako . . . hindi na maganda ito . . . nang ibaling ko ulit ang aking ulo . . .
“aaaahhhh!” nagtatakbo ako agad . . .
My babaeng nakakatakot na gusto akong halikan . . . hindi ko na masyadong inintindi ang mukha niya pero parang namumukhaan ko siya . . .
“hah! hah! hah!” humihingal na ako dahil sa pagod, really! Wala na atang katapusan ang train na ito!
“aaaahhhh! Huwag! Please maawa ka! Huwaaaaagggg!”
Nabigla na lang ako sa narinig na sigaw,
“sa-saan galing iyon?” tanong ko sa sarili, gusto ko hanapin kung saan iyon pero nagtatalo ang isip ko, baka my hindi magandang mangyari sakin pag pumunta ako doon . . .
pero dala na din siguro ng kuryusidad at sa paghahangad na makita ang mga kasama ko kaya naman napansin ko na lang na naglalakad ako patungo sa pwedeng panggalingan ng sigaw . . .
dahan dahan ako sumilip sa pintuan ng kwartong iyon . . . na ikinasisi ko sa bandang huli . . .
Halos malaglag ang puso ko sa nakita . . .
Isang babae, hindi lang basta babae, si Jemalyn, oo si Jemalyn iyon kahit madilim alam ko na si Jemalyn iyon, isang mallit na lampshade lang kasi ang nagbibigay ilaw sa kwarto na iyon. . . nakatali ito sa upuan, my panyo sa bibig, at nasisinagan ng ilaw ang mukha niya kaya nakita ko na madami na siyang pasa . . .
My aninong nasa harap niya, hindi ko alam kung tao ba ito o ano, basta ang alam ko puro itim ang nakikita ko na hugis tao . . .
Mula sa likod, tinignan ko mula ulo hanggang paa ang anino. . . hanggang napadako ako sa kamay niya . . .napalunok ako nang makita kong my itak itong hawak . . .
BINABASA MO ANG
HORROR TRAIN
Mystery / ThrillerPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...