Chapter 9

682 15 1
                                    

ABEGAIL’s POV

Nakaligtas nga kami ni Rey ngayon sa kamatayan pero napagbintangan naman kami, na kami daw ang pumapatay . . .

Hindi ko magagawa ang pumatay, naiiyak pa nga ako pag my nakikita akong namamatay na hayop, tao pa kaya?

Bakit nangyayari samin ito?

Naalala ko ang nangyari kanina bago kami nakita nila Kit at John Edward . . .

FLASHBACK

“Rey? Saan tayo maghahanap ng pagkain?” sabi ko kay Rey habang naglalakad kami nang makita namin ang isang kwarto na my konting ilaw kaya naman nagbakasakali kaming pumunta doon . . .

Buti na lang at medyo nakabukas ang pintuan nito kaya naman makikita namin ang nasa loob . . .

“Rey, kinakabahan ako” sabi ko kay Rey, nakaramdam ako nang kakaiba, biglang bumilis ang tibok ng aking puso . . .

“huwag kang mag alalal te, ako bahala” sabi niya . . .

Lumapit kami sa pintuan at itinulak konti ito ni Rey para makita namin ang nasa loob. . .

Sisigaw sana ako nang takpan ni Rey ang bibig ko . . .

Nakita namin nakatali sa upuan sila MJ at Joe Jee, my taong parang anino ang nasa harapan nila at sinaksak ata si MJ dahil my mga dugo sa paa niya . . .

“shhhh, huwag ka maingay te” bulong ni Rey sakin, tatalikod na sana kami nang maramdaman kong my tumama sa ulo ko, bigla akong nahilo at naramdaman kong unti unting nandidilim ang paningin ko, bago pa ako mawalan ng ulirat nakita kong nakikipag agawan si Rey sa isang taong anino na kaparehas sa taong anino na nakita namin sa loob ng kwarto nakung nasaan sila MJ . . .

Nagising na lang akong nakatali sa upuan katulad nila MJ kanina, at katabi ko naman si Rey, hinanap nang paningin ko sila MJ pero napaiyak na lang ako nang makita kong wala na silang buhay . . .

Binalot ng kaba ang puso ko, dahil kanina sila MJ ang nasa ganitong ayos pero ngayon kami na ni Rey ang nasa hot seat! Ibig bang sabihin nito kami na ang susunod?

Kinabahan ako nang makita kong nasa harap namin ang dalawang taong anino . . . nakadamit sila ng itim at ngipin lang ata ang nakikita sakanila . . .

Wala sa sariling napalunok ako nang makita ko ang duguan na kutsilyong hawak ng isa, my kutsilyo din hawak ang isa pero wala itong dugo . . .

“rey!” bulong ko, pero hindi parin nagkakamalay ang kasama ko

“Rey!” sigaw ko ulit nang makita kong lumalapit sakin ang isa . . .

Natuwa ako nang unti-unting nagkamalay na si Rey . . . at nang makita kong umatras iyong taong anino na lumalapit sakin kanina . . .

“huh? asan ako? teka! Ate Abe” sabi ni Rey at napatingin sakin hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano?

“what happened?” sabi niya sakin, saka ako tumingin sa mga taong anino, napatingin din si Rey sa tinignan ko . . .

“Sino kayo?” sabi niya! pero walang sumagot!

“Sino kayo!” sabi ulit niya pero tulad ng nauna wala parin nagsalita sakanila . . .

Unti unting lumalapit ulit ang isa sakin, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko!

pero . . .

nagulat na lang ako nang biglang tumigil ito . . .

Nagkatinginan kami ni Rey, at nagkatinginan din ang dalawang taong anino, matagal . . . hindi ko alam kung nag uusap sila gamit ang isip. . .

HORROR TRAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon