YHEYA’s POV
“Yheya!”
“Bakit kuya Daryl?” tanong ko sa kasama ko, napahiwalay nanaman kami sa mga kasama namin, at hindi namin alam kung saan namin sila hahanapin . . .
“Dalian mo naman!” sabi nito, nasa unahan na pala ito, para naman kasi siyang tumatakbo sa bilis ng kanyang lakad . . .
“Kuya, sandali lang, pagod na ako” sabi ko sakanya saka ako umupo sa mga upuan ng train . . .
“oh sige, pahinga na muna tayo” sabi nito at umupo siya sa katapat na upuan ng aking inuupuan . . .
Nagmagitan samin ang katahimikan, halos hindi ko makita ang itsura niya dahil sa madilim, my ilaw nga pero patay sindi ito . . .
“kuya Daryl, mamamatay ba tayo?” tanong ko sakanya pero hindi ko siya tinignan dahil ayaw kong makita niya ang aking mga luha na malayang umaagos sa aking mga pisngi . . .
“Hindi ko alam Yheya, hindi ko nga din alam kung my mga kasama pa ba tayo dito sa loob ng train na ito” sabi niya . . . hindi ko maiwasan na suminghot . . . halos nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang nakabara sa aking salamin . . .
“Sana, my kasama pa tayong buhay” sabi ko, inalis ko ang salamin ko at nag punas ako nang mata na parang bata . . .
“Huwag ka nang umiyak, kung hindi man tayo makaalis dito nang buhay, tanggapin na lang natin ang ating kapalara” sabi nito, hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya at pinatapatahan niya ako sa pamamagitan ng paghimas sa aking likod . . .
Lumipas ang ilang minutong pahinga, naglakad na kami ulit, hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng gutom, dahil na din siguro sa takot na nararamdaman ko . . .
“Yheya, dalian mo”
Nabigla na lang ako nang hilain ako ni Kuya Daryl, ang kaninag mabagal naming paglalakad ay naging takbo . . .
“teka kuya? bakit tayo tumatakbo” tanong ko sakanya, hindi ko naman kasi alam kung bakit bigla na lang niya ako hinila at nagtatakbo kaming dalawa . . .
“Hindi mo ba nararamdaman?” sabi niya sakin, bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso . . .
“Nararamdaman ang ano?”
“My sumusunod satin, kanina pa” sabi niya, halos lumukso ang puso ko sa narinig . . .my sumusunod samin . . .?
“aray!”
Nauntog ako sa braso ni kuya Daryl dahil bigla na lang siya tumigil . . .
“kuya? bakit ka . . ?”
Napatingin ako sakanya, pero nakatulala ito sa isang banda . . . wala sa sariling napatingin din ako sa tinitignan niya . . .
“Waaaahhhh!”
Napatakbo ako dahil sa pagkabigla at hindi ko alam na nahila ko pala si Kuya Daryl sa kanyang damit, buti na lang at hindi napunit . . .
“teka Yheya! Nasasaktan ako!” sabi niya sakin, doon lang ako natauhan . . .hinihingal akong napatigil sa pagtakbo . . .
“hah! hah! haH! so-sorry ku-kuya” sabi ko sakanya sa gitna nang paghingal, sino naman kasi ang hindi mapaptakbo at magsisigaw sa nakita namin . . . si kuya Daryl lang ata kasi natulala siya . . .
Nakakita kasi kami nang babaeng duguan, iyong babaeng nakita namin bago kami nagkahiwa hiwalay na sampu . . . Babaeng duguan ang putting damit at halatang sinaksak ito ng madaming beses . . . natatakpan ng mahabang buhok nito ang mukha niya, pero nakasilip ang kanyang isang mata . . .
BINABASA MO ANG
HORROR TRAIN
Mystery / ThrillerPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...