CHESCA’s POV
“Bakit hindi na lang natin hanapin kung sino ang pumapatay?” narinig kong suhesyon ni Kit nang magkita kita kami . . .
“Tama ka diyan, Kit kailangan na natin siya hanapin bago siya ang makahanap satin” sabi naman ni John Edward
“Sigurado kayo? Paano kung hindi lang ‘Siya’ iyon, kundi ‘Sila’?” sabi naman ni Mia . . .
“Pero, mas maganda na din iyon kesa naman hintayin natin na isa-isahin tayo, mas ok nga ito kasi magkakasama kasama tayong lahat” sabi naman ni Abegail
“Tama! Kailangan natin hanapin ang pumapatay” sabi naman ni Joe Jee, si Mary Joan naman ay natatakot na nakayakap lang sa braso ng kanyang nobyo
“pe-pero, saan naman tayo maghahanap? ni hindi nga natin alam kung saan tayo banda ng train na ito, ni hindi din natin alam kung gumagalaw ba o nakatigil ang train, ilang beses na din nmin subukan buksan at siraan ang mga pinto at bintana pero ayaw” sabi ko sakanila, halos lahat sila napatingin sakin . . .
“Bakit hindi natin subukan hanapin kung nasaan ang operator ng train na ito?” napatingin naman kami kay Reynaldo sa sinabi niya . . .
“Tama! doon na lang natin umpisahan” sabi ulit ni Kit, si Yheya naman ay nanatiling tahimik lamang . . .
Kaya naman napagdesisyunan ng karamihan na puntahan kung nasaan ang operator, lahat kami sama sama, at walang iwanan, naglalakad na kami patungo kung saan, at sana nga makita namin ang tamang daan . . .
Flashlight lang ang nagbibigay liwanag sa aming daanan . . . kung minsan pa nga natatapilok ako kaya naman napag iiwanan ako minsan, nahihiya naman ako na magpahintay sakanila . . .
“aray!” mahinang bulong ko, saka ako tumigil at hinimas ang paa ko,
Bigla na lang umihip ang malamig na hangin, pakiramdam ko tumayo lahat ang balahibo ko, bigla akong kinabahan . . .
pa-parang my kung anong nasa likod ko . . .
dahan dahan ako napatingin sa likod ko . . .
“aaaahhhhh” gusto ko sana isigaw iyon pero walang lumabas sa bibig ko,
Nakita ko ang babaeng duguan . . . ang buhok nito ay nakatakip sa kanyang mukha pero labas ang kanyang isang mata . . . duguan ang puting damit, halatang sinaksak ito ng ilang beses . . . teka . . . parang . . . kilala ko ata to ah . . .
“Chesca?” sabi nang mga kasama ko, at satingin ko papalapit sila sakin dahil na din sa ilaw na tumagos sa katawan ko . . .
“Aaaaahhhhhh!” narinig ko na lang na sumigaw sila, nakikita din siguro nila ang nakikita ko . . .
Bakit parang nakakaramdam ako ng kakaiba sa multong ito . . . parang kilala ko talaga . . . parang mabait at my gusto sabihin samin . . .
“Guys, parang my kakaiba sakanya” sabi ko at napalingon sa mga kasama ko, pero nawala ang mga ito . . .
“What da!” hindi ko man lang narinig na tumakbo silang lahat, naiwan nila ang flashlight kaya naman hindi ko namalayan na iniwan na pala nila ako . . .
Lumapit ako sa flashlight saka pinulot ito . . . tumingin ako ulit sa likod ko pero wala na ang multo . . .
“ano ba yan! Iwan ba naman ako” sabi ko, napakamot ako sa ulo, inumpisahan ko na maglakad nang maramdaman kong my nakatingin sakin . . . umusbong nanaman ang kaba sa aking dibdib . . .
Naglakad akong walang lingon lingon . . . baka kasi ang killer na iyon at hindi na multo, mas nakakatakot din minsan ang tao dahil pwede ka nila patayin samantalang ang ibang multo naman ay nananakot lang . . .
BINABASA MO ANG
HORROR TRAIN
Mystery / ThrillerPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...