Chapter 3

4.6K 142 2
                                    


"THAT pervert!" sabi ni Bianca pagkaupung-pagkaupo niya sa ilalim ng pool umbrella. Naiinis siya kay Kuya Bernard dahil sa halip na kampihan siya at ipagtanggol ay hinayaan lang na asar-asarin siya ng kaibigan nito.

"Well, super handsome and ultra yummy pervert for that matter," nakangiting sabi ni Sandy at inilabas sa bag nito ang magazine. "Kung lahat ba naman ng pervert ganoon kaguwapo, hindi na ako matatakot na magpakalat-kalat sa kalsada."

Napanganga siya sa sinabi nito. "You, bitch! Lalo tuloy yumabang ang pervert na iyon dahil sa iyo. Nakakainis ka."

"I can't help it. Hindi ko siya nakita nang ilang taon. Ang akala ko nga, hindi ko na siya crush. Pero nang makita ko siya kanina, gosh, kulang na lang talunin ko siya sa tuwa. Siya pala ang may-ari ng Unplugged? Too bad, hindi ako madalas magpunta roon dahil lagi mo akong hinahatak sa bar ng Raf mo. Pero ngayong alam ko nang sa kanya ang Unplugged, palagi na akong pupunta roon."

Pinandilatan niya ito. "Don't even think about it!"

"There is no way you can stop me. O baka gusto mong huwag kitang tulungan sa pangse-seduce kay Raf?"

"Excuse me. Did you say 'seduce?' Ni hindi ko nga alam kung paano gawin iyon. And I don't think I can pull that off."

"My God, Bianca. How old are you, thirteen?"

Bumalik ang talim sa mga mata niya nang parang may maalala. "So, that thing you did with Radd, is that what you call 'seducing'?"

Ngumiti ito. "No. It's the other way around. He seduced me just by being that totally hot."

"You talk like a slut, Sandy."

"And you talk like a baby, Bianca. I wonder kung paano mo maaakit si Raf kung ganyan ka nang ganyan. Grow up, Baby Bianca." Binuklat nito ang hawak na magazine. "And speaking of Raf, I have news for you. Basahin mo." Ibinigay nito sa kanya ang magazine. "I underlined the important details. You might wanna skip that."

Binasa niya ang write-up tungkol kay Raf. "'After a phenomenal breakup with his model girlfriend Sophie Agustin, because of movie heartthrob Dave Valdez, ex-rock star hottie Raf Guzman is now very much available...'" Napasinghap siya. "'He admits to get dibs on the sophisticated and mature type of girls. It's a killer for him if a girl knows how to cook and play the guitar.'"

"Yes. Or in other words, you failed in the qualifications department if you're applying for a job and he's the boss. You're like none of the above in a multiple choice question. And—"

"Thanks a lot," putol ni Bianca sa pangdi-discourage ni Sandy. Hindi na siya nagsalita. Nalaglag ang magkabilang balikat niya. All these years, naghintay siya pero hindi rin pala siya magugustuhan ni Raf. Hindi siya ang tipo nitong babae.

"Girl, patapusin mo muna ang sinasabi ko bago ka mag-react. You may not be one of the above but who says you can never be his type of girl?" sabi ni Sandy na parang naawa sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. "What are you trying to say?"

Ngumiti ito nang makahulugan.



PINIGILAN ni Bianca ang mapangiti. Instead, she pouted. Umikot pa siya pagkababa sa mahabang hagdan at pa-poise na lumakad papunta sa kanyang nakatulalang ina at kapatid na kapwa nakaupo sa sofa sa sala at nagkakape.

She was wearing a mocha tailored-cut suit. Humahakab iyon sa kanyang katawan. Naka-bun ang kanyang buhok, nakasuot ng huge pearl earrings and a necklace na kinuha niya sa jewelry box ng kanyang ina. Even her stilettos complemented her sophisticated outfit.

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon