Final Chapter

7.2K 282 32
                                    


"ARE YOU serious?" gulat na tanong ni Bernard kay Radd. "You mean, ikaw ang dahilan ng pagbabagu-bago ng mood ng kapatid ko? This Sunday morning, she's like the happiest person on earth. Pagkatapos, kinagabihan, nagkulong siya sa kuwarto at hindi siya kumain. Nang buksan namin ang kuwarto niya with our spare key dahil nag-aalala na si Mommy, my mother found out she'd been crying for hours. Ayaw naman niyang sabihin kay Mommy ang dahilan. Which is strange dahil walang inililihim si Bianca kay Mommy. Nabanggit sa akin ni Yaya na nagpunta ka sa bahay kahapon pero hindi niya sinabi na..." Sadyang huminto si Bernard sa pagsasalita at saka tinitigan si Radd.

Inubos ni Radd ang laman ng kanyang mug. Pumunta si Bernard sa bar para mapag-usapan nila ang tungkol sa business partnership nila. Pero hindi ang tungkol doon ang inihain niya sa kaibigan kundi ang problema nila ni Bianca.

"Pare, ba't naman pati kapatid ko?" kalmadong tanong ni Bernard.

"Pare, I'm serious about her," seryosong sabi niya.

Tumaas ang isang kilay nito. "You mean..."

"She's special."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "Yeah, I know that. Espesyal talaga si Bianca. She freaks out a lot. She would throw anything within her reach when she gets mad. But she also smiles and laughs a lot. She used to hug me without reasons. Basta lang daw masaya siya. She only knows one thing for a gift—stuffed toy. In fact, punung-puno na ng stuffed toy ang kuwarto ko dahil sa kanya. She's childish and shallow. She's far from ordinary. Now, are you telling me you could take her definition of special?"

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "I've known her for years. Baka nakakalimutan mong most of her freak-outs were intended for me. Isang libong 'I hate you' ang natanggap ko sa kanya. Puwera pa iyong mga isinulat niya sa notebook at inukit sa puno. Naranasan ko na ngang mahampas niya ng gitara, masikmuraan niya, mabato ng vase at lately, matapalan niya ng cake sa mukha. She also gave me a stuffed toy and it was annoyingly sweet. I know she's far from ordinary. But I love her and I love her absurdity or whatever her definition of 'special' is."

Napatitig ito sa kanya. Tila hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. Lumuwang ang ngiti nito kapagdaka nang siguro ay makita ang kaseryosuhan sa ekspresyon niya. "Ikaw ba iyan, Conradd?"

Hindi siya sumagot. Sinalubong lang niya ang titig nito. Uminom siya ng lite beer.

Bernard sighed. May amusement sa mga mata nito nang muling magsalita ito. "All right. If you're asking for my consent, ibibigay ko si Bianca sa iyo. Pero ito ang tatandaan mo, Radd. Huwag na huwag mo siyang sasaktan. Don't mess up with my sister or I'll kick your ass. Maliwanag ba?"

"I'm not asking for your consent, Bernie. If I could take her right now with me, I will, even without your approval. Ang kaso, wala naman akong karapatan sa kanya. I'm not sure about what she feels. She said she likes me, yet I saw her with Raf the other night. Si Raf pa rin talaga ang mahal niya. She had loved him so much for so long. Siguro nga, wala na siyang ibang mamahalin kundi si Raf."

Nang nagdaang gabi ay nagpunta si Radd sa bahay nina Bianca para subukang kausapin uli ito pero sinabi ng mommy nito na nagpaalam daw ito na pupunta sa Rock Degree. Isa lang ang ibig sabihin niyon. She was returning to Raf. Natagpuan na lang niya ang sarili na tinatahak ang daan papunta sa bar ni Raf. Nagsisi lang siya sa pagpunta roon dahil sa nasaksihan.

Bianca was hugging Raf. Nasipa at nasuntok niya ang kanyang kotse nang makalabas ng bar. He was jealous as hell. Gustuhin man niyang bumalik sa loob ng bar at hilahin si Bianca ay wala naman siyang karapatan. Baka magmukha lang siyang gago kapag hindi ito sumama sa kanya.

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon