Chapter 9

4.4K 158 6
                                    


NAPANGANGA si Bianca nang makita niya ang napakaraming tao sa lugar na iyon, lalo na sa malalaking letra na nasa stage ng pagtitipon kung saan kasalukuyang may tumutugtog na banda. Dinala siya ni Raf sa Lovapalooza. Isang special Valentine event iyon na sponsored ng isang sikat na brand ng toothpaste. Isang tradisyon iyon na nasa Guiness Book of World Records kung saan nagtitipon ang mga magkakapareha para maghalikan pagsapit ng hatinggabi.

Napasinghap siya sa realisasyong pumasok sa isip. Maghahalikan sila roon ni Raf? Nagtatanong ang mga mata na napatitig siya rito. Hindi niya maitanong nang direkta rito ang laman ng isip niya. Ngumiti lang ito at hinila na siya para sumiksik sila sa mga libreng espasyo sa karamihan ng mga magkakasintahan na naglipana roon. Balak pa yata nito na sa unahan sila pumuwesto.

Gustong bawiin ni Bianca ang kanyang kamay na hila-hila ni Raf at umuwi na pero baka mapahiya ito kaya nagpatianod na lang siya. Ayaw niyang magpahalik dito dahil maraming tao at televised pa ang nasabing event. Baka makita siya ng mga kakilala niya o ng kuya at mommy niya sa TV.

Iyon nga lang ba ang dahilan? O baka naman gusto niyang si Radd lang ang hahalik sa kanya? Si Radd na wala man lang kamalay-malay na siyang first kiss niya. How ironic...

Hinawakan ni Raf ang isa pa niyang kamay nang sa wakas ay huminto sila. Tinitigan siya nang mataman. "Alam kong nabigla ka nang dalhin kita rito. Alam kong wala akong karapatang mag-demand ng kiss sa iyo dahil hindi pa tayo mag-on. Yet, I am hoping na maging memorable ang Valentine night na ito para sa akin. Para sa ating dalawa. I'm not a very adventurous person, Bianca. I've never been in this kind of event. Yet, I wanna try this stuff with you for the very first time. Iyon ay kung papayag ka."

Kung papayag? Pagkatapos silang magsumiksik para makarating sa spot na iyon ay saka pa lang siya nito tatanungin kung papayag siyang magpahalik?


NAPATINGIN si Bianca sa malaking digital countdown clock na nasa wide-screen sa stage. Tatlong minuto na lang at alas-dose na ng hatinggabi. Kailangan na niyang makaisip ng paraan para makatakas kay Raf. Hindi niya kayang magpahalik dito. Kinapa na niya ang kanyang damdamin at iyon ang sinabi ng kanyang puso. Isa lang ang ibig sabihin niyon—wala na talaga siyang pagtingin para dito. Hindi na niya ito mahal.

Isa pa ay natatakot siyang makita sa TV na nakikipaghalikan. Sa pagkakaintindi niya, naka-televise ang event na iyon. In fact, nakita na nga niya ang sarili sa wide-screen at hiyang-hiya siya. To her horror, in-acknowledge pa ng isa sa mga hosts ang presensiya ni Raf bilang isang ex-band star nang mahuli ito ng camera. Hindi puwedeng hindi siya pansinin ng host bilang kapareha ni Raf. Pilit na pilit ang ngiti niya. Gusto niyang maglaho sa kinatatayuan.

Napasulyap siya kay Raf na parang enjoy na enjoy sa pagsabay at pagtalon sa rock band na kasalukuyang tumutugtog sa stage. Parang wala na itong pakialam sa mundo. Iyon na yata ang tamang pagkakataon para matakasan niya ito. Bahala na kung paano siya magpapaliwanag dito. Ang mahalaga ngayon ay makatakas siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Bianca. Sa isang iglap ay wala na siya sa tabi ni Raf. Nahirapan siyang makipagsiksikan sa mga tao kaya napakabagal bago siya nakalayo. Hindi pa nga niya mahanap ang daan palabas sa parang maze na iyon. Naligaw na yata siya. Lalo yata siyang napalayo sa daan palabas. Naabutan na siya ng ten-second countdown ay nandoon pa rin siya sa gitna ng makapal na tao. Aabutan pa yata siya ng kissing time.

"Ten, nine, eight..."

Parang mabibingi siya nang sabay-sabay na magbilang ang mga hosts at ang mga tao sa paligid. Nakikipagsiksikan pa rin siya nang masubsob sa isang malapad na dibdib.

"Bianca!"

Napaangat ang tingin niya sa tumawag nang malakas sa kanya. Napanganga siya sa pagkabigla nang mapagsino ito. "R-Radd... A-ano'ng ginagawa mo rito?"

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon