Chapter 7

4.3K 158 5
                                    


"HANGA rin ako kay Raf. Tumagal sila ni Sophie nang ganoon katagal," sabi ni Radd kay Bianca habang nagme-merienda sila sa fast-food chain sa amusement center na pinagdalhan nito sa kanya. Bilang parte raw ng pagpa-practice kaya niyaya siya nito na mag-date sila.

Nagulat pa nga siya nang dalhin siya ng binata sa amusement park. Hindi niya alam kung inaasar siya nito sa pagiging childish niya o sadyang gusto nito na mag-enjoy siya sa kanilang "date." Kanina ay nag-bumper car sila at totoong nag-enjoy siya. Naglaro din sila ng mga video games katulad ng car racing at basketball sa arcade. She was laughing the whole time. Noon na lang siya nakapagpahinga sa pagtawa dahil kumakain sila.

"Kasi ang tipo ni Raf ang nagseseryoso ng babae. Hindi katulad ng iba diyan," pagpaparinig pa niya bago kumagat sa hot dog sandwich niya.

"Imagine, from college till last month, sila ni Sophie? He must really love her that much," Radd said. Parang hindi naman ito naapektuhan ng parunggit niya.

"He had loved her. Loved. With 'e-d.'" Siya yata ang naapektuhan sa iginanti nitong parunggit.

"Hindi ganoon kadaling makalimutan ang isang taong minahal mo nang ilang taon."

"Puwede niyang makalimutan iyon kung makakatagpo siya ng bagong mamahalin."

"Pero hindi madaling magmahal uli kapag na-brokenhearted nang matindi. Kung makikipagrelasyon uli siya, that relationship will be just to help him ease his pain; or to be more defined, gagamitin lang niya iyong babaeng iyon para makalimutan ang babaeng minahal niya sa loob ng matagal na panahon. Kawawa naman iyong babaeng iyon." Pumalatak pa ito at sumubo ng French fries.

"Hindi gagawin sa akin ni Raf iyon!" She snapped. Nagtinginan tuloy sa kanila ang ibang tao roon. Napahiya naman siya nang bahagya at napalakas ang kanyang boses. Nakakunot-noong tinitigan siya ni Radd. Marami siyang nabasang tanong sa mga mata nito. "I mean, hindi niya iyon gagawin sa akin kapag niligawan na niya ako."

An air of soft laughter blew from his mouth. "Hindi ka pa nga pumapasa sa akin, nag-i-imagine ka na ng mga ganyang bagay?"

Kinagat ni Bianca ang kanyang ibabang labi bilang pagpipigil na sabihin kay Radd na nililigawan na siya ni Raf. Na hindi na rin niya ito kailangang pagpraktisan. Kinalimutan na rin niya ang balak na paibigin ito at iwan sa bandang huli. The only reason she could think of to stay in contact with him was because of her guitar lessons.

Bumuntong-hininga siya. Hindi iyon magagawa sa kanya ni Raf. Hindi lang siya nito planong gamitin para makalimutan ang dating girlfriend. He was over Sophie already. At siya na ang gusto nito ngayon. Kung tutuusin, puwedeng-puwede na niyang sagutin ito dahil nagpahayag na ito ng pagtingin sa kanya. Iniisip lang niya ang magiging dating niyon sa kanya bilang babae. Kahit mahal niya ito, hindi naman siya cheap para sagutin agad ito.

Pagkatapos mag-merienda ay nag-bike naman sila ni Radd sa park. Two-seater dapat ang aarkilahin nila dahil hindi siya marunong mag-bike pero wala nang available. One-seater na lang ang mga natitira at mababa pa ang upuan.

"Huwag mo namang masyadong bilisan," she hissed. Pakiramdam niya ay mahuhulog siya kahit pa nakakapit siya sa magkabilang balikat nito. "'Pag nahulog ako, lagot ka sa akin!"

"Humawak ka kasi sa baywang ko." Inihinto nito ang bike at inilipat ang mga kamay niya mula sa balikat papunta sa baywang nito.

"Ikaw kasi ang may kasalanan kung bakit hindi ako marunong mag-bike ngayon."

"Tuturuan kita mamaya."

"Huwag mo sabing bilisan, eh. Baka mahulog ako."

"Higpitan mo kasi ang kapit mo."

How To Kiss A Guy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon