INAGAW ni Sophie ang bote ng alak sa kamay ni Radd. "Tama na iyan, Radd. Lasing ka na."
He groaned in protest. Naniningkit na ang mga mata niya. Marami na siyang nainom pero hindi pa rin makalimutan ang nangyari noong isang araw kung saan pinagmukha siyang tanga ni Bianca sa harap pa mismo ni Raf. Well, sino nga ba siya para samahan ni Bianca? She was head over heels in love with Raf, while she hated him to the core. Raf was her long-term first love. He was her longtime enemy. Natural lang na si Raf ang piliin nito kaysa sa kanya. Hindi na dapat niya iyon kinukuwestiyon. But he was hurt. Iyon ang dahilan ng tatlong gabi na niyang pagsesentimyento. Nasaktan siya sa ginawa ni Bianca. At noon lang siya nasaktan nang ganoon katindi.
Siguro ay hindi man lang nito nahalata na nasasaktan siya. And it was not just his pride that was hurting too bad. He couldn't accept the fact that a childish girl had managed to make him feel that way. Like how he never thought he could feel something special for that immature girl. Na-realize niya na maaaring noon pa siya may nararamdaman para kay Bianca. That his fondness of her, that wanting to see her and be noticed by her, could mean he had liked her since her elementary and high school days.
Nagseselos si Radd kay Raf. And he had a strong feeling of wanting to punch that bastard's face every time he saw him. Wala siyang natatandaang pagkakataon na nagalit siya nang ganoon dito. Kahit pa noong makailang beses na inagaw nito ang mga naging girlfriend niya.
But it was all okay. It was tolerable. Hinayaan lang niya ito sa gusto nitong mangyari. The sting it gave his pride was bearable. But this time, with Bianca, it was unbearable. He was jealous as hell. Noon pa siguro siya nagseselos, noong malaman niya mula kay Bernard na may crush si Bianca kay Raf. Pero hindi lang niya makumpirma kung talagang nagseselos siya o naiinis lang siya kay Raf dahil sa naging alitan nila noon at sa mga ginawa nito sa kanya.
That jerk. Sa pagkakataong iyon yata ay magtatagumpay na ito sa pagganti sa kanya. Sa dinami-rami ng pagtatangka nito na galitin siya, saktan at tapatan, noon lang talaga siya nito napagalit nang totoo. Ito pala ang dahilan kung bakit ilang araw nang hindi nagpapakita sa kanya si Bianca at kahit kulitin niya ito sa telepono ay hindi ito pumupunta sa pad niya. And who would know, knowing what Bianca felt for Raf? Baka mag-girlfriend-boyfriend na ang mga ito.
Tumayo si Radd at kumuha ng isang bote ng George Dickel sa eskaparate niya ng mga alak at whisky. Pagkatapos ay tumawag ng isang bartender. "Ricky boy, pakipadalhan nga ako rito sa office ng dry ice. Pakibilis lang," sabi niya sa pumasok na tauhan.
"Ano ka ba, Radd? Tama na sabi, eh," halatang nag-aalala namang saway sa kanya ni Sophie.
"'Wag mo akong pakialaman," malamig na sabi niya.
Para bang nasaktan ito sa sinabi niya. Makailang beses itong huminga nang malalim bago yumakap sa kanya na ikinagulat niya.
"Ang babaeng iyon ba ang dahilan ng pagpapakalasing mo? Kalimutan mo na siya kung ayaw na niya sa iyo. Nandito naman ako. I want you back, Radd..."
Parang wala siyang narinig. Uminom lang uli siya ng whisky. Hindi siya natatakot noon kay Raf. Pero sa nangyayari ngayon, parang dapat nga siyang matakot dito. He was snatching Bianca away from him. Ipinilig niya ang ulo nang maisip na baka bahagi ng pagganti ni Raf sa kanya ang panliligaw nito kay Bianca. Hindi niya girlfriend si Bianca at wala rin namang nakakaalam ng totoong nararamdaman niya para dito. Kaya walang dahilan para isipin niya na may kinalaman ang pinaniniwalaan ni Raf na kasalanan niya rito sa panliligaw nito kay Bianca.
Siguro ay nagtagumpay lang si Bianca sa pagpapanggap na maging ibang tao para mapansin ni Raf. At siguro ay nakatulong ang pagpa-practice ng dalaga sa kanya sa mga gagawin nito para magustuhan ni Raf. Hindi niya inakalang kakagat ito sa kalokohan niyang iyon. It was just a silly excuse to be with her. Para mabantayan ito, malibang at nang hindi na masyadong mag-concentrate sa pagpapapansin kay Raf. But he failed. She was with him now.
BINABASA MO ANG
How To Kiss A Guy [COMPLETED]
RomansaHead over heels si Bianca kay Raf pero hindi siya pansin nito. When she learned the best way to his heart was to learn how to play the guitar, kinulit niya ang kuya niya upang turuan nito. Hindi ito pumayag at sa halip ay inirekomenda ang dating ban...