Chapter 2: The Crown Princess

123 6 0
                                    

Chapter 2: The Crown Princess

Aurora

"Ma, hindi ka na dapat nag-abala."

Napabuntong hininga ako at tumingin kay mama na nakaupo sa isa sa mga upuan sa sala. Amelia Yue is smiling while eyeing the uniform of Central Academy lying on the coffee table.

Nagtrabaho ako sa bakery downtown kasama si Isla ng ilang buwan matapos naming makapagtapos ng primary education at makapasa sa Central Academy para ipambili sana ng uniform na nasa harapan ko ngayon.

Ang mga nasa 17 years old na nephilim katulad ko, ay kailangang tumungtong sa isa pang learning system bago makapagtrabaho. Matapos ang primary education kung saan itinuturo ang pagsulat, pagbilang, at pagbasa, mandatory din ang pagkuha ng secondary education sa mga tulad namin. 

Ang hindi pagkuha nito ay labis na hindi pinahihintulutan ng Council.

Ang Council ay ang tumatayong gobyerno ng Argus. May iba't ibang kinatawan ang apat na kaharian para maging kasapi nito. The Council's sole purpose is to maintain the peace in all of Argus' four kingdoms.

History books have been the evidence of how cruel the Council is. And as the Council always says, the law is harsh but it is the law and what they are doing is purely for our benefit and the good of our land.

The Council always assert that each nephilim is the foundation of Argus and our collective discipline and strength could protect our land from threats caused by other beings of the Other World.

The Council made everything in order and systematic. Those who disobey the rules abided by the Council would face indescribable punishments.

Isang linggo mula ngayon ay bibiyahe kami ni Isla papuntang Hilagang Kaharian para mag-aral sa kaisa-isahang ekslusibong paaralan sa buong Argus.

Nakakadismaya lang isipin na ang pangalan kong dati ay kasama sa listahan ng mga mag-aaral sa East Academy ngayong taon ay nailipat na sa listahan ng mga mag-aaral na papasok sa Central Academy.

May dalawang uri ng paaralan na maaaring pasukan ng isang labing-pitong taong gulang na nephilim na tutungtong sa kanyang secondary education.

Una ay ang mga pampublikong paaralan. Libre at walang entrance exams sa mga paaralang ito. Otomatikong mapapaloob ang pangalan ng isang ordinaryong nephilim sa listahan ng paaralang ito matapos nitong makapagtapos ng primary education.

Ang bawat kaharian sa Argus ay mayroong mga public secondary schools katulad ng North Academy na matatagpuan sa kaharian ng Hilaga, West Academy sa kaharian ng Kanluran, East Academy sa kaharian ng Silangan, at South Academy sa kaharian ng Timog.

Ang Central Academy naman ang pangalawang uri ng paaralan na nagooffer ng secondary education.

Ang paaralang ito ay isang boarding school na matatagpuan sa isang maliit na isla sa katimugang bahagi ng Hilagang Kaharian. The tiny island named Florence resides almost in the center of the four kingdoms. Isang strategic location para sa isang private at exclusive na paaralan para sa mga nephilims na mula sa makakapangyarihan at maiimpluwensyang pamilya sa iba't ibang kaharian sa Argus.

Bukas din ito sa mga ordinaryong nephilims na may kagila-gilalas na katalinuhan at kakayahan sa paglipad at pakikipaglaban ngunit kailangan nilang dumaan sa isang entrance exam para makapasok. Libre rin ang kanilang pag-aaral kung mapapanatili nila ang kanilang mataas na grado sa lahat ng courses na iniooffer ng paaralan.

This is where Isla and I fall. Prodigies, better known as scholars. Mga commoners na pinopondohan ng mga mayayamang angkan para magkaroon ng kalidad na edukasyon.

Argus: Angels and CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon