Chapter 8: The Ability
Aurora
The following weeks after I turned down the guild's invitation were calm. I thought they would bully me for turning down such opportunity pero naging tahimik ang pamamalagi ko sa Central Academy matapos ang araw na 'yon.
Nagsimula na rin kaming maging abala sa mga exams, projects, and activities. Doon ko inabala ang sarili ko sa mga dumaang linggo.
I thought Central Academy's system was corrupted. Akala ko ay may pribilehiyo rito ang mga isinilang na may gintong kutsara sa bibig. But I was wrong. Pantay ang tingin nito sa lahat ng mag-aaral. Same rules and regulations, same punishments, regardless of blood.
May mga araw na binabati rin ako ni Hugo Lancaster kapag nakakasalubong ko ito sa corridor o minsa'y sa library o dining hall. Mukhang hindi naman ito naoffend sa nangyari dahil nakukuha niya pa rin akong batiin.
Ang problema ko'y si Logan Montgomery. Simula noong araw na makita niya ako sa labas ng lobby ng kanilang guild at igiya papasok dito ay hindi na niya ako tinigilan.
Madalas kapag nakakasalubong ko siya ay bigla bigla na lamang siyang hihiyaw ng 'Rory babe' at ngingiti ng ubod ng lawak habang masiglang kumakaway. Bukod sa napapangiwi ako sa pangalang tinatawag niya sa akin ay nakakakuha rin kami ng atensyon lalo't bukod sa malakas ang boses niya ay hindi rin maipagkakailang malakas ang charm niya sa mga nephilims na nag-aaral sa Central Academy.
From his wide blue eyes, honey blonde hair, and dimples, Logan looks and acts like a boy next door.
He even befriended Isla kaya't mas lalo kaming nakakakuha ng atensyon kapag kasama namin ito.
Mukhang walang pakialam si Logan sa dugo't kapangyarihang taglay ng isang nephilim sa aming lipunan. Kakausapin nito ang gusto nitong kausapin.
But try imagining Isla and Logan talking.
From Princess Celeste's little scene in the dining hall and Logan's friendliness, alam kong iba na ang opinyon sa akin ng mga nandito sa academy lalo na ng mga kagaya kong commoner pero hindi ko rin naman mapipigilan si Logan at ang mga interaction ko sa iba pang high-ranking nephilim kaya wala rin akong pagpipilian kung hindi ang isawalang bahala ang mga opinyon nila.
My life is already a mess. If I try to take control and worry about the things that's out of my hand, I am just getting myself into further misery.
Isla and I tardily tread on our way to the dormitory to prepare for our afternoon classes. Kakatapos lang namin mananghalian sa dining hall.
Kung tutuusin, si Isla lang naman talaga ang kailangang bumalik ng dorm at maghanda para sa panghapon naming klase dahil ang training uniform namin ang gamit nila sa ars.
The training uniform was provided by the academy and was used for our field training. The uniform consists of leather high-waisted black tight pants, a brown chest and arm gear worn over a white long-sleeved blouse, and a black leather knee-high boots.
Sa intellego naman ay hindi na kailangang magpalit ng uniform. Ang kaibahan lang, masyado kaming maraming inaaral kumpara sa kanila. Sila, ang mga pang-umagang courses lang ang inaalala dahil halos puro practical courses ang meron sila sa kanilang specialization. Their lectures lead to aggravating physical trainings. Kami naman ay may ilan pang courses na nadagdag sa loads namin kagaya ng strategy, medicine, and in depth context regarding Argus' economics and law.
Not that I'm complaining. I prefer on staying alive.
Habang inaayos ni Isla ang kanyang puting pang-itaas ay napansin ko ang mga pasa niya sa braso. Some are green, almost yellow, and purple.
BINABASA MO ANG
Argus: Angels and Crowns
FantasyFlight symbolizes the land of Argus. Among its citizens, the nephilims, their wings are their pride and glory. It serves as their difference from all the races of the supernatural realm. It signifies their strength, courage, and blood. It is their f...