Chapter 5: The Invitation
Aurora
"Sana hindi tayo maubusan ng upuan," nag-aalalang sambit ni Isla habang mabilis kaming naglalakad papuntang dining hall para kumain ng lunch dahil maghihiwalay na kami for our afternoon classes.
Morning classes are for the general courses like combat, weaponry, arithmetic, anatomy, history, and other primary courses while afternoon classes are for our specialization.
There are only two specializations for secondary education. These two are ars and intellego. Ars are for those who have interest in developing their physical prowess to serve their purpose in protecting Argus while intellego are for those who have interest in Argus' law, medicine, and strategic planning.
Choosing one's specialization is very crucial. Hindi lang dahil ito ang aaralin sa tatlong taon sa iyong secondary education kung hindi ito rin ang magiging pundasyon sa kung ano ang magiging hinaharap ng isang nephilim.
Privileged nephilims can choose whatever they like among the two while ordinary nephilims who passed the practical test of the entrance exam, like Isla, are automatically sorted in ars and those who passed the written exam, like me, are in intellego.
Kwento pa ni Isla, commoners like us who chose ars at Central Academy are often hired as palace knights who serve royal bloodlines.
Sobrang excited pa siya habang pinapaliwanag sa akin 'yon. Isla is very ambitious and hardworking. Proud ako sa kanya sa bagay na 'yon at wala akong planong idamay ang pinakamatalik kong kaibigan sa mga problema ko.
Kasalukuyang nagrereklamo si Isla sa specialization niya dahil puro pa rin daw sila on foot combat.
Maswerte ako't mukhang deprived din sa paglipad ang mga first year students. Binanggit sa amin na sa pangalawang taon pa mandatory maglabas ng aming mga pakpak dahil may general flight course doon, ngayong taon ay wala.
May isang taon pa ako para mag-isip ng paraan kung paano itatago ang mga pakpak ko. It might be finding something impossible that would hide the color of my wings o magdadrop ako. Panigurado, magdadrop ako.
"Aurora!" Isla shrieked. She's sitting in front of me on the other side of the table. Kumakain na kami ng aming lunch.
Tiningnan ko siya. She didn't have to overreact. Nag-space out lang naman ako sandali.
Pinanlakihan niya ako ng mata saka tumingin sa kanang bahagi ng table namin.
We were sitting at a two-chaired table beside the glass wall of the dining hall.
Nagtaka ako. She looks nervous and uncomfortable.
Sinundan ko ang tingin niya. What's the matter?
"Are you Aurora Yue?" Walang emosyong tanong ng isang matangkad na maputlang babaeng may kulay pulang buhok.
Tinitigan ko siya at sinubukang alalahanin.
"She's Aurora Yue." Biglang pagsasalita ni Isla habang tinuturo ako.
Mabilis na lumipat ang paningin ko mula sa babae papunta sa kaibigan ko. I can speak. Pero pinandilatan ako pabalik nito. Then she mouthed, 'ang tagal mo kasi sumagot'.
"Celeste," said the red-haired girl while rolling her light green eyes, "Asked for your presence at our table." Pagtatapos nito saka mabilis na naglakad pabalik sa kinauupuan niya.
Hindi man lang nito hinintay na makapag-react kami ni Isla.
Pagkaalis nito sa harapan namin ay napahinga na ang kaibigan ko. "Nakalimutan ko yata huminga," wala sa sarili nitong sambit habang mabilis na pinapaypayan ang mukha gamit ang kamay niya. Ngunit matapos din ang ilang segundo ay mabilis nitong itinuon sa akin ang atensyon. She looked at me with her wide brown eyes, "May hindi ka ba sinasabi sa akin? Parang noong nakaraan lang titig pa siya nang titig sayo ah!"
BINABASA MO ANG
Argus: Angels and Crowns
FantastikFlight symbolizes the land of Argus. Among its citizens, the nephilims, their wings are their pride and glory. It serves as their difference from all the races of the supernatural realm. It signifies their strength, courage, and blood. It is their f...