Chapter 36

1.4K 47 5
  • Dedicated kay Mara Lyka Tabuga
                                    

  " Jordan, do you like me to feed you? " tanong ko sakanya. Nasa ground floor kami ngayon at kumakain ng agahan. Napansin ko kasi na parang wala siyang gana. Kanina niya pa ako tinititigan habang lumalamon o di naman kaya'y tumitingin siya sa salaming dingding na nasa gilid namin. Naaawa ako sakanya.

    " Huh? " wala sa sarili niyang sabi.

    " Ayy wawa naman bebe ko, winasak ang puso. "biro ko dahil alam ko namang hindi niya iyon maiintindihan.

     " What? " kita mo? Hihi.

     " I said, you're statue there. . I thought you want to moving on? "

     " Yes. Im struggling . . "

     " Faster to eat, we will roller coaster the island before we go home. Dali! " maglilibot muna kami ng ilang oras saka na kami uuwi. Sayang na sayang naman kasi kung mai-ispoil nung pagrarambulan nila yung libre ko. Hindi pa naman ako masiyadong nakalibot dito at alam kong marami pang magagandang lugar dito na di ko pa napapasyalan.

    " Why are you sad? " nakasimangot rin na tanong ko sakanya. Naglalakad kami kahit saan tapos napapatingin sakanya ang mga babaeng madaanan namin. Napapansin kong  crush siya nung iba, naguguwapuhan yung karamihan  sakanya pero tignan mo, malungkot pa rin ang Dragon.  Ano pa bang gusto niya? Sambahin siya ng buong sanlibutan? Kailan pa siya naging golden buddha?!

    " Don't mind me. "

    " Pilosopo ka. Ang kulit mo, sabing hindi ako ang para sayo eh! Mine, mine ka riyan! " galit na sigaw ko.

   " Dopey. Dopey. Dopey. Just enjoy the fresh air while it's there. " nakasimangot pa ring sabi niya.

    Jusko! While it's there? Bakit? Mauubusan na ba ng hangin ang mundo? Aba! Sisimulan ko na ngang magsupot ng utot ko, extra supply ba! Aba mahirap na! Hahaha. So disgusty.

     " Jordan. Stop. " sabi ko na naman sakanya. Huminto ako sa harap niya at naka-stop sign din yung mga kamay ko. Nasa gilid kami ng dagat . Ambilis-bilis niya kasing maglakad tapos malungkot pa siya. Naaawa tuloy ako sakanya.

    Napaistop naman siya saka ibinulsa ang mga kamay sa kanyang bulsa. Napatitig ako ng mga sandaling iyon sakanya dahil inililipad pa ng hangin ang wavy niyang buhok at ang guwapo-guwapo niya talaga , mukha siyang model at artista.

     " What?" tanong niya. Pumuwesto ako ng napakaganda at . .

     " You know what to do with the big butt butt- wegol-wegol. Tenenet-neet-neet-net. Tenenet-neet-neet-net. Wegol-wegol. "

   " BWAHAHAHAHAHA! Stop that. " pero tuloy pa rin ako sa pagsayaw. Wala akong pakialam kung parehong kaliwa yung paa ko. At least marunong na akong mag-english. Atiris. Hahaha.

     " Wegol- wegol. . " kendeng ako ng kendeng. Tapos seryoso pa akong nakatingin sakanya. Tawa naman na siya nang tawa. Nang maramdaman ko na ang pagsumpong ng athritis ko, tumigil na ako.

    " Bwahahaha! Why did . .you do . .that?" nahihirapan pang sabi niya.

     " Because I want to make you smile. Kapag kasi nakikita kong malungkot ka, ewan ko ba, parang hindi ako mapakali, parang natitimang ako. " pag-amin ko naman, hindi naman niya naiintindihan.  Lumapit siya sa akin at siya'y tumingin nang diretso sa aking mga mata.

   " Thank you, Ana. Someday, I'll be the one to make you smile. "

   Oh kabayo. .

-------------------------------

   " Yup. What? Oh sorry 'bout that. Hmm. .yeah soon. Okay, bye. " tapos ibinaba niya na ang kanyang phone. Pauwi na kami ni Jordan at iyan ang nabungaran ko pagkagising ko. May kausap siya habang nagmamaneho at ako nama'y nasarapan sa pagtulog.

Don't English Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon