Chapter 24

1.8K 48 5
                                    

" OMG! Are we death?!" hesterikal with accent na sigaw ko. Heaven daw eh! Malay ko ba kung ibangga niya 'tong kotse niya para mamatay kami!

" Dopey. Hahaha. Just sit back and relax. We're close there. " nakangiting sabi niya.

Saan naman kaya kami pupunta? Iyan ang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa side mirror na bahagya pang naka-posing. Ay sheyt parang gumagawa lang ng music video! Gahahaha!

" Uy music naman. " sabi ko sakanya . Demanding lang. Hahaha. Binuksan naman niya yung stereo at nagpatugtog.

NP: Let it go ( Movie Version )

" Ayy favorite ko yan! " naexcite naman na sabi ko. Kakanta ako.

( ", )

" Snow balls wide on the mountain tonight, at the footprints to the sea. . "

Panimula ko at parang may narinig akong humagikgik. Lampake.

" A kingdom of aysoleyshion and its looks likes amaqueen.. "

Hik!

" The wind is crawling like a snowing snow insa-ayd. Kurinkipirin heaven knows I tried. . "

Hik!

" Don't let them in, don't let them out, be the good girl you always have to be. Confeel don't feel don't let them knooooow. . . Well now you knooooow. . . "

" Here comes the part. " may nagsalita. Lampake!

" Let it gooo. . Let it goo. . And asdfghhl ( hindi ko alam yung lyrics sa part na ito. ) that one shine. . Let it go. . Let it go. . The perfect ten is score. I don't care, I really don't care. . Let the snow rain snoooooooooow. . ! "

" The cold never bother me anyway. " tapos nagpose pa ako sabay bow.

" BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" may biglang tumawa ng malakas. Kami lang dalawa sa kotse kaya siya lang yun. Anong mali? Maganda naman yung kanta ah?

" Geeez. Hahahaha! Your. . Your lyrics! It's. . It's fuckin' hilarious! Hahaha. Plus. . Plus your voice! Hahaha. A perfect example of a great tandem. Hahahaha. " maluha-luhang sabi niya.

" Inggit ka lang. " mayabang na sabi ko sakanya. Wala naman talagang problema sa boses ko, nag-crack nga yung windshield eh!

After ng Frozen moment ay. .

" We're here. " sabi niya saka nauna na siyang bumaba. Ako naman ay hindi pa dahil hinihintay ko siyang pagbuksan ako pero ang Dragon! Nauna na sa paglakad.Ungentleman ang gago.

Kaya napilitan akong bumaba mula roon at nakisabay sakanya.

Heaven. . Bulalas ko pagkakita ko sa tanawin. .

Nandirito kami ngayon sa ELPADREA, isang sikat na tourist destination malapit sa aming lugar. Hindi ito resort, hindi rin ito zoo, isa itong garden na may restaurant, gift shop, souvenir shop, penshoppe at lahat na ng shop! Isama mo pa ang porkshop! Im funny myself!

v( ^. ^ ) Peace.

Pero ang pinakamaganda nitong parte ay ang torre. Isang napakalumang torre na kapag naabot mo ang tuktok nito ay isang napakagandang view ng dagat ang makikita mo. Napakaganda nitong pagmasdan lalo na kapag ganitong oras, ganitong papalubog na ang araw.

Sunset! Tama sunset!

" Tara na, doon tayo sa torre habang wala pang alasais! " excited na sabi ko. Tumakbo na ako papunta roon dahil medyo malayo-layo pa ang lokasyon nun. Sumunod naman siya.

Umakyat nga kami sa torre at pumuwesto sa eksaktong puwesto kung saan kami dating nagtatambay ni Ate Hail.

Ito yung meeting place namin kapag tumatakas kami kila Nanay. Dito siya nangarap. Dito rin ako pumunta noong. . noong nasaktan ako ni. . ni Glint. Maraming mga pangyayari ang nasaksihan ng torreng ito sa buhay ko. At ngayong kasama ko si Dragon. .

" This place is stunning. . " sabi niya habang hawak ang kanyang camera at panaka-nakang kumukuha ng litrato.

Ako naman ay pinagsawa ko ang aking mga mata sa dagat. Banayad ang pag-alpas nito at ang hangin ay tumatama sa aking mukha kaya napapapikit ako. Nakakamiss si Ate.

*Click*

Tumingin ako sakanya.

" Ops. Assum--" pinutol ko ang sasabihin niya.

" Ops ka rin. Oo, alam ko, hindi ako ang kinukuhanan mo. Dragon. " naiinis na sabi ko sakanya.

" Hey look at the sunset!" sigaw ko. Nakita ko itong papalubog na at napakaganda na ng kulay nito lalo na ang repleksyon nito sa dagat.

Lumapit ako sakanya dahil mas kitang-kita ang napakagandang view sa puwesto niya.

" It's beautiful. . " sabi ko ulit. Nakakamangha talaga.

" Yeah. It really is. . " sabi niya habang nakatingin sa akin? O assuming na naman ako?

" Uy let's take picture dali!" sabi ko na lang. Iniumang naman niya ang kanyang camera saka nang papalapit na ako sakanya ay naapakan ko ang letseng lubak na sahig doon at. . .

*Tsup*

o_O

o_O

o_O

God! Nahalikan niya tuloy ako sa noo at saka nag-flash yung camera! Haaay!

( o//.// o )

" Sorry. " sabi ko. Saka lumayo sakanya ng bahagya.

" No. It's okay. Look, it's cute." nakangiting sabi niya saka pinakita ang kuha namin.

Medyo gulat na nakatingala ako sakanya at nakasuporta naman ang dalawa kong kamay sa dibdib niya. Siya naman ay nakahalik sa noo ko at nakapikit habang nakangiti. Yung isang kamay niya'y nakahawak sa bewang ko at ang isa naman ay ang siyang kumuha ng picture sa amin. At ang background ha! Sunset! Sunset! Iyan yung kuha namin sa litrato!

Leandro, hindi ako nagtataksil .Huhuhu. Accident lang.

" How cute? Im badshot there! " inis na sabi ko na lamang sakanya. Pinisil naman niya ang ilong ko.

" Don't be mad, you look cute. " Don't be mad! Don't be--- Cute? Ako cute?

" Cute? Do I look like a bulldog?!" sigaw ko sakanya. Natawa naman siya.

" Lil' bit. Hahaha. "

" Lil' bit. Dragon! " singhal ko. Alam kong pulang-pula na ako dahil sa galit. Bakit nga ba ako nagagalit?

-------------------------------

" Ana, anong kiss ang pinakaimportante? Ang kiss sa cheeks? Kiss sa nose? O kiss sa lips?" biglang tanong ni Steph sa akin.

Nqpalingon ako sakanya, naudlot tuloy ang pagdo-drawing ko!

" Kiss sa feet! Lalo na kapag may alipunga tapos may---"

" Suntok, Ana? Gusto mo?! " nadidiring sabi nito sa akin.

Napatawa ako.

" Ano nga? Yung seryoso ah!"

" Hmm. . Para sa akin ay kiss sa noo. . " seryosong sabi ko.

" Bakit naman?"

" Kasi tapat ng noo ang utak. " dagdag ko.

" So?"

" Magkapatid sila. "sabi ko ulit at binatukan niya ako.

" Ano nga kasi? Shinishit talk mo naman ako eh!" sabi nito sa akin.

" Para sa akin kasi ay first kiss ko ang taong nakakiss sa akin sa noo. Kasi sabi ni Tatay, it's better to give than to receipt. Jokes." pagbawi ko dahil babatukan niya ulit ako.

" Sabi ni Tatay, kapag hinalikan ka sa noo, ibig sabihin ay may respeto siya sayo. Kaya isulat mo sa tubig, ang first kiss ni Ana ay ang lalakeng nakakiss sakanya sa noo. "

----------------------------

Tama! Yun ang ikinagagalit ko!

Dahil First kiss ko si Dragon at hindi si Leandro. Huhuhu.

----------------------------

Vote.Comment. Spread.

Don't English Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon