KASALUKUYANG NAGPAPAHINGA ngayon sina Azumi at ang iba pa sa paanan ng Mt. Olympus. Pagod pa kasi ang iba nilang mga kasama at dagdag pa rito ang kondisyon ni Eren na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
"Here you need this," sabi ni Kira ng ibinigay niya kay Inigo ang isang bottled water. Tinanggap naman iyon ng binata at pagkuwan ay nag pasalamat rito.
"How about you?" Inigo asked.
"Meron pa naman ako rito," she answered. "Madami-dami rin naman kasi dinala ko para mabigyan ko kayong lahat."
Nakita niyang tiningnan isa-isa ni Inigo ang mga kasamahan niya. "Bakit wala ako nung sa kanila?" Nahihimigan niya ang pagtatampo nito ng makita nitong wala siyang naibigay na pagkain rito.
"Ano kaba syempre meron ka din. Masyado ka namang atat," aniya at pagkuwan ay inilabas niya sa kaniyang storage ring ang isang baunan na may lamang pagkain.
Iniabot niya ito kay Inigo pero napansin niya na tila natigilan ito ng bahagya bago nito tinanggap ang pagkain.
"Thank you."
"You're welcome," aniya at pagkuwan ay tinalikuran ito para kamustahin naman ang iba pa.
Una niyang pinuntahan si Fumi na nakabantay kay Eren. Kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkayamot. Talagang wala pa ding progress sa dalawang to.
"Kamusta iyang pasyente mo?" agad niyang tanong kay Fumi.
"Patay na," anito na ikinatawa niya. Umupo na din siya sa tabi nito para may kasama naman ito.
"Hindi pa din kayo nag kakasundo?"
"Tsk. Never." And she understand her.
"How about you and Inigo?"Nagulat naman siya sa tanong nito. "Okay lang naman."
"Crush mo no?"
"What?" Hindi niya mapigilang mapasigaw sa sinabi nito. "Pinagsasabi mo diyan?" Nag-iwas siya ng tingin rito.
"Asus huwag ka ng mag deny. Alam ko sekreto mo."
Muli siyang napalingon rito. "Who told you that?"
"Secret," aniya at pagkuwan ay nag usisa muli. "Bakit hindi ka pa umamin sa kaniya?"
Bumuntong-hininga siya. "I don't have the courage to confess because I know that his heart already belong to that woman."
She's referring to Inigo's childhood sweetheart who died in the hand of dark mages. Alam ng lahat ang love story ng dalawa kaya wala ding naglalakas loob na mag-confess kay Inigo. Kasi sa bibig mismo ng Prinsipe nanggaling na kailanman ay hindi na siya mag mamahal muli.
"So how's your heart then?" tanong muli ni Fumi sa kaniya. "Paano mo naaatim na hindi magtapat sa kaniya lalo na at matagal-tagal mo din siyang nakasama?"
"I don't know. Siguro nasanay nalang din ako."
"Have you tried dating someone to you know...forget him?"
She nod. "I tried but still it didn't work. Mas nahirapan pa nga ako kasi pakiramdam ko naging selfish ako."
Inabot ni Fumi ang kamay niya at pinisil iyon. "Don't worry. Darating din ang araw na makaka-move on ka sa kaniya?"
"Sana nga," she said. "Anyways, maiwan muna kita dito. Kakausapin ko lang si Azumi."
Tumayo na siya at nagsimulang maglakad patungo sa direksyon ng kaniyang kaibigan ngunit nagulat nalang siya ng humarang si Inigo sa dinaraanan niya.
"B-Bakit?" nauutal niyang sabi.
"Ahmm...ibabalik ko lang to sayo," anito at pagkuwan ay inabot sa kaniya ang baunan.

BINABASA MO ANG
Goddess In Disguise (COMPLETED)
FantasyAzumi dream to have a normal life. A life that is far from what the Holy God had given to her. She is a Goddess. A high and mighty being who possessed great power, reputation and responsibilities. In pursuit of her dream, she pretends to be a norma...