Chapter 41

1.1K 37 2
                                    

HALOS KUYUGIN na si Azumi ng mga kaibigan nito pagkabalik niya sa Ospital. Nagkamalay na kasi ang mga ito at ang unang-una nilang hinanap ay siya. Tapos mas nawindang pa sila matapos nilang malaman na buntis siya.

"Bat mo sinuko ang bataan bes?" may pagka-OA na tanong ni Yumi sa kaniya.

"Akala ko strong. Marupok din naman pala," sabi naman ni Iris.

"Oo gwapo iyang si Supremo pero bakit bumigay ka kaagad Bes," dagdag naman ni Fumi habang halos mahilo na siya kakayugyog nito sa kaniya.

"Uy hinay-hinay lang kayo sa kakayugyog. Buntis iyang kaibigan niyo," pag-awat ni Dylan sa mga kaibigan niya.

"Heh! Tumahimik ka diyan!" singhal ni Yumi rito.

"Mahal." Biglang lumapit si Dylan kay Azalea at parang bata na humingi ng tulong rito. "Pagsabihan mo nga iyang kaibigan mo."

Inirapan naman ito ni Azalea at lumayo rito. "Huwag kang feeling close diyan. Pakialam ko naman kung awayin ka niyan."

Dylan pouted. "Pero diba mahal mo ko."

"Pinagsasabi mo diyan."

"Eh. Kunwari di niya alam."

"Shut up!"

Nahilot ni Azalea ang sintindo nito. "Sumasakit ulo ko sayo."

"Ikaw kasi pakipot kapa. Mahal mo naman ako."

Hindi na nakapagtimpi si Azalea at sinugod ito. Si Dylan naman ay kumaripas ng takbo palabas hanggang sa maghabulan ang mga ito sa labas.

"Tsk. Parang mga bata." Nailing na sabi nalang ni Azumi.

Inalalayan siya ni Mathew hanggang sa makaupo siya sa may kahabaang sofa. At kaagad ditong tumabi ang binata. He's become more caring and protective to him after she become pregnant.

"Supremo, alagaan mo iyang kaibigan namin ha?" Pagkausap ni Fumi sa prinsipe.

"I will," nakangiting saad naman ni Mathew rito. "Oh by the way, pakihanda na regalo niyo sa inaanak niyo."

"Tingnan mo to. Hindi pa lumalabas iyong Bata naninigurado na," Yumi commented.

"Bakit? Ayaw niyo?"

"May sinabi ba kami?" Yumi answered.

"Where is she?"

Napalingon naman sila sa kakarating lang nilang panauhin. It's Mathew's parents. At mukhang siya ang hinahanap nito.

Nakita niya kung paano nagliwanag ang mukha ng mga ito ng makita siya.

"Sinabi mo?" mahinang tanong niya kay Mathew na nasa tabi lang niya.

"Buong araw tayong magkasama Mahal. How can I do that?"

Tumayo si Mathew para salubungin ang mga magulang niya pero nilampasan lang siya ng mga ito at dumiretso kay Azumi. Mukhang may paborito na ang mga magulang niya at hindi na siya iyon.

"Ma, Pa, baka nakalimutan niyo na ako anak niyo," nagtatampo niyang saad sa mga ito.

"Tinakwil mo kami ng papa mo tapos magaganyan ka? Ayos ka din."

Natahimik nalang siya ng marinig iyon. Oo nga pala. Hindi pa pala sila nagkakaayos ng mga ito.

"Don't mind him Hon," sabi naman ng ama niya. "May apo na tayong pamalit sa kaniya."

Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso dahil hindi siya magpapatalo sa mga ito. "At baka nakalimutan niyo rin na wala kayong apo kapag hindi na ako ang anak niyo," panakot niya sa mga ito at napangisi nalang siya ng naging epektibo iyon sa kaniyang mga magulang.

Goddess In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon