Chapter 33

1.2K 30 0
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising sina Azumi, Yumi at Fumi para maghanda sa kanilang napag-usapang girl bonding. Kasalukuyan silang nasa dorm nila dahil sina Erika, Iris at Azalea ay sa mismong mall na daw didiretso. May gagawin pa daw kasi ang mga ito na importante bago ang bonding nila.

"Bes, napadala mo na ba iyong excuse letter natin?" Erika asked Azumi.

"Hindi pa," sagot niya. "Balak kung ipadala kay Mathew para tanggapin ni Ma'am iyong excuse letter."

"Nice." Binigyan siya ng dalawa ng thumbs up.

"So alam pala ni Supremo na mamamasyal lang tayo?" Fumi asked.

Umiling siya. "Mamaya ko palang sasabihin sa kaniya."

"What?" Nagulat ang dalawa sa sinabi niyang iyon.

"So may chance na hindi tayo payagan ni Supremo."

Tila pinagsakluban ng langit ang dalawa. Natawa lang siya habang nagsusuklay siya ng kaniyang buhok sa harap ng salamin.

"Papayag yun. Trust me," sabi niya rito at pagkuwan ay nagtungo na siya sa kaniyang closet para pumili ng maisusuot.

She choose an elegant red high-neck long sleeve mini dress that makes her so beautiful yet sexy looking. Hapit na hapit ang suot nito sa katawan niya kaya lumitaw din ang ka sexy-han niya. Hindi na din siya nag-abala na mag pusod kasi sa tingin niya naman ay magandang tingnan kapag nakalugay ang kaniyang buhok.

"Oh pak. Bongga ka day!" palatak ni Fumi habang gandang-ganda ito sa kaniya.

"Maglaway ka Supremo," sabi naman ni Yumi.

"Ang OA niyong dalawa," nasabi nalang niya sa mga ito. "Mas maganda kayo sa akin."

"Shut up. Alam namin na binobola mo lang kami," sabi ni Fumi at pagkuwan ay lumapit ito sa kaniya.

"Here." Inabot nito ang isang pulang lipstick. "Gamitin mo."

"What? Hindi ako naga-ganiyan?" Pagtanggi niya.

"Minsan lang to huwag kang KJ."

Wala na siyang nagawa kundi maglagay ng lipstick. Hindi pa ang mga ito nakuntento roon at nilgyan pa siya ng make up.

"Done."

Pag mulat ng kaniyang mga mata ay nagulat siya sa kaniyang nakita sa salamin. Ibang-iba ito sa Azumi na palagi niyang ipinapakita. That innocent-looking girl transforms into a matured sexy woman.

"Bakit pakiramdam ko ibubugaw niyo ko?" biro niya habang marahang hinahaplos ang kaniyang mukha.

"Gaga! Edi patay kami kay Supremo kapag ginawa namin iyan sayo," sagot naman ni Fumi na kaagad sinang-ayunan ni Yumi.

"Oh, I forgot your earings and boots."

Saglit na umalis si Fumi at bumalik na may dalang isang kulay itim na boots at isang hikaw.

Hindi na siya tumanggi baka biglang magtampo ito sa kaniya. Tumayo siya at pagkuwan ay naglakad-lakad na parang modelo.

"Perfect."

"It's a perfect 10 for me."

Natawa nalang siya dahil tila naging judge bigla ang dalawa.

"Eh ano pang hinihintay natin, pasko? Tara na!" Yumi said atsaka nauna na itong lumabas ng dorm habang silang dalawa ay nakasunod lang dito.

Habang naglalakad sila sa hallway ay pinagtitinginan sila ng lahat ng nakakasalubong sa kanila. Hindi rin nakaligtas sa kanilang pandinig ang bulongan ng mga ito.

Goddess In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon