IT'S BEEN A WEEK WEEK after they completed their mission at ngayon ay balik eskwela na muli sila dahil talagang tinotoo ni Mathew ang sinabi nito na walang vacation na reward para sa kanilang lahat.
Badtrip! Kaya heto sila, nasa dorm at nangangarap nalang ng gising. Damay talaga silang lahat dahil lang sa pagseselos ng kanilang pinakamamahal na Supremo.
"I miss baby Saffiro," Fumi said habang nakaupo ito sa sofa beside her and Yumi.
"Me too," Yumi seconded. "Kung pwede lang mag absent ng ilang araw at saglit na bumisita dun kina Cassian ginawa ko na eh."
"Hindi ko nga alam kung matutuwa ako na nagkaayos iyong mag-asawa o hindi eh."
"Baliw!" Naibato ni Yumi ng kinakain nitong tsitserya si Fumi dahil sa sinabi nito na kay dali lang nitong nailagan. "Hindi porket sawi ka sa pag-ibig, eh dapat ganun din sina Cassian at Saffire."
"Eh kasi naman hindi na sumama sa atin si Saffire."
Hindi na kasi natuloy ang napag-usapan nila na sa kanila muna tutuloy ang mag-ina.
"Parang gusto ko na tuloy magka-anak."
"What the hell!"
Naibuga ni Yumi ang juice na iniinom dahil sa sinabi nito.
"My God Fumi, talagang iyan pa talaga inuna mo eh boyfriend nga wala ka, anak pa kaya?"
"Eh sa ayokong mag boyfriend."
Na-trauma na ito dahil sa nangyari sa kakambal."Pwes mag-focus kanalang sa pag-aaral," pangangaral ni Yumi rito. "Gayahin mo itong si Azumi."
"Bat ako nasali sa usapan niyo?" tanong niya sa dalawa. Nanahimik na nga siya eh.
"Nerd yan eh," komento ni Fumi.
"At least maganda."
"Woah. Grabe ang lakas ng hangin," may pagka OA na sabi ni Yumi kahit ceiling fan lang naman meron sila dito sa sala.
"May ipo-ipo na."
"Ganiyan talaga kapag pumapag-ibig."
Inirapan niya lang ang mga ito kasi mga isip bata.
"Next Class natin ay History diba?" Pag-iba ni Yumi sa kanilang usapan.
"Oo,"sagot niya. "Kaya mag-aral na kayo."
Mahilig kasi magpa-recitation ang guro nila sa subject na iyon.
"Ayoko ng mag-aral diyan. Bored na bored na ako sa kakaaral tungkol sa History na iyan," nayayamot na wika ni Kira.
"Eh di huwag kang pumasok," sabi niya rito habang nakatuon ang kaniyang mga mata sa hawak niyang libro.
"As if kaya ko. Tita yun ni Supremo eh."
That's the main reason why they can't missed that class. Dahil ayaw na ayaw ng guro nilang iyon na tatamad-tamad sila sa klase nito.
Siya nga lang yata ang natatanging estudyante na nag-eenjoy sa klase nito.
Napatingin naman sila sa may pintuan ng bumukas iyon at pumasok roon sina Erika, Iris at Azalea.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Erika instantly asked bago ito naupo sa bakanteng upuan at sumunod rito sina Iris at Azalea.
"About our studies," Fumi answered. "Ayaw ko ng mag-aral."
"Uso mag drop," Iris suggested.
"Patay ako sa mama at Papa ko kung sakali na ginawa ko iyan."
"Gusto niyo hindi muna tayo pumasok bukas. Girl bonding muna tayo sa Magical Mall," suhestiyon ni Azalea sa kanila dahilan para mapatingin ang lahat sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Goddess In Disguise (COMPLETED)
FantasyAzumi dream to have a normal life. A life that is far from what the Holy God had given to her. She is a Goddess. A high and mighty being who possessed great power, reputation and responsibilities. In pursuit of her dream, she pretends to be a norma...