Chapter 12

2.1K 116 6
                                    




Napansin niyang kahit sa bungad palang papasok ng akademya maraming mga gwardiya at mga di kilalang mga tao na kahit unang tingin mo palang ay alam mong mataas ang posisyon nito sa loob ng Vintouso Academy.



Di maipagkakailang malakas ang impluwensya at ugnayan ng eskwelahang ito sa First Rate Kingdom sa Flanoria. Maraming mga eskwelahan dito pero nagmumukha lang silang ordinaryo kapag ikukumpara ito sa Vintouso Academy.

Maraming mga talentado dito at di mapagkakailang madaming mga pamilyang mas nakakaamgat sa kanya. Pero para sa kinabukasan at pamilya niya. Gagawin niya ang lahat.

Oras na ngayon para bumaba kaya pagkababa palang niya, maraming mga mata na nasa kanya nakatingin. Iba't ibang ekspresyon ang nakikita niya, may mga kinikilig na animo'y kiti-kiti, may parang nagsusungit, may umiirap, may parang natatawa, may nakangiti, may parang galit,  yung iba ay parang nalilito na di alam at yung iba parang tumingin lang na walang pakialam. Paiba-iba din eh.

Sa kabilang banda, dahil sa kagustuhan ng akademya ng Vintouso na ilipat agad si Evor dito ay pasok na agad siya sa loob ng Akademyang ito. Wala ng magagawa ang mga estudyante diti kahit na magreklamo sila. Na siya namang ikinagalit ng karamihan.


Ipinaalam na ito sa lahat noong nakaraang mga araw noong punayag si Evor. Naging matunog ang pangalan niya sa Vintouso Academy. kaya mayroong mga estudyanteng pasaway na hanap ang gulo o kaya ay may masamang hangarin na hamunin si Evor.

Ang magagawa nalang nila ay hamunin ito sa battle match at depende iyin mung papayag si Evor. Mayroon ding takot dahil sa malalaking tao sa likod ni Evor at mayroon ding pursigido na ipahiya nila si Evor para umalis na ito. Ayaw nilang may favoritism sila dito lalo na't alam nilang dapat maging patas sila sa lahat ng estudyante dito.



Ikinayamot nila iyon sapagkat si Evor palang ang kauna-unahang estudyanteng lumipat ng halos kalahati ng semestre. Kaya malamang may kapit ito sa nakakataas na paaralan ng Vintouso Academy. Ayaw man nilang isipin pero ganon talaga kaya karamihan ay may tampo at galit kay Evor.



Ngayon daw lilipat yung transferee galing sa Cadmus Academy kaya madami ding nag-aabang sa Entrance. Nakita nila ang magarang sasakyan na tanging mga espesyal na tao lamang kagaya ng mga may dugong bughaw o royal blood ang pwedeng sumakay, kaya naiinis yung karamihan, at mayroon ding namangha.

Maya-maya lamang ay nakita nilang lumabas na ang binata. Iba't ibang emosyon at ekspresyon ang makikita sa mata nila. Karamihan ay may nang uusisang tingin sapagkat parang ordinaryong tao lang ito kung papakiramdaman ang enerhiya sa katawan ng binata.


Pero sa Pisikal na katangian, taob lahat ng mga kalalakihan dito kaya mayroong mga babaeng parang  kiti- kiti kung makagalaw at halata sa mukha nila ang paghanga, pero dahil nga sa sobrang hina ng nararamdamang enerhiya ay may ibang kababaihang nawalan ng gana at yung iba naman okay lang daw basta gwapo.

(A/N: Iba din eh noh! Pakihinaan ng Electric fan)

Sa di malamang dahilan, mas marami na nabuhayan at nagkaroon ng lakas ng loob para hamunin si Evor.







Author's Note: Pakibasa nalang yung isa ko pang story, I don't know if mababasa niyo yun ngayon. Di ako sure ah pero nagandahan din ako dun hehe... Kayo na bahala whether you read it or not. Sorry sa matagal kong hindi pag update. Babawi ako

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon