EVOR POV:
Hi! Ako nga pala si Dion Claspior Lemnevor a.k.a. Evor na siyang palayaw ko na nakasanayan na rin. May kapangyarihan naman ako pero di ko muna sasabihin ngayon hahaha para surprise!;). Matalino at may itsura naman ako (A/N: Hangin nowadays,joke!!!) sabi ng mga nakakakilala sa akin. I'm 18 years old at sa Division of Delvoron ako nabibilang. Kahit na sinasabi nilang mahina, lampa at iba pang masasakit na deskripsyon ang sinasabi nila, binabalewala na namin iyon.
Ang division namin ay ang marami ding estudyante pero kunti lang ang umaangat sa aming hanay. Tinuturuan at dumadaan lahat ng Estudyante sa mga pagsubok na siyang mas magpapahasa ng aming natatanging kakayahan. May nagsusukat ng aming natatanging kakayahan, ito ay ang Lofver Device, kung saan may mga numero o bilang na nakaukit kung saan malalaman mo kung ilang porsyento na ang iyong ginaling. Hanggang 1000 percent ang numero at ang tanging gawain lamang ng device na ito ay upang malaman lang ang Level ng iyong kakayahan at hindi para mag-imbak ng enerhiya. Grabe talaga,
Magkokolehiyo na ako pero Level 178 palang ako samantalang ang mga ka-division ko Level 500 na kaya ako palaging pinakahuli at napag-iwanan sa amin. May naging bestfriend ako noon? Oo,noon kasi iniwan nila ako sa ere. Sila ay sina Touie Hernandez at Claude Feron. Si Touie ay isang Shadow Manipulator at si Claude ay isang Summoner na kayang mag-summon ng mga Legendary at Mythical Creatures. Level 815 na si Touie at si Claude ay Level 853 dahil sa mga angkin nilang kapangyarihan. Eh ako Nganga! Dahil sa mataas ang lebel ng kapangyarihan nila, lumaki ang ulo nila at iniwan nila ako without any word.
Ganyan naman halos ng mga estudyante dito, ito ay ang tinatawag na CRAB MENTALITY, mas kinakaibigan ang may mataas na Level para maging sikat din sila. Kahit payapa ang lugar dito sa Cadmus ay halos maraming mga estudyante sa ibat-ibang division na Famewhore at attention seeker, kaya nga iwas sila sa akin eh dahil sa Level ko dahil itinuturing ang lebel ko bilang mahina pero okay lang dahil natagpuan ko naman ang mga tunay kung mga kaibigan sila ay sina Christoff at Davis. Simula ng iniwan ako ng bestfriend ko noon ay na sina Touie at Claude ay sila na ang kasa-kasama ko sa lahat ng oras dito sa loob at labas man ng Academya. Nangako kami sa isa't-isa na kahit na anong mangyari ay walang iwanan at magbabago sa samahan namin. Si Christoff Harrison ay isang Vibranium Manipulator, which is known for the hardest and rarest metal kaya medyo popular din siya at Si Davis Lim ay Phoenix Summoner alam naman niyo na isang mythical creature ang phoenix kaya very powerful din ang sa kanya.
Ako naman? Hmm, sabi nila isa akong summoner, okay na sana yun eh pero sinabi nilang lampa at mahina, huhu… pero okay lang yun dahil dun nagsumikap akong mahasa pa ang aking abilidad. Ang totoo niyan ay hindi talaga summoner o upgrader ang tawag sa akin. Ewan ko ba pero kaya kung mag-evolve o mag-iba ng form kaso nga lang hanggang third form lang ako sa tuwing magtatawag ng mga mythical creatures, sapagkat nagkakaroon din ako ng ibayong lakas pero nanghihina din sapagkat hindi pa ganon kataas ang lebel ko. Kung makaabot ako ng level 50 ay mas nagiging malakas ako at matatawag ko na panibago kong Pet/Mythical Creature. Kaya simulan na natin ang aking adventures sa loob ng Cadmus Academy.
Davis Pov:
Hi, Ako nga pala si Davis Lim. Ako ay isang Phoenix Summoner. Hindi naman sa pagmamayabang pero malakas ang taglay kung mahika. Level 516 na ako. At ang kaibigan ko namang si Christoff na siyang isip-bata sa grupo namin. Kahit ganoon si Christoff ay malakas din siya sa katunayan ay Level 507 na samantalang si Evor naman ay ayon ganon pa din. Ewan ko ba pero sadyang makupad ang pagtaas ng level niya kaya nga halos lahat ay walang pumapansin pwera nalang sa amin.
Dito kasi sa Cadmus Academy ay di pinapansin ang mga mabababa ang Level dahil dito binabasehan akung malakas at makapangyarihan ka ba. Maiba tayo, palagi naming binabantayan at prinoprotektahan ang bestfriend naming si Evor sapagkat palaging target ng taga-ibang division ang mababa ang lebel.
Kaya nga kung magti-training kami ay sinasama namin siya para naman tumaas man lang ang kanyang lebel kaso ang bagal talaga ng pagpapalebel niya. Nangako naman kami na walang iwanan sa aming tatlo dahil napamahal at napalapit na din ako sa mga bestfriend kong mga yan kahit na makukulit lalo na si Christoff. Kaso nga lang parang hindi na namin mapoprotektahan si Evor kahit na mahigpit na utos yun ng Headmaster.
Ang pinoproblema ko lang ay ang mga ka-Class namin dahil may sarili rin kaming rule at bilang miyembro ng Class namin, bawal naming kalabanin ang ka-Class namin.
BINABASA MO ANG
Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1
ФэнтезиSi Dion Claspior Lemnevor aka Evor ay isang pambihirang summoner na gustong tuklasin ang kanyang tootong katauhan. Mahahanap niya kaya ang sagot sa kanyang tanong kahit na walang kasiguraduhan o mananatili na lamang siyang parang bulag at uhaw sa k...