Nagtapos ang Trial ng Faction Selection. Marami ang natuwa at mayroong ding hindi. Natuwa ang iba dahil kahit papaano ay may kaibigan pa rin silang kasa-kasama sa Faction na kanilang kinabibilangan ngayon at may matatanggap pa silang karagdagang benepisyo lalo pa't mga bagong miyembro sila ng bawat faction at siguradong makukuha nila ang suporta ng mga Opisyales kaya obligado din silang sumunod sa batas at mga panuntunan ng Faction.Ang iba naman ay dismayado sa resulta sapagkat nagkawatak-watak sila at yung iba naman ay nanlumo sapagkat hindi umayon ang resulta ng Trial dahil hindi nila naabot ang inaasam nilang pangarap na maging miyembro ng dalawang hinahangaan nilang Factions at minabuti nilang manahimik nalang sapagkat walang dahilan upang sila ay magprotesta o pumili ng Faction na gusto nila. May patakaran ang bawat faction at walang mali sa naging resulta ukol dito. Kapag kinuwestyon nila ang naging resulta ay nangangahulugan lamang na hinahamon nila ang mga Opisyales ng Akademyang ito lalo na ang Founder nito. Kahit ganoon ay naging mabuti naman ang pakiramdam nila lalo pa't may kanya-kanya na silang Faction at hindi sila nabilang sa pagiging Factionless. Alam nilang mas malala ang kakahantungan nilang kalagayan.
Nasa pangalawang baitang na sila ng Kolehiyo kung saan obligado ang pagpili para sa magandang kinabukasan nila at mas naging masaya ang iba dahil sa magandang kapalarang naghihintay sa kanila lalo pa't yung ibang estudyante ay naging mapalad lalo pa't nabilang sila sa una at pangalawang mga Faction ng Vintouso Academy, yun ay ang Faction Nemesis at Faction Antropolis. Dahil sa likas na madaming benepisyo ang matatanggap at sigurado na ang kanilang napakagandang kapalaran idagdag pa ang pagkakaroon ng magandang backgrounds na binabase ukol kung saan dapat na magiging trabaho sa hinaharap.
Ang mga miyembro ng Factionless ay umabot sa labintatlong mga estudyante kabilang na dito si Evor.
Samantala, ang mga Factionless naman ay walang kaalam-alam na mangyayari sa hinaharap lalo pa't wala silang kinabibilangang faction. Kahit na ang ibang mga miyembro na mga kapwa-estudyante ay hindi alam ang mangyayari sa kanilang hinaharap. Pawang Misteryo parin sa kanila kung bakit naging ganoon ang naging kapalaran nila.
Sa Trial na iyon ang magdedesiyon sa magiging kapalaran ng bawat isa kaya marami ang sobrang nanlumo at yung iba ay di mapiling umiyak, malungkot at parang pinagbagsakang ng tipak ng semento at mga bato. Hindi nila mapigilang manghina dahil sa tanging benepisyo nila ay ang maging malaya o tinatawag na independent people. Kalayaan? Yan lang ang naiisip nilang benepisyo lalo pa't wala silang naririnig na haka-haka ukol sa pagiging Factionless. Sinasabi ng karamihan na wala silang nakitang naging miyembro ng Factionless Kaya't hindi maisip ng mga Factionless Student na kilabutan at pangambahan dahil sa nalilikha ng malikot nilang imahinasyon ukol dito. Nahintatakutan ang iba lalo pa't wala na silang maaasahan sa mga naging kaibigan nila. Yung iba nilang kaibigan na itinuring na nilang pamilya dito sa loob ng Akademya ay nagkaroon ng iba't- ibang emosyon na kung saan ay nalungkot na wari'y nakikiramay, may nasiyahan pa na wari mo'y hindi sila kilala at naging estrangho na sa kasalukuyan, yung iba nama'y may mapanuya at mapangkutyang tingin na parang ipinapaalala sa iyong hindi kana matatawag na isang kaibigan.
Maraming miyembro ang wari'y natauhan sa mga nangyayari sa ngayon at naging bukas ang kamalayan nila ukol dito. Yung iba ay inaasahan na nila ito pero karamihan sa kanila ay nasaktan at patuloy na nanlumo dahil sa kawalan ng pag-asa sa naghihintay nilang kapalaran sa hinaharap. Kahit ganoon ay marami silang natutunan, na hindi lahat ay totoong kaibigan, na hindi lahat ay dadamayan ka, naniwala sila sa minsa'y naging pangako ng kanilang tinuring na totoong kaibigan. Masasabi mong wala na.
Kahit na alam nilang darating ang panahong ito na wari'y isang malaking at walang hanggang mga pader na pilit na naglalayo sa kanila. Alam nilang Factions ay may mga sinusunod na mga batas at mga alituntuning bawal labagin na magdudulot lamang ng mga suliraning ikakawasak lamang ng pundasyon ng bawat isa na ang malala ay ikaaalis nila at baka mawalan sila ng karapatan ngayon pati narin sa hinaharap. Karamihan sa mga tinuring nilang kaibigan at naging parang kapatid ay may mapanuyang tingin ay hindi nila mapigilang magalit sa kaloob-looban nila kahit na gusto nilang ilabas ang galit nila ay hindi pwede lalo pa at hindi nila alam ang naghihintay sa kanila o talaga bang walang naghihintay sa kanila? Ipinapaubaya na nila ang lahat na ito sa diyos na makapangyarihan sa lahat.
Matapos ng maalab at masakit na pangyayaring ito ay pilit nilang nilabanan ang mapait na katotohanang ito, na tatatak sa puso't- isip ng bawat isa. Ayaw nilang mag-isip pa, pinangako nila sa kanilang sarili na maging matatag, ano pa't tinawag silang Factionless na nangangahulugang Independent People. Hindi pa nila alam ang katangian ng Isang Factionless. Hindi na muna nils iniisip ang bagay na ito bagkus ay kailangan nila ng pahinga para sa araw na ito. Kung ano man ang naghihintay sa kanila bukas o sa mga susunod na araw ay kanila na lamang itong susundin at sisikaping tahakin ang naghihintay sa kanila, mabuti man o masama. Sa huli, bilang Factionless, karapatan mong pumili at magdedesiyon ukol sa gusto mo. Ito lang pangunahing alam nila.
Matapos ang pangyayari makalipas lang ng ilang oras ay naging mahinahon ang kanilang pag-iisip. Inilibot ng bawat miyembro ang kanilang paningin at nakita nila ang walang emosyong si Evor. Hindi mo mababakasan ng kahit na anong pangamba o anumang emosyon sa mukha o sa pares ng kaniyang naggagandahang itim na itim na mata.
Kahit sa kilos ay masasabi mong wala siyang iniindang kabalisahan man lang. Bawat galaw ay kalmado lamang na nakatingin sa malayo na wari mo'y walang iniisip na problema na labis na hinahangaan ng karamihang miyembro ng Factionless. Dahil dito ay nabuhayan sila ng loob. Iniisip nilang nakit sila mamomroblema kung independent student sila. Ano naman ngayon? Sila ang gagawa ng daan na tatahakin nila, wala silang aatrasan o tatakasan man lang na problema.
Ang nakitang katangian ng maraming Factionless students kay Evor ay isang halimbawa ng pagiging kalmado sa bagay-bagay. Nasiyahan sila sapagkat makikita mong walang alalahanin sa kung anong gawin mo. Walang rules, walang problema. Ito ang nagbukas sa kamalayan ng bawat isa. Nagkaroon ng pag-alab sa kanilang mga puso nila na wari'y tumutupok sa lahat ng mga naging alalahanin at pangamba nila. Si Evor ang naging daan upang mabuhayan sila ng loob. Kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan nila ay misteryo pa pero sa ngayon, hindi na muna nila alalahanin pa.
BINABASA MO ANG
Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1
FantasiSi Dion Claspior Lemnevor aka Evor ay isang pambihirang summoner na gustong tuklasin ang kanyang tootong katauhan. Mahahanap niya kaya ang sagot sa kanyang tanong kahit na walang kasiguraduhan o mananatili na lamang siyang parang bulag at uhaw sa k...