Chapter 29: WAKAS

2.4K 98 4
                                    

Lahat ng nangyari noon maging ngayon, masama man o mabuti, isa na lamang magandang alaala sa isipan ni Evor mula ngayon. Sa huling sandali niya bago lumisan sa kontinenteng ito kung saan ay naging tahanan niya maging ang mga taong naninirahan dito. Hindi niya lubos maisip na natapos na ang kaniyang oras na ginugol sa paglalakbay kung saan namulat ang kanyang kaisipan, natutong magsalita, maglakad, at kung saan sinubok ang kanyang katatagan at sariling abilidad upang ipaglaban ang sariling karapatan at tulungan ang mga taong nangangailangan upang ibigay ang nararapat na katarungan.

Umihip ng malakas na hangin kung saan ay inilipad nito ang mga gahiblang buhok ni Evor. Sinasariwa niya ang lahat ng nangyari sa kaniya. Itinatatak ang bawat karanasan sa kanyang puso't-isipan. Kailangan niya ng lumisan sa madaling panahon kung saan kahit pilitin niya mang huwag umalis ngunit ang kanyang paglalakbay ay alam niyang malayo pa ang tatahakin. Kumbaga sa mahabang hagdan ay isa apak pa lamang siya sa hindi mabilang ng tapakan at ilang baitang ng hagdan.

Hindi pa dito natatapos ang kanyang paglalakbay. Yan ang nakatatak sa isipan niya. Kung saan man siya dadalhin ng tadhana ay alam niyang malayo, sobrang malayo pa.

...

Unti-unting lumapag ang dambuhalang ibon sa harap mismo ng binatana hudyat sa binata upang lisanin na ang lugar na ito lalo pa't wala ng oras na natitira sa kanya.

Agad na sinundan ni Evor ang napakalaking ibon na ito patungo sa malayong parte ng kalangitan malayo sa lugar kung saan naganap ang digmaan kani-kanina lamang.

Nakarating sila ni Evor at Phoenuro sa napakataas na parte ng himpapawid na kung saan matiyaga silang hinihintay ng tatlo pang mga  nilalang. Walang iba kundi ang tatlong nangangalaga sa binata. Walang iba kundi si Nescafra, Kreio at ng dambuhalang kulay abong dragon. Makikita ang napakaling Magic Circle na kulay puti na naglalabas ng puting liwanag na animo'y isang napakapurong enerhiya. Alam ni Evor ito na lubos niyang ikinabahala at ikinalulungkot.

Ba--bakit, a-n--nno to--? Ngayon na ba ang araw na ito? Makikitaan mo ng lungkot sa boses ni Evor maging ang mata nito ay nawalan ng buhay.

"Oo, ngayon na ang araw na ito Evor, sa iyo nakasalalay ang buhay ng lahat ng nilalang maging namin. Kahit na hindi kami sigurado sa anong kayang gawin ng nilalang na iyon, sinasabi ko sayo Evor, hindi siya basta-bastang nilalang lamang." mababakasan ng tono nito ng lungkot maging ng babala kay Evor.

Totoo ang lahat ng sinasabi ni Nescafra. Ang kasalukuyang lakas ni Evor ay walamg magagawa sa nilalang na iyon. Alam nilsng may kaugnayan iyon sa magulang ng binatang ito. Sobrang lungkot ng nadarama niya maging ng tatlo pang nilalang na sina Kreio, ng dragon at ni Phoenuro. Ngunit mahina sila, napakahina. Iyon lamang ang masasabi nila.

...

Ilang sandali pa ay natapos ang nasabing pag-uusap nila upang magpaalam sa isa't-isa. Msy lungkot man ngunit ito ang makabubuting gawin nila. Hindi nila maaaring limitahan o itigil ang paglalakbay ng binata. Ang binatang naging parang sarili nilang anak, kapatid o kaibigan. Nakikita nila sa mata ng binata ang saya, ang lungkot dahil unti-unti ng nauubos ang oras nila o mas mabuting sabihin na baka hindi na sila magkikitan muli.

Sa maikling oras na ito ay hindi nagkaroon ng kaunting galit ang binata sa kanyang mga alagang mga makapangyarihang nilalang. Bagkos ay nagpapasalamat siya sa lahat ng mga naitulong nila na lubos na nagpainit ng damdamin ng apat na nilalang. Kahit na hindi nagsasalita ang dragon at ang Phoenix ay kakikitaan ang kanilang mga ekspresyon ng emosyon hindi bilang isang hayop kundi isang nilalang na may emosyon at pag-unawa.

Unti-unting pumasok si Evor sa gitnang bahagi ng Magic Circle upang magawa ang huling Ritwal ng pagpapawalang bisa ng kontrata ng apat na nilalang na nasa kanyang harapan na nakapalibot sa kanya.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon