Nasa park ako ngayon hinihintay si Gilbert. 5th year anniversary namin ngayon at naisipan ko siyang e surprise.
Nagsout ako ng white dress at doll shoes na itim. Nag lipstick na rin ako at nag-ayos ng buhok.
Mahigpit kong hinawakan ang itim na rectangular box na may lamang pregnancy test. Dito ko naisipang e meet up siya dahil dito nagsimula ang lahat.
Marahang umiihip ang malamig na hangin. Biglaang nag ring ang cellphone ko at sinagot ko naman agad nung nakita kong si Gilbert ito.
"Hello babe? Nasan ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Sorry babe ah? Traffic eh pero nasa may eskinita na ako babe malapit na ako. 2 minutes babe." masuyo niyang sabi.
"Ayos lamg babe. May surprise ako sayo babe."
"Ano un babe? Ako din may surprise sayo eh. Pagdating ko dyan magugulat ka talaga."
"Promise yan ha magugulat ako? Ikaw rin babe magugulat rin naman sa surprise ko" nakangiti kong sabi.
Pero agad din akong nakarinig ng mahabang busina ng sasakyan at ang pagmura niya.
Naputol ang linya at nung tinatawagan ko siya ay hindi ko na siya ma kontak pa. Nanginginig na ako at nagulat nung narinig kong may nabasag na bagay sa may likuran ko.
Lumipas ang kinse minutos ay wala paring Gilbert na dumarating.
"Love nasaan ka na? Love naman ang tagal mo. Naiinip na kami ni baby." kausap ko sa sarili ko.
Tumalikod ako at nakita ang isang matanda na babaeng naka itim.
Nilahad niya ang kamay niya saakin at sinabing.
"Akin na ang kamay mo ijha. Huhulaan kita. Wag kang mag-alala libre ito."
Nilahad ko naman ang kamay ko dahil hindi naman nakakagambala ang itsura niya.
"Ika'y maghihinagpis sa sakit ng pagkawala. Mawawala siya sayo ijha. Pero ang bunga ng inyong pag-iibigan ang siyang magpapa-alala sayo sa inyong masasayang karansan."
"A-Ano po ba ang ibig niyong sabih-----" naputol ang sasabihin ko nung nag-ring ang cellphone ko at nakita ko na mama ni Gilbert ang tumatawag.
Kinakabahan ako kanina pa at ngayon ay naging triple ang tibok ng puso ko! Para itong sasabog. Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag.
"Hello? Tita?" bungad ko sa kaniya.
"ijha... Naaksidente si Gilbert at ngayon ay papnuta na kaming ospital." umiiyak na sabi ni tita.
Gusto kong matumba bigla at nung tumingin ako sa paligid ko wala na ung matandang nakausap ko.
"T-tita? Saang ospital tita?" umiiyak kong sabi.
Grabeh na ang hagulgol ko nung nasa taxi na ako hanggang sa makapunta ako sa ospital na sinasabi ni tita.
Pagkarating ko doon ay sumalubong saakin si tita na luhaan at si tito rin na nag-a-assist kay tita.
"Tita! Tito, nasaan po si Gilbert? Tita is he safe? Kamusta po? Ano po ba ang nangyari? Bakit sinugod siya sa ospital biglaan tita?" sunod na sunod kong tanong.
Kinakabahan talaga ako dahil sa sinabi ng matandang babae kanina saakin.
"Ijha..." hindi matuloy ni tita ang sasabihin niya dahil humagulgol na naman siya ng iyak.
"Jane... I'm sorry to say this to you kahit pa maselan ang kalagayan mo... Gilbert is dead Jane. He passed away 2 minutes ago." Adrian ang sumagot.
Kapatid siya ni Gilbert at dahil sa sinabi niya para akong binambo ng isang libong beses.
"WHAT!? Adrian wag ka magbiro ng ganiyan! Nasaan ba si Gilbert? Ang sabi niya pa saakin may surprise siya! Asan na siya!?" nagawa ko pang sumigaw sa estado kong walang tigil na umiiyak.
Lumipas ang tatlong araw at libing na niya ngayon. Pinakasalan ko si Gilbert kahit patay na siya.
Dapat buhay at nakangiti ka babe nung araw ng kasal natin! Tang ina mo iniwan mo ako! Masakit na masakit babe. Bakit? Sabi ko sa utak ko.
"Oo may surpresa siya para sayo. Nung araw na iyon. Magpro-propose siya sayo dahil alam niyang buntis ka. Nahahalata niya sa mga kilos mo" sabi ni Adrian.
"ganun naman palagi. Nauuna niya pang malaman kesa saakin." mapait akong ngumiti.
After five years lumaki si Yhuan kasama ako at ang tinuturing niyang daddy na si Adrian ang kapatid ni Gilbert.
"Mommy why not accept the marriage proposal of daddy?" tanong saakin ng anak ko.
Kamukhang kamukha niya ang daddy niya at hindi ko mapigilang maluha. Naalala ko na naman kung oaano ako naka-usad sa tulong ni Adrian. At ngayon ay magkasintahan na kami ng dalawang taon.
" Alam mo naman diba Yhuan na kasal kami ng daddy Gilbert mo?"
"Yes mommy pero alam ko mas sasaya si daddy kung magiging totoo ka sa sarili mo mommy. I know you already love daddy Adrian more than daddy and I bet daddy is happy with that because there is going to be someone whom you can spend your lifetime with."
Nanout at napaiyak ako sa sinabi ng anak ko. Matalino siya gaya ng ama niya at kuhang kuha niya ng ugali at mga gusto nito. Para siyang batang bersyon ng ama niya.
"I love you mommy and I am happy that you are keeping your promise to dad. But mom I will be much happier if you will free yourself" malungkot siyang ngumiti saakin.
"wag mong hintayin mommy na pagsisisihan mong hindi mo binigyan ng chance ang sarili mo maging totoong masaya at malaya."
-Clgns.Mdevl
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryCompilation of One Shot Stories By Cyd or -ChaseYourDreams- ❤️✨