Umuulan ng malakas. Basa isang waiting shed lang ako nakatambay hanggang sa tumila ang ulan. Wala akong dala na payong kaya naman ay wala akong choice kun'di ang maghintay.
Biglaang may dumating na lalaki. Basang basa siya ng ulan at napatingin ako sa kaniya. Hindi siya gwapo pero hindi rin siya panget. Bale in between lang siya sa dalawa.
May tricycle na dumaan. At tinanong kami.
"ijha, ijho sasakay ba kayo? Saan ba kayo?" tanong ni manong.
"San Luis po ako manong" sagot ng lalaki.
"San Luis rin po ako" sagot ko naman kay manong.
Mauuna na sana akong maglakad nung biglang may panyo na nakapatong na ngayon sa ulo ko.
"tara" sabi ng lalaki.
Wala akong ibang nagawa kun'di ang magpaubaya sa kaniya. Nauna pa talaga akong pumasok.
Na antig ang damdamin ko dahil hindi ko inaakalang may ganitong type pa pala ng lalaki na nag e-exist.
"Uh... Sana hindi mo nalang un ginawa ikaw tuloy ang nabasa sa ulan." nahihiya kong sabi.
"wala un. Gusto lang kitang protektahan. Mahirap makasakit lalo na pag top student diba?" nagulat ako sa sinabi niya.
"paano mo nalaman?"
"you are the stereotype of nerd. Pero hindi naman ibig sabihin nun hindi na kita makikilala. Ikaw ang tumulong saakin noon diba?"
"tumulong?" naguguluhan kong tanong.
"ikaw ung nagturo saakin nung nag-e-exam ako sa labas ng classroom namin two years ago."
Nanlaki ang mga mata ko nung ma realize ko na siya pala ang lalaki na tinulungan ko sa lahat ng subjects! Siya lang kasi mag-isang nag-e-exam noon at naawa ako sa kaniya.
"I'm Lester by the way." sabay lahad niya ng kamay.
"I'm Soliel. Nice to meet you Lester and thank you for your generosity" nakangiting sabi ko sa kaniya.
"No problem. Basta ba ikaw."
At doon ako napatitig sa kaniya.
After months naging close na kami ni Lester at naka pag total makeover na rin ako sa tulong ng ate niyang si ate Lassia.
Si ate Lassia talaga ang total push saakin para mag makeover at eto na akong ngayon isang sikat na estudyante sa boung campus.
Marami na ring nagtangkang manligaw saakin pero lahat ay binabasted ko dahil may boyfriend na ako at si Lester iyon.
Biglaang lumapit saakin si Kiela. Ang kaklase ko sa history.
"Alagaan mo siya ha? Mahal na mahal ko yan pero too late na nung na realize ko. I wish you both all the best. Kung hindi lang siguro ako naging duwag ay sana nalaman niya ang nararamdaman ko."
"bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo ngayon? Kiela mag bestfriend kayong dalawa maiintindihan ka niya."
"para saan pa? Aalis na rin naman ako papuntang States kaya wala na iyong silbi. Nakapagpaalam na rin ako sa kaniya. Magpapa-alam na rin ako sayo. Bye Soliel. I'm happy for you both. And I love you both. Thank you for comming into my life."
Makalipas ang ilang araw nakatanggap kami ng balita na pumanaw si Kiela dahil sa allergy niya sa alcohol. Hindi niya daw iyon alam sabi ng pamilya niya at nung naparami ang inom niy for the first time ay biglaang umatake ang allergy niya at isinugod siya sa ospital.
Dead on arrival siya at nagulat ako nung may binigay na sulat ang mama niya saakin.
"mahal na mahal niya kayong dalawa"
'Dear Soliel and Lester,
Alam ko sa mga oras na ito ay wala na ako. Malamang alam niyo narin ang dulot ng pagkamatay ko. Ang gusto ko lang sabihin sa inyo ay maging masaya kayong dalawa. Wag niyo pabababyaan ang isa't isa ah? Mumultuhin ko talaga kayo.
Gusto ko ring sabihin na hindi na kayo mamro-mroblema sa donor. Willing akong e-donate and Liver ko sayo Soliel at ang puso ko naman kay Lester. Alam kong hindi niyo kayang sabihin sa isa't isa ang mga sakit ninyo pero huwag niyong hayaan maging huli na ang lahat.
Sa kakatago niyo sa katotohanan mas lalo niyo lang ginagawang kawawa ang sarili niyo. I hope pagkatapos niyo itong basahin ay gagawa na kayo ng paraan para malunasan iyang mga sakit niyo.
Si tita Saliene at tito Derik ay matutuwa pag pumayag kang magpa-opera Soliel. Si tita Lancy at tito Vermin ay magiging masaya pag nagpa-opera ka Lester.
Make them happy guys. I love you and goodbye.
Kiela Suarez,
Te amo'"nagpapasalamat rin kaming dumating ka sa buhay namin Kiela. Tingnan mo ngayon healthy na kaming dalawa at nagpapasalamat din si Grianne at Gerome sayo. Mahal na mahal ka din ng mga anak namin."
"we love you tita and thank you"
"yes tita thank you for everything."Sabay na sabi ng kambal namin ni Lester.
Napaiyak nalang ako sa nakikita ko. Biglaan ko naman naramdaman ang yakap ni Lester saakin mula sa likuran.
"I love you my"
"I love you too dy"-Clgns.Mdevl
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryCompilation of One Shot Stories By Cyd or -ChaseYourDreams- ❤️✨