IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 8
--
Hindi na nagulat si Mico habang pababa ng
hagdan nang mabungaran niya ang ama sa salas
na nagpapahinga. Alam niya bagong dating lang
ito. Hindi na siya nag-abalang batiin ang ama
dahil nakapikit naman ito habang nakasandal sa
sofa. Nagtuloy-tuloy lang siya sa dining room
para mag-almusal. Doon ay naabutan niya ang
kasam-bahay na si Saneng.
"Ate anong oras dumating si Dad?" tanong niya
sa kasam-bahay na kasalukuyang naglalatag ng
plato sa lamesa nang makita siya.
"Kararating lang ni Sir Dino." sagot ni Saneng at
tinanaw pa nito ang wallclock na balak sanang
sabihin ang eksatong oras ng pagdating.
"Ganoon ba? So, hindi pa siya kumakain?"
"Ganoon na nga Mico."
"Tingin mo kakain yun?" tanong niya. Ayaw kasi
niyang maka-sabay ang ama baka hindi kasi
maging maganda ang pakiramdam niya at
mawalan ng gana kapag nagkaroon ng
katahimikang walang imikan. Lagi naman kasing
ganoon ang eksena. Nahihirapan siyang kumain
kapag tunog lang ng kubyertos at plato ang
naririnig sa hapag-kainan. Kulang na lang pati
ang pag-nguya ng pagkain ay marinig.
"Oo Mico, kasi siya ang nagpahanda nito."
itinuro ni Saneng ang niluto na nasa hapag-
kainan na.
Saka lang niya napansin. Napa-oo nga siya sa
sarili niya ng makitang marami ang nakahain.
Tamang-tama sa may bisita. Napa buntong
hininga na lang siya dahil pagkadismaya.
"So ibig sabihin, kailangan ko pa silang
hintayin." nasabi niya sa kawalan.
Narinig ni Mico ang yabag ng paa pababa sa
hagdan. Naisip niyang malamang ang kanyang
ina iyon. Narinig nga niyang ginising ng ina ang
ama at niyaya nitong dumulog na sa hapag-
kainan para makapag-almusal. Maya-maya lang
ay narinig na nya ang yabag papalapit sa
kinaroroonan niya.
"Good morning Ma, Dad." bati ni Mico habang
hinihila ang upuan na para puwestuhan niya.
"Good morning." nakangiting bati ni Laila.
Pero gaya ng inaasahan ni Mico walang
reaksyon ang ama. Hinayaan na niya at maingat
na umupo. Ayaw niya maka-gawa ng kahit
kaunting ingay.
Maya-maya pa ay pare-pareho na silang