Note: vote and comment po :))
--
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 11
Posted by (ash)
"Babalik na po ako." paalam ni Mico kay tita
Divina.
"Sige Mico. Bukas uli."
"Tita naman eh."
"Basta. Para lagi kang pumupunta dito. Atlist
may alibi tayo di ba?" sabay tawa ni Divina.
Natawa rin si Mico. "Oo nga po noh." sang-
ayon niya. Tatalikod na sana si Mico.
"Sandali Mico." si Ivan.
Nagulat siya nang tawagin siya ni Ivan. "B-
bakit?"
"Mmm wala naman." sabay ngiti ni Ivan. Sa
totoo lang nahiya si Ivan na magtanong.
"Ano kaya iyon? Sige na alis na ako. Teka,
infairness ah, ikaw ang tumawag sa akin. May
bago." natawa si Mico. "Tatandaan ko ang araw
na ito."
"Teka." pigil uli ni Ivan.
Nagsalita si Divina. "Pangalawa na iyan Ivan?"
Napakamot sa ulo si Ivan. "Tatanong ko lang
kung galit ba kanina si tito Dino."
Na-get ni Mico ang ibig sabihin ni Ivan. Alam
niyang ang tinutukoy nito ay noong
nagmamadaling umalis ito. Nagtaka tuloy siya
kung anong nangyari sa pag-uusap nila o ano
ang napag-usapan nila. "Hindi naman. Bakit?
Anong meron?" takang tanong niya.
"Ah wala naman. Sige. Ingat ka sa pag-uwi."
"Ganoon? Pero gamay ko na rin ang daan pauwi
tulad sa paghakbang mo sa hagdan niyo." sabay
tawa si Mico.
Nangiti na lang si Ivan nang maalala ang ibig
sabihin ni Mico sa mga sinabi nito.
Umalis na si Mico saka nagsalita si Divina sa
anak. "Bakit mo ba tinatanong kung galit ang
ama niya? Hindi ba nagustuhan ang luto ko?"
"Ay hindi po dahil doon." sagot agad ni Ivan.
"Eh ano ang dahilan?"
"Kasi kanina po nakausap ko uli si tito Dino.
Sinabi kong hindi ko po magagawang kaibiganin
si Mico para sa gusto niya."
"Oh ano ang sagot niya?" nagulat si Divina sa
ipinahayag ng anak.
"Hindi nga po sumagot. Hindi ko nga rin nakita
ang reaksyon dahil hindi na ako maka-tingin sa
kanya sa hiya."
"Nagsabi ka naman siguro ng dahilan kung
bakit ayaw mong gawin?"
"Opo." at ikinuwento na ni Ivan ang buong
nangyari.