IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 2

106 2 0
                                    

Note: comment and vote po :)

---

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 2

"Vani, wag kang malikot." saway ni Mico

habang nagpapaligo sa kanyang alagang aso.

Para namang tao kung makaintindi ang aso at

agad itong nag-behave.

"Good dog." natuwa si Mico sa inasal ng

kanyang aso. "Ito na, lalagyan na kita ng

shampoo. Huwag malikot."

Natapos ni Mico ang pagpapaligo sa aso ng

walang kahirap-hirap. Hinugot niya sa pagkaka-

sampay ang tuwalya na sinampay niya kanina

para ipam-punas kay Vani. Binalot niya ito at

kinarga. Papasok na sana siya sa loob ng bahay

nang masalubong niya ang kanyang ina.

"Tapos ka na pala." si Laila ang ina ni Mico.

"Yes Ma." ngumiti siya sa ina.

Bahagyang nagulat ang dalawa ng pumiglas si

Vani para maka-wala sa pagkaka-karga. Hindi na

nag-react si Mico pagkatapos noon. Hinayaan

na niyang maglaro ang bagong paligong alaga sa

kabuuan ng kanilang bahay. Muli niyang itinuon

ang sarili sa ina.

"Ma, bakit po?"

"Gusto lang sana kitang tanungin kung ano ang

lulutuin natin mamaya."

"Ah... ganun po ba?" saglit na tumigil si Mico.

"Basta Ma, huwag mawawala ang spaghetti ha?"

"Spaghetti?" napa-kunot noo si Laila. "Pang-

hapunan ang lulutuin natin."

Alam ni Mico ang tinutukoy ng ina. "Basta Ma,

kahit pang-isang tao lang ang luto."

"Teka, wala akong maalalang bata na pupunta

mamaya. Sila lang naman ang inimbita natin."

"Yup, pero ang kakain eh baka isip bata pa rin."

sabay tawa.

"Ah, alam ko na ang tinutukoy mo." natawa si

Laila habang nakatingin ng maka-hulugan sa

anak.

"Ma?" saway ni Mico. "Gusto ko lang ma-

apreciate niya ang muli naming pagkikita."

"Oo na. Ang lakas maging defensive."

Natawa siya sa pambubuking ng ina. "

Siyempre, may ibig sabihin ang tingin nyo eh."

"Pero ano pa ang lulutuin natin?"

Nagbigay si Mico ng ilang ideya para lutuin.

Nagtapos sila sa tatlong putahe at ilang

panghimagas.

"Okey na ba iyon?" tanong ni Laila para

masiguradong final na ang napag-usapan.

IVAN (My Love, My Enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon