IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 10
--
"Bading ka ba?"
"Ay hindi po." matigas na tanggi ni Ivan.
Natawa si Dino. "Alam ko naman iyon. Gusto ko
lang magsigurong galing mismo sa'yo"
"Ga-ganoon po ba? Bakit po ba ninyo
naitanong."
"Hindi ka ba naaasiwa sa anak ko? Alam mo
naman na hindi siya tulad nating tigasin."
tuwiran salita ni Dino.
"H-hindi naman po." pagsisinunggaling ni Ivan.
Alam niyang hindi naging maganda ang simula
ng pagkikita nila ni Mico.
"Alam mo bang mataas ang pangarap ko sa
kanya, kaya lang binigo niya ako." pahayag ni
Dino.
Ngayon alam na ni Ivan na hindi nga pinansin
ni tito Dino si Mico kagabi. Bigla siyang
nakaramdam ng awa para kay Mico. Nakinig na
lang siya.
"Hindi ko pinalaki si Mico na ganyan. Hindi ko
talaga gusto. Sa totoo lang hindi kami niyan
magkasundo. Hinahayaan ko siya, sige pero
hindi ibig sabihin noon ay okey lang sa akin.
Pinaparamdam ko sa kanyang hindi magaan ang
loob ko sa kanya. Sinasadya ko." patuloy ni
Dino.
Napa-buntong hinga naman si Ivan sa mga
narinig.
"Gusto ko sanang kaibiganin mo siya." dugtong
ni Dino.
"A-ah wala pong problema doon." sagot agad ni
Ivan.
"Gawin mo siyang tunay na lalaki."
"H-ho." bigla siyang nag-alinlangan.
"Oo. Umaasa akong magbabago pa siya."
Nakita ni Ivan sa mga mata ni tito Dino niya
ang pag-asam nito. Pero parang mahirap para
sa kanya ang gawin iyon. Ang buong akala lang
niya ay maging malapit na kaibigan. "S-sige po
susubukan ko." nasabi na lang niya.
"Natutuwa akong marinig iyan mula sayo.
Hayaan mo, tatanawin kong utang na loob iyan
sa iyo."
Pinilit ngumiti ni Ivan. Pero bigla niyang naisip,
hindi ba kaya ni tito Dino ang pinagagawa nito
sa kanya?
"Tito Dino, matagal niyo na po bang hindi
pinapansin si Mico?" lakas-loob niyang tanong.
"H-ha?" at nag-isip si Dino. "Bata pa lang si
Mico. Nang makitaan ko siya ng pagiging
mahinhin, nagbago na ang pakikitungo ko sa
kanya. Bakit?"