IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 26

67 0 0
                                    

---

IVAN (My love, My Enemy) Chapter 26

---

"Mico." tawag ni Divina.

Napatigil si Mico sa paglalakad. Gusto pa

naman niyang umiwas sa mga bagong dating

pero hindi na makakapagtago dahil tinawag siya

ni Divina. "P-po?"

"Hindi pa ba dumadating si Ivan?"

Hindi pa kasi napapansin ni Divina si Ivan na

nasa pintuan.

Hindi naman alam ni Mico kung sasagot ng oo

o hindi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa

kanyang dibdib.

"Ma." tawag ni Ivan.

Napayuko si Mico. Hindi niya magawang

humarap kay Ivan.

"Nandiyaan ka na pala... at may kasama ka?"

napangiti si Divina.

"Ah opo. Classmate ko si Angeline, Ma."

magiliw na pakilala ni Ivan sa ina.

Lumapit si Angeline kay Divina. "Nice to meet

you po." nakipagbeso siya sa ina ni Ivan.

Gumanti naman si Divina. "Nakakatauwa

naman. Hindi ko inaasahan na magdadala ang

anak ko ng babae dito sa bahay."

"Ma?" saway ni Ivan.

"Bakit?" tanong ng ina. "Ah iha, angeline right?

Huwag mong mapagkamali ha? Natutuwa lang

akong may isinamang babae si Ivan dito. For

the first time." sabay tawa ng mahinhin.

"Tamang-tama may niluto kami ni Mico na

miryenda. Mapapagsaluhan natin."

"Walang ano po, mmm" hindi alam ni Angeline

paano tatawagin si Divina.

"Tita na lang." naintindihan ni Divina ang ibig

sabihin ni Angeline. "Sana sa susunod mommy

na." muling tumawa ng mahinhin si Divina.

Natawa rin si Angeline. "Walang ano po iyon

tita. Maraming salamat po sa pagtanggap."

"Mico." tawag ni Ivan. Napansin kasi ni Ivan na

walang kibong nakayukong patagilid na

nakatayo si Mico sa harapan nila.

Ayaw nga sanang tumingin ni Mico sa mga

bagong dating. Ewan ba niya kung bakit bigla

na lang siyang nakaramdam ng hindi

pagkapalagay. Parang gusto niyang wala muna

sa eksena. Ngumiti siya nang tumingin kay Ivan.

"Dito na ako." nakangiting paalala ni Ivan.

Tumango lang si Mico. Napipi kasi siya.

Bahagyang napakunot ang noo ni Ivan. Hindi

siya kumbinsido sa ganoong sagot lang ni Mico.

IVAN (My Love, My Enemy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon