C2 - Home Visit

11.3K 475 43
                                    

Chapter 2

Inuman sa balkon ang naabutan ni Nicolette nang umuwi siya kinahapunan sa bahay nila. Balak niyang doon matulog dahil nami-miss na rin naman niya ang kanyang pamilya. Sinabi ng Mama niya na pang-umaga ang kuya niya at on leave naman ang kanyang Papa kaya maanong makitulog muna siya.

“Aba, may bisita akong maganda!” nakangising sabi ng kuya Hunter niya pero sumimangot lang naman ang dalaga at may masamang irap pa.

Katabi no’n ang girlfriend na si Jessica na hindi niya kasundo dahil kung siya ay hindi pinalaki na maarte kahit na may kaya sila, iyon naman ay sobrang arte kahit na wala naman halos maipagmalaki sa buhay maliban sa pagiging Japayuki ng buong angkan.

“Kuya gusto ko ng tahimik na gabi kaya please lang huwag kang magpapatulog ng ibang tao sa bahay.” Malaman na sambit niya sabay martsa papanhik ng hagdan.

Nasuri niya isa-isa ang mga kainuman ng kuya niya nang makaakyat siya sa balkon at mga pulis din naman ang mga iyon.
Nakangiti si Xavier sa kanya, ang best friend ng kuya niya na kinakapatid nila.
Nanliligaw sa kanya si Xavier at wala naman siyang problema dahil ang totoo ay para rin iyong si Ziggy, mabait, marespeto sa babae at bini-baby siya, kaya lang hindi niya maatim na magkagusto sa lalaki. Hindi pa lang talaga siguro handa ang puso niya na magmahal ulit o baka nga hindi na.

“Don’t worry, bunso. Hindi naman matutulog dito si Jes.” Akbay ni Hunter sa girlfriend na parang tutol pa at hindi napaghandaan ang sagot ng kapatid niya.

“Better.” She shrugs and turned her back.

“Ang taray-taray.” Biro pa ng kuya niya kaya nangiti siyang lumingon dito.

Hunter pointed his cheek and Nicollete rolled her eyes as she stomped her foot, walking towards her brother.

Hinalikan niya ito sa pisngi dahil alam niyang hindi ito titigil hangga’t walang kiss lalo pa at nakainom na. Pormal ito sa opisina pero kapag nagkikita sila kahit saang lupalop pa man ay talagang hindi nito nakakalimutan na magpahalik sa kanya. Kaligayahan na yata nito at ng Papa niya ang nguso niya.

They call her, ‘Dolly’ anyway. Para sa mga ito ay isa siyang laruang manika na pwedeng uto-utuin.

“Si Papa?” tanong niya sa kapatid na yumakap sa baywang niya at halik nang halik sa braso niya.

“He left. He’ll be back. He knows that his doll will spend a night here.”

“Okay. Doon na lang muna ako kay Mama.” Aniya saka sinulyapan si Jessica na hindi maipinta ang mukha.

Hindi niya alam kung bakit selos na selos sa kanya ang babae at talagang hindi nahihiya na ipakita sa kanya ang ganoong ugali. Sa mga magulang lang niya ito mabait o baka naman naiinggit pa sa kanya ang bruha dahil noon ay papansin din ito kay Ziggy kapag pumupunta sa bahay nila.

Hindi nga rin niya alam kung anong nagustuhan ng kuya niya sa babaeng malandi. Baka naman ginagawa na rin lang na palipasan ng oras ni Hunter si Jessica.

Poor lady. Palibhasa ay nagpapakita naman ng motibo kaya hindi iginagalang ng mga lalaki. If her husband was disrespectful, baka naman shoot na rin sa basket ang bruha noong mga araw na nagpapapansin ito roon.

She sighed as she turned her back.

Nalaglag ang balikat niya at naalala niya tuloy ang asawa niya. Na-miss niya iyon bigla kahit na kadadalaw lang niya sa puntod no’n na kahit beyanan niyang babae ay hindi na magawang dumalaw dahil nasa Japan.

Siya lang ang kaisa-isang tao na hindi nakakalimot na pumunta roon. Kung pinag-cremate malamang si Ziggy ay baka nasa bag niya parati ang urn at kasama kahit saan.

MB2 - DRIVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon