C40 - Beside Her

9.2K 514 104
                                    

Chapter 40

Her cheeks suddenly burned red when she noticed that Lorenzo si gazing at her in the mirror. Nakasakay na ito sa motor at siya ay sasakay pa lang.

Nakatulog lang naman siya matapos ang dalawang rounds nila sa kama. Wala na talaga siyang pag-asa. Nahulog na siya rito nang tuluyan. Hindi niya alam kung kailan pero natatakot na siya na mawala ito sa buhay niya gayong lahat ng bagay kahit hindi niya hingin ay handa yata nitong ibigay.

Napapaisip siya, nalilito pa rin at nasasaktan sa mga bagay na sinasabi ni Valentines pero kasama niya si Lorenzo at kaya naman niyang pagmasdan ang mga kilos nito, kaya lang ay hindi pa rin sapat.

Parang hindi na nito sinasabi sa kanya ang mga plano at pinahuhula na lang siya o baka siya lang naman ang may gustong manghula.

“Niregaluhan ka ba ni…Mommy Val ng Gucci pull over?” naitanong niya sa wakas nang sumampa siya sa motor.

Kusa niyang inilapat ang mga palad sa baywang ng asawa para kumapit doon.

“Tighter.” He still demanded.

Nicolette wrapped her arms now, gulping. She could feel his hard body which was against hers just an hour ago.

“No she didn’t. Why?” sagot ni Lorenzo sa tanong niya kanina nang simulan nitong paandarin ang motor.

Nakatingin siya sa kotse sa unahan nila at ang isa pa sa likuran. Kanina niya napansin ang mga kalalakihan sa bahay nila at ngayon lang niya naisip na nagba-bodyguard na pala ito.

“Sabi niya kasi kanina reregaluhan ka niya. Sabi niya kay Kuya Felix, i-order ‘yong Gucci na seventy-seven thousand. Ang yaman niya no, bagay kayo.” Tuya niya rito pero sarili lang niyang damdamin ang nasaktan niya.

Mas mahirap palang abutin ang isang Lorenzo de Ayala kaysa sa isang Ziggy de Ayala. Simple lang kasi si Ziggy at hindi kasing mamahal ng mga damit ng ama ang isinusuot kaya noon kahit simpleng class A na rubber shoes ay nakakapag-regalo siya, hindi tulad ngayon na pang-isang taon na yatang pangkain ng pamilya niya ang halaga ng gusto niyang ibigay sa mister niya.

“Don’t push me to someone I already turned my back on. We’re done and she’s not my life now. Don’t fret. I never received any Gucci whatsoever from her. Why so bothered, Nikulit?”

Hmp!

“I’m not bothered. I just want the same thing but can’t buy it because I’m not as rich as her.”

“Why the bitterness then?”

Siya pa raw ang bitter. Sabi na nga ba niya na kapag nagsumbong siya ay baka hindi pa siya nito kampihan.

“Hindi nga ako bitter!” singhal na niya rito pero natawa pa ito sa inasal niya.

“You said you want the same thing, for Hunter, your Papa? I told you I could lend you some.”

Para sa’yo nga!

“Ano naman ang interest?”

“Just hug and a kiss.”

Kandaubo siya rito. Sira ulo talaga ito at manyakis. Para tuloy napapaisip siya dahil mukhang totoo ang sinabi ni Valentines na ginagawa nitong pokpok ang mga nagiging babae nito.

“’Yoko. Hugs and kisses are given for free not in exchange or interest for something.” Simangot niya rito.

“My baby, why so childish? It’s just a token of gratitude. Hindi naman ‘yon interest talaga. Kanino mo ba ibibigay ang Gucci na ‘yon? Tell me and I’ll sue Felix to get it for you.” Pilit ni Lorenzo kay Nicolette pero nagpakalabi-labi siya.

MB2 - DRIVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon