45 - Where I Belong

9.8K 577 95
                                    

Chapter 45


Ziggy's death led him to me.

Iyon ang paulit-ulit na tumatatak sa isip ni Nicolette sa buong magdamag na lumipas. Nakatulog naman siya pero parang gising siya at binabagabag ng kung anu - anong kaisipan. Wala siyang matinong isip kahapon, sa maikling salita.

Lumabas siya sa banyo, punas ang bibig. Nanlalata siya at nangangalumata. Magang-maga ang mga mata niya dahil sa tindi ng iyak niya kahapon at kagabi pero ngayon ay parang kusa na lang din na naubos ang luha niya.

Kanina pa niya pinulot ang nabasag na frame ng dati niyang asawa pero tiningnan lang niya iyon at nginitian.

Napag-isip-isip niya na hindi si Ziggy ang tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob kaya alam niyang hindi iyon masaya na nakikita siyang nahihirapan at umiiyak lalo na at may anak na siya.

He had loved her with all his heart and even asked for her happiness before he had let go of his final breath.

Dapat ay palayain na rin niya ang guilt na nararamdaman dahil wala na siyang magagawa. Ang pagtaboy sa taong mahal niya ang pinakamasakit na bagay na makita. When she asked for Lorenzo to leave her alone, it even made her cry in silence.

She really doesn't want him to go. She loves him.

Ngayon ang dapat na alis no'n papuntang Australia kaya parang lumipad ang mumunting antok niya.

Agad siyang tumingin sa pintuan at malalaki ang hakbang na pumunta roon. She opened it quickly and hurriedly headed downstairs but no Lorenzo on the sofa.

She went to the kitchen and even dining yet still none.

Naluluha na naman siyang lumabas ng bahay at laking pagkadismaya niya na wala ang sasakyan no'n. Dalawang kotse lang ang nasa labas at parang nagpi-fiesta ang apat na bodyguards niya sa gazebo.

"Morning Your Highness, breakfast ma'am!" alok ni Levi sa kanya pero humangos siya at gusto niyang umiyak.

"Si Lorenzo?!" halos pumiyok pa siya sa pagpipigil na umiyak.

"Umalis po. Uuwi raw saglit sa bahay niyo."

Sa bahay ko? Bakit?

Wala siyang cellphone kaya tuluyan siyang lumapit kay Levi at inilahad ang kamay niya. "Pahiram ng cellphone. Tatawag ako kay Mama." Aniya pero tatawagan din niya si Lorenzo.

Wala naman pag-aatubili ang isa na ibinigay sa kanya ang sariling cellphone at ang una niyang hinanap ay number ng asawa niya.

He called his number but it's just ringing until it died.

No.

Umiling siya at talagang maiiyak na siya maya-maya pa.

Ipinag-type naman ni Nicolette ang number ng Mama niya at agad na tinawagan iyon. Gusto niyang malaman kung naroon nga ang asawa niya o baka tumuloy sa Australia.

"H-Hello, Levi?" boses iyon ni Adeline kaya agad na sumagot si Nicolette.

"'Ma! Si Lorenzo?"

"O, nasaan ka anak? Hindi kayo umuwi kagabi. Sabi ng kuya mo nag-date kayong dalawa."

Date? Mapakla siyang umiling. Umiyak siya at napag-isa. Inaway siya ng bruha at pakiramdam niya kahapon ay wala siyang kakampi kung hindi ang baby niya lang.

"Si Lorenzo?" ulit niya at hindi pinansin ang tanong ng ina. "S-Sabi ni Levi pumunta d'yan."

"O-Oo pero kanina pa umalis. Kukuha lang daw ng gamit tapos ay umalis na may dalang bag. Wala pa ba riyan?"

MB2 - DRIVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon