42 - Best Lover, Worst Enemy

9.3K 455 82
                                    

Chapter 42


“Bakit ba nandito ang kontrabida na ‘yan, ha? Pasira ng moment ang Valentina na ‘yan.” Pairap na bulong ni Lucy kay Nicolette habang nasa loob sila ng opisina, sinusukatan para sa mga gowns na isusuot nila.

Hindi nga siya komportable dahil sa presensya ni Valentines. Lorenzo was inside his office because he’s finishing all the things about the company. Last day na iyon ng asawa niya sa trabaho at parang taning sa sarili nito na dapat ay tapusin ang dapat.

Tomorrow, he will spend his day finalizing the other matters for the wedding. Hindi na muna ito magta-trabaho, sabi sa kanya kagabi bago siya lumabas sa library para matulog, matapos siyang kalikutin nang kalikutin na naman.

Kasi nagpakalikot ka naman.

Hindi niya alam ang isasagot niya dahil ang totoo ay gustong-gusto niyang tumulong na. Hindi naman siguro masama na maki-cooperate siya kahit pa magmukha siyang gaga na kumakain ng mga salita niya.

“Ayee, you have hickey on your waist.” Puna ni Landrieu kay Nicolette kaya agad siyang naalarma.

Ang laki ng ngisi ng bakla sa kanya na hindi mabitawan ang katawan niya. Ito ang personal na kumukuha ng sukat niya at ang mga assistants nito sa ibang papagawan ng gown.

Alam niyang hindi gagasino ang bayad sa paglipad nito sa Pilipinas at baka ultimo ang oras na iyon ng pagsukat ay daang libo na ang halaga.

“W-What?” sinipat niya ang tagiliran habang naririnig ang hagikhik ni Lucy sa tabi niya.

Paano ay naka-bra lang siya para raw sukat na sukat ang tabas ng isusuot niyang gown. And she never noticed that Lorenzo left a mark last night.

Inay! Kiss mark nga!

“Ahm that was bitten by a—” kandautal siya pero agad na sinalo ng kaibigan niya.

“By LRDA!” bulalas niyon sabay tawa ng malakas.

Ang talim-talim ng mga matang ipinukol niya rito dahil nahihiya siya pero mas lalo siyang nahiya nang bumukas ang pinto at pumasok si Lorenzo.

His husband stool just in front the door and shoved his hands inside his pockets, eying her with a very light smirk.

“She has hickey on her waist.” Bulgar na sabi ni Landrieu kay Lorenzo na lalong napangisi.

“She has one on her upper thigh, too.” Anito.

Ha?

Wala sa  isip na nasilip niya ang hita sa ilalim ng skirt kaya napagtawanan tuloy siya.

Lorenzo’s chuckle lingered in her ears that’s why she pouted but felt a bit uneasy when she found Valentines’ eyes. Those were fierce and she knows why. Inalis na lang niya ang tingin para makaiwas at pormal na tiningnan ang asawa niya.

“Are you comfortable here? Gusto mo ba sa bahay ko na sila papuntahin?” tanong pa nito sa kanya pero umiling siya.

“Okay na dito kahit naka-display ang katawan ko. Wala naman ibang tao.” Aniya dahil baka madoble lalo ang bayarin kapag maudlot pa ang pagsusukat.

Syempre ay may bayad sa abala at sa mahal ng PF ni Landrieu, baka naman bukas makalawa ay mabutas na ang briefs ni Lorenzo.

It will never happen.

It will never happen because he’s so rich yet they have to save if they could. She must.

“I just checked on you. I’ll go back inside my office.” Paalam na ng asawa sa kanya na ngayon ay nasa harap na niya.

MB2 - DRIVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon